“SALAMAT SA lahat ng ginawa mo para sa akin, Kristoff. Sobrang naa-appreciate ko talaga.” Ngumiti si Ellie sa lalaki at niyakap ito. Sa unang pagkakataon mula nang magkakilala sila, ngayon lamang niya nayakap si Kristoff.
Ramdam ni Ellie na natigilan ito sa biglaang pagyakap niya, ngunit agad ding nakabawi at niyakap ang dalaga pabalik.
Pagbitaw ng dalawa sa yakapan, muli siyang ngumiti dito.
“Salamat.”
“It’s my pleasure,” sagot ni Kristoff. “Ipapasundo na kita sa driver at ihahatid ka kung saan mo gustong pumunta.”
Umiling si Ellie. “Huwag na. Ayos lang ako. Sapat na ang lahat ng naitulong mo sa akin.” ngumiti siya at binuhat ang mga gamit.
“But—”
“Seryuso ako. Ayo lang talaga.” Kumindat pa siya bago tuluyang lumabas ng bahay.
Agad siyang sumenyas ng taxi at sumakay. Sa aparment muna ni Luna siya dumeritso.
“Ellie?!” nanlaki ang mga mata nito nang pagbuksan siya ng pinto.
“Luna…” bulong niya bago mahigpit na niyakap ang kapatid.
“Saan ka ba napunta, Ellie?” tanong nito nang kumalas sa yakapan nila.
Binuksan nito nang malapad ang pinto at inalalayan siyang pumasok. Agad siyang naupo sa sofa pagkapasok sa loob at ibinagsak ang mga gamit na dala.
“Ellie…” tawag ni Luna, bakas ang pag-aalala.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Ellie na bahagyang nakataas ang kilay.
“Anong nangyari sa iyo?”
Hindi agad nakasagot si Ellie. Umupo si Luna sa tabi niya at hinawakan ang kanyang mga kamay.
“Bakit bigla ka na lang tumakas mula sa ospital? Alam mo ba kung saan-saan ka namin hinanap? Ilang gabi akong umiiyak at halos mawalan ng trabaho dahil hindi na ako makapasok. Naisip mo ba ang sakit na dinanas ko! Naisip mo ba ako kahit minsan?!” sunod-sunod na bulalas ni Luna sabay hagulgol.
Napabuntong-hininga si Ellie at malungkot na pinisil ang labi.
“Sorry, Luna. Kailangan ko lang ng oras para mapag-isa. Ang hirap tanggapin, ang sakit na basta ka na lang mawalan ng bagay na pinakaiingatan mo buong buhay.” Tumulo ang kanyang luha.
Mahigpit siyang niyakap ni Luna. “Sabihin mo sa akin, sino ang gumawa nito sa iyo?”
Pagkabitiw nila sa yakapan, pinunasan ni Ellie ang kanyang luha. Wala nang silbi ang magtago pa sa kapatid niya. Karapatan nitong malaman ang katotohanan.
“Sabihin mo sa akin, Ellie. Sino ang gumahasa sa iyo? Sino?!” desperadong tanong ni Luna na nanginginig pa ang boses.
“S-si…” Napakagat siya sa labi, nahihirapang bitawan ang salita.
“Sino?”
“Si… Sir K-kyo.”
Umawang ang labi ni Luna at nanlaki ang mga mata.
“Ano?! Si S-sir Kyo?!” gulat na napatayo si Luna.
Napayuko siya at pinisil-pisil ang sariling daliri, para bang hinihintay ang susunod na kilos ng kapatid. Kilala niya si Luna, mas matindi itong magalit kaysa sa kanya, at siguradong gagawa ito ng bagay na hindi kanais-nais.
“Ang boss mo?! Siya ang gumahasa sa iyo?! At nagawa pa niyang magpanggap nang tinanong ko siya?!” sigaw ni Luna na nanlilisik ang mga mata.
“Luna—”
“Huwag mo akong tawagin! Kapatid mo ako, Ellie. Pero itinago mo sa akin ang lahat ng ito? Mas pinili mong tumakas na lang mag-isa!” bulyaw ni Luna, bakas ang matinding sama ng loob.
Natigilan si Ellie at muling napaluha.
“I’m sorry, Luna…”
“Huwag kang mag-sorry sa akin!” singhal ni Luna. “Hindi sapat ang sorry! Pupuntahan ko ang boss mong iyan at tuturuan ko siya ng leksyon!” Mabilis itong humakbang patungo sa pinto.
“Hindi, Luna! Huwag! Please, makinig ka muna. Huwag kang gagawa ng kahit anong ikapapahamak mo,” pagsusumamo ni Ellie, at mabilis na hinawakan ang braso nito.
“Bitawan mo ako! Ginahasa ka niya! Ninakaw niya ang dignidad mo! Paano mo nagagawang ipagtatanggol ang kahayupang ginawa niya?!” galit nitong sabi.
Lalong bumuhos ang luha ni Ellie.
“Naiintindihan ko siya. May mga dahilan si Sir Kyo. At ayokong masira ang trabaho ko, Luna. Please, tama na,” pagmamakaawa niya.
Saglit na natigilan si Luna. Saka napabuntong-hininga. Bumalik ito sa sofa at naupo.
“Fine… pero kailangan mong sabihin lahat sa akin, Ellie. Kailangan kong malaman ang buong katotohanan.”
Tumango si Ellie. Sinimulan niyang ikwento ang lahat ng nangyari.
Matapos ang halos isang oras na pagkukwento, naipaliwanag din ni Ellie kay Luna.
“Grabe, ang dami niyang pinagdaanan,” malungkot na bulong ni Luna matapos pakinggan ang buong kuwento ni Ellie.
“Tama ka, kaya naman nakikiusap ako sa iyo, huwag ka nang gumawa ng kahit anong ikapapahamak mo. Please, Luna. At least, gawin mo na lang ito para sa akin.” Malambing na kumurap-kurap si Ellie sa kapatid.
Napabuntong-hininga ito at niyakap nang mahigpit si Ellie.
“Pero… nasaktan ka niya.”
“Alam ko...” mahina at mapait na tugon niya. “Pero hindi naman niya kasalanan. Hindi niya ginustong gawin iyon sa akin.” Unti-unti siyang bumitaw mula sa yakap ni Luna, bakas ang pagod at lungkot sa mukha.
Nagkrus ang mga braso nito halatang hindi kumbinsido.
“Fine, para sa iyo, iisipin ko muna bago ako kumilos. Pero tandaan mo, Ellie. Hindi ibig sabihin na pinatawad ko na siya.”
Napangiti si Ellie. “Thank you, Luna.”
“Hmm... you’re welcome to my humble abode!” biro ni Luna sabay tayo at yumuko na para bang isang butler na nag-aalay ng serbisyo. “Anong gusto mong kainin?”
Napailing si Ellie, saka napaikot ang mga mata. Humiga siya sa couch at pumikit. Sinusubukan niyang makatulog.
“Hoy, tamad!” sigaw ni Luna sabay hatak sa kanya mula sa sofa. “Bumangon ka nga at kumain muna bago matulog!”
Halakhak ni Luna ang bumungad sa kusina habang halos kargahin na nito si Ellie papunta roon. Kahit mabigat ang sitwasyon, ramdam niya ang init ng pagkakapatid nila, na kahit gaano man kasakit ang pinagdaanan niya, may tahanan siyang babalikan sa piling ng kanyang kapatid.