KUNG MAY pinakamasaya man na makita si Ellie sa mansyon ng Castillano, si Saoirse iyon. Sa sobrang pangunguli ng alaga niya halos hindi na ito humiwalay sa kanya, maliban na lamang kapag pumapasok ito sa paaralan.
Biglang napahiyaw si Elllie nang mabangga niya ang isang tao, dahilan para mawalan siya ng balanse. Napapikit siya nang mariin, handang-handa sa pagbagsak, ngunit wala siyang naramdamang sakit.
Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at ang bumungad kay Ellie ay ang asul ng mga mata ni Kyo. Bahagyang nakaawang ang labi nito habang nakatitig sa kanya.
Nagtagal ang titigan ng dalawa, na parang nawala sa sarili at nalunod sa mga mata ng isa’t isa. Mabilis na kumurap-kurap si Ellie, saka tumikhim. Gano'n din si Kyo na tila nagbalik sa katinuan. Marahan siyang itinayo nito at inayos ang kanyang suot na pajama.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Kyo sa mababang tono.
Napakagat-labi si Ellie at isinukbit ang isang hibla ng buhok sa likod ng kanyang tainga.
“Uh… a-ako. M-matutulog na,” nauutal niyang sagot.
Bahagyang kumunot ang noo ni Kyo, habang tila sinisilip ang kaluluwa niya sa matalim na titig.
“Halika. Sumunod ka sa akin.” Hinawakan siya agad ni Kyo at hinila patungo sa silid nito.
Parang dumaan ang malamig na hangin sa kanyang kaluluwa. Parang biglang bumalik sa kanya alaala ang nangyari sa kanila sa silid ni Kyo.
“Sit down,” anito, saka dumiretso sa bedside drawer.
Umupo naman si Ellie sa kama, mabilis ang t***k ng kanyang puso at hindi mapakali ang isipan. Natatakot siya na baka maulit ang nangyari.
“Relax. I won’t touch you. May ibibigay lang ako sa iyo,” paliwanag ni Kyo nang mapansin ang malalim na paghinga ni Ellie.
Lumapit ito, ngunit awtomatikong umatras ang dalaga, dala pa rin ang takot. Hindi niya mapigilan ang pangamba.
“Hindi kita sasaktan, Ellie. Just make yourself comfortable. Or maybe… hindi mo pa talaga ako napapatawad, gaya ng sinabi mo?” malungkot na tanong ni Kyo.
Napayuko si Elllie at pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.
“Pasensya na, hindi ko alam kung bakit ako umurong.”
“That’s nothing. Here, this is for you.” Inabot nito ang isang kahong nakabalot.
Tinitigan muna ni Ellie iyon bago muling tumingin kay Kyo. Bahagyang nakataas ang isang kilay.
“Ano ito?” tanong niya.
“Just accept it.” Kinuha nito ang kamay niya at inilagay doon ang kahon.
Maingat na binuksan ni Ellie ang balot, at pagkakita sa laman, napasinghap siya.
“C-cellphone?!” halos hindi siya makapaniwala. Tinignan niya si Kyo.
“Salamat,” nakangiti siyang lumapit.
Ngumiti rin si Kyo at tumango.
“What will you give me in return?” nakataas ang kilay nitong tanong.
Napanguso si Ellie at kumibit-balikat.
“Ano naman kaya ang maibibigay ko?” biro niya habang idinantay ang daliri sa baba, kunwari nag-iisip.
Napangisi si Kyo at hinimas ang kanyang baba.
“A hug?” tanong nito na nakatagilid ang ulo.
Napangiti si Ellie at bahagyang umiling.
“Sige, yakap na lang,” aniya at lumapit para yakapin ito.
Mukhang hindi inasahan ni Kyo dahil nanigas ito sa kinatatayuan. Ngunit kalaunan niyakap siya nito ng sobrang higpit.
“Kyo, hindi mo ba ako bibitawan?” bulong niya.
“No. I just need your warmth so I can sleep properly.”
Napabuntong-hininga siya at tinapik-tapik ang likod nito.
“Nanaginip ka ba ng masama?” tanong niya.
Bahagyang kumalas si Kyo at tumitig sa kanya.
“Parang gano’n.”
“Uh…”
“Pwede ba?” bulong nito, nakapako ang tingin sa kanyang mga labi.
“H-ha?” kumunot ang noo ni Ellie.
“Sorry… but your lips, they’re kind of tempting,” may pilyong ngiti si Kyo.
Kinagat niya ang ibabang labi. Ramdam ng dalaga ang matalim na titig nito, dahilan para siya ay mamula.
“Kyo?” tawag niya.
“Hm?” hindi pa rin inaalis ng lalaki ang tingin sa kanyang mga labi.
“Kyo, pakawalan mo na ako,” mahinang pakiusap niya, ngunit tila hindi ito nakarating sa pandinig ng lalaki.
Buong atensyon ni Kyo ay nakatutok sa kanyang mapupulang labi. Dahan-dahang lumapit si Kyo, at bago pa siya makatanggi, naglapat na ang kanilang mga labi. Gutom na gutom ang halik nito. Naramdaman niyang mas humigpit pa ang pagkakayakap nito.
Napapikit siya at ninanamnam ang mapusok na halik nito. Sa mga nakalipas na linggo, hinahalikan siya nito kung kailan maisipan nito, sa sala, sa kwarto ni Saoirse at kung saan-saan. Lagi nitong sinasabi na masyadong nakakaakit ang mga labi niya.
At sa bawat halik na iyon, may kakaibang nararamdaman si Ellie. Lagi siyang kinikilabutan. Lagi ring tumitibok nang mabilis ang kanyang puso tuwing nakikita ang lalaki. Ito ba ang dating malamig, arogante at masungit niyang amo?
“Mm…” napaungol si Ellie habang humihiwalay sa halikan nila. Ito na ang pinakamatagal nilang halik. O baka naman muling bumabalik ang matinding pagnanasa ni Kyo?
Dahil sa mismong pag-iisip na iyon, lalo pang bumilis ang t***k ng puso niya. Uulitin ba nito ang nangyari noon?
“Ellie…” tawag nito sa mababang tinig na lalong nagpabilis ng t***k ng kanyang puso.
“Kyo, umaatake ba ang s-sakit mo?” tanong niya na bakas ang kaba.
Mabigat ang paghinga ni Kyo habang hawak pa rin siya nang mahigpit.
“Oo…”
Nanlaki ang mga mata niya.
“I need my medicine!” ungol ni Kyo at pinakawalan siya.
Mabilis na tinungo niya ang drawer at hinanap ang gamot nito. Nang makita ay kumuha siya ng tubig, pinuno ang isang baso at mabilis na bumalik sa tabi ni Kyo. Inabot niya ang dalawang kapsula.
Agad naman itong nilunok ni Kyo at tinungga ang tubig. Malalim ang paghinga nito, ngunit halata pa rin ang pagnanasa sa mga mata ng lalaki. Alam ni Ellie na aabutin pa ng ilang minuto bago tuluyang umepekto ang gamot.
“Mas bumuti na ba ang pakiramdam mo?” puno ng pag-aalalang tanong ni Ellie.
“Maliligo lang ako…” mahinang sagot ni Kyo sabay dahan-dahang tumayo at naglakad papasok ng banyo.