“KUNIN MO na,” sabi ni Kyo habang iniabot kay Ellie ang isang paper bag na puno ng pagkain. Dumilat siya, kanina pa inaantok na halos nakatulog na sa kama nang biglang pumasok si Kyo, dahilan para maglaho ang antok sa kanyang mga mata. “Hindi ko na kailangan iyan. Sa iyo na lang. Inaantok na ako, kaya umalis ka na,” mahina niyang sambit bago muling humiga. “Huh? What’s wrong with this pregnant bunny?” bulong ni Kyo pero sapat na para marinig ni Ellie. Agad na kumulo ang dugo niya. “Ano?! Tinawag mo akong buntis na kuneho? Pagkatapos mo akong mabuntis, may gana ka pang sabihing pangit ako?!” biglang sigaw niya, saka nagmamadaling bumangon mula sa kama at humarap sa lalaki. Napatitig lang si Kyo habang nakaawang ang mga labi. “Hindi ko sinabi na pangit ka. Just calm down, Ellie,” ma

