“HEY.” NAPAPITLAG si Ellie nang maramdaman ang isang tapik sa balikat. Mabilis siyang napalingon at hindi sinasadyang bumangga kay Kristoff. “Ayos ka lang?” tanong ni Kristoff, bakas sa tinig ang pag-aalala nang makita kung gaano siya natakot. “O-oo. A-ayos lang ako. Wala ito, ayos lang ang lahat,” pautal-utal na sagot niya na halatang kinakabahan. “Sigurado ka ba?” kunot-noong tanong ni Kristoff, hindi ito kumbinsido sa sinasabi ni Ellie. “Oo naman, sigurado ako. Umuwi na tayo. Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga,” mabilis niyang sambit at naunang naglakad. Pagbalik niya ng silid. Hindi siya mapakali. Muling napatingin si Ellie sa card na nasa palad niya at napabuntong-hininga. Wala siyang naging maayos na tulog. Paulit-aulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mukha ni Kyo at

