“AYOS LANG kung ayaw mong sumagot,” sabi niya sa mahinang tinig. “Sasagutin ko ang tanong mo,” sa wakas ay sagot ni Kyo. Huminga ito nang malalim bago nagsimula. “It all started when Saoirse’s mother was abducted...” lumunok ito na parang nahihirapang ituloy ang kwento. “Huwag mo ng pilitin ang sarili mo,” aniya. Umiling si Kyo at nagpatuloy pa rin. “Sa takot ko na baka may mangyaring masama sa kanya, I rescued her all by myself in exchange for ten million dollars. Ngunit ang hindi ko alam ay plano niya pala lahat ng iyon. Nagkunwari siyang dinukot para makapagbayad ako ng malaking pera,” napangiti ito ng mapait. Sa bawat salita nito ay ramdam niyang mabigat ito sa aalala ng lalaki. “P-paano niya nagawa iyon?” Nakaramdam ng galit si Ellie sa ina ng kanyang alaga. “The only thing t

