“WOW, SOMEONE, talks a lot,” napailing si Kyo habang pinagmasdan silang dalawa ni Saoirse sa likuran. Nagkatinginan si Saoirse at Ellie. “And someone is lazy,” biro naman ni Saoirse at ginaya ang tono ng ama. “Who are you calling lazy?” kunot-noong tanong ni Kyo habang kinukuha ang anak at isinampa ito sa kandungan. “You…” natatawang sagot nito. “Really?” “Yes.” “Okay…” kiniliti nito ang anak na agad napahalakhak. Napangiti si Ellie habang pinagmasdan ang mag-ama. Kahit gaano kaabala si Kyo, hindi nito nakakalimutang bigyan ng oras ang anak. Walang duda na mabuting ama ang lalaki. Malawak ang ngiti niya habang hinahaplos ang tiyan. Kinagabihan, bago matulog si Saoirse. Kinakailangan munang basahan ni Ellie ng bedtime story. “Good night, Saoirse,” bulong niya sabay halik sa noo

