Chapter 20

1024 Words
PAGLABAS NG walk-in closet, naabutan niya si Ellie na nanonood ng tv sa silid niya. “Halikan mo siya! Bilis!” she squealed, tinakpan nito ang namumulang pisngi. Kumunot ang noo niya habang pinagmasdan ito. “Hey, why do you look like a tomato?” he teased, grabbing a cupcake from her tray. “Ibalik mo iyan!” matalim siya nitong tinignan. “Too late, it’s in,” he smirked, pointing at his mouth. “Mmm… ang sarap. I want more.” Bago pa man niya makuha ang isa, mabilis na natampal ni Ellie ang kanyang kamay. “So mean,” he pouted, acting like a spoiled boy. Inirapan siya ng babae. “Akin iyon!” “Isa lang naman.” Humaba ang nguso ni Ellie. “Wala ka bang trabaho ngayon?” “I do… but I’d rather help you finish your snacks—” “Subukan mo!” biglang sigaw nito. He licked his lips just to annoy her. “Ugh, nakakadiri ka talaga!” sigaw ni Ellie sabay talon sa sofa dala ang tray. “Hey! Come back here!” Kyo chased after her. Like kids, they ran around the room, hawak-hawak pa rin nito ang tray habang pilit namang inaagaw ni Kyo. “Hubby!” Isang matinis na sigaw ang gumulat kina Ellie at Kyo dahilan para mapahinto sila. Kanino galing ang sigaw na iyon? tanong ni Kyo sa sarili habang pinipigilan ang mabilis na t***k ng kanyang dibdib. Hindi agad tiningnan kung sino ang nagsalita. Para bang umaasa siyang guni-guni lang iyon. But there was only one person who ever called him that. Saoirse’s mom… was it her? Or someone else? Binuksan ni Kyo ang pinto. Nang bumungad ang mukha nang taong matagal niya ng kinalimutan, parang may sumabog na bomba sa ulo niya. Biglang bumigat ang kanyang hininga. "Hubby, it’s me. Your wife." Ang babaeng pinaka-ayaw niyang makita. What the hell is she doing here?! "Hubby, I missed you so much," ani Trixie, may halong landi ang boses, at tinangkang yakapin siya. Pero napahinto ito nang marinig ang malamig at nakakatakot na tinig niya. "Don’t you dare come closer," he said firmly, barely holding back his anger. Agad siyang sumigaw. "Who the hell let you in? Gardo!" sigaw niya habang nag-aapoy ang mga mata sa galit. Sa halip na matakot, ngumisi lamang si Trixie, at pumasok sa loob ng silid. "Oh, stop yelling, Kyo. Am I not allowed to enter my husband’s house?" tugon nito na may halong pang-aasar. Nang makita nito si Ellie na nakaupo sa sofa, gulat na gulat na parang hindi makapaniwala sa nakikita. Sinipat ito ni Trixie mula ulo hanggang paa, bago tumawa nang may pang-iinsulto. "And who the hell is this piece of trash?" matalim nitong tanong. Nanlaki ang mga mata ni Ellie. Ngunit bago pa ito makapagsalita, mabilis na pinutol ni Kyo. "Ellie, excuse us," malamig niyang sabi. Nagulat ito pero tumalima. Sinulyapan pa ni Ellie si Trixie, bago naglakad palabas. Nang makalabas si Ellie. Hinarap ni Kyo si Trixie. "What do you want here?" Nagkunwari pa itong nagmamasid sa paligid, hindi alintana ang tensyon. "Oh, me? Won’t you even offer me anything? Coffee? Wine? Tea, maybe?" Umigting ang kanyang panga. Ang lakas ng loob nitong tumapak sa mansyon. Hindi ba ito takot na tumawag siya ng pulis? "If you’ve got nothing important to say, makakalabas ka na. Get out!" Biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Trixie, at marahas na lumabas sa bibig ang isang pangalan. "Saoirse. Where’s she?" Parang binuhusan ng kumukulong tubig si Kyo. Gumapang ang galit sa katawan niya. "Don’t you ever dare let that name escape your filthy lips! Saoirse is my daughter, stay the hell away from her!" Sa galit niya, hindi napagilang sakalin ang babae. "Y-you’re… choking… me…" pigil-hiningang sabi nito na pilit kumakawala. "Kung gusto mo pang mabuhay. Umalis ka na. I don’t ever want to see your damn face again! Go back to where the hell you came from!" sigaw niya, at sakanbinitiwan ito. Nag-ubo at halos mabulunan si Trixie. Pero sa halip na matakot, ngumisi lamang ito kay Kyo. "Sorry to disappoint you, hubby. But you’re gonna see my face every day from now on. Get used to it." Nanigas si Kyo sa inis. "Aalis ka o tatawag ako ng pulis? Hindi ako magdadalawang isip na ipakulong ka." "Tingin mo ba may maniniwala sa iyo? You have no evidence, Kyo. All your witnesses are already dead." Lumapit ito sa kanya. "Don’t worry, I’m leaving. But remember… keep an eye on Saoirse." Kumindat pa ito bago lumabas. "Fvck! Why did she come back?! I hate you! I hate you so much!" Sigaw niya habang winawasak ang mga gamit sa paligid. "Kyo!" tumakbo si Ellie papalapit, at tinangkang pigilan siya. Agad niyang nilingon ito, at kahit nag-aapoy sa galit ang mga mata kanina, biglang nag-iba ang ekspresyon nang makitang tumatakbo si Ellie. "You should stop running, baby. Remember, our child is inside you," saway niya. Napahinto ito at dahan-dahang lumapit sa kanya. "A-ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito saka hinawakan ang braso niya. "I’m good. Why do you ask?" balik ni Kyo, may bahid ng pagtataka. "Uh… w-wala. Narinig ko kasing sumisigaw ka..." kagat-labi nitong sagot. Napangiti si Kyo. "Nag-alala ka ba sa akin?" "Tigilan mo ng ako, Kyo. Sino ang babaeng iyon?" tukoy nito kay Trixie. He froze. Ngayon pa pala nakita ni Ellie ang baliw niyang ex-wife. "She's my... ex-wife..." Natahimik si Ellie. Huminga ng malalim si Kyo at hinagod ang braso nito. "A-anong kailangan niya at bakit bumalik pa siya?" Umiling si Kyo. "Hindi ko alam." "Bakit hindi ka tumawag ng pulis? May krimen siyang ginawa, bakit hinayaan mong makaalis?" kunot-noong tanong ni Ellie. Napamaang si Kyo. Bakit nga ba hindi niya agad pinakulong ang babae? Siguro dahil marami ang pumipigil sa kanya. Isa na doon si Saoirse. "Halika ka, samahan mo ako. I’m going to pick Saoirse," aniya, biglang iniba ang usapan. "Okay lang sa iyo?" nag-alangang tanong nito. "Oo naman. Let’s go." Hinawakan niya ang kamay nito at sabay na lumabas. "Saoirse will be happy to see both of us at school," sabi ni Kyo, at bahagyang lumilingon dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD