THREE YEARS LATER... MAURIE (KLAIRE) POV “The only mistake that I did was to trust you.” Hindi mawala sa isip ko ang huling salitang binitiwan sa akin ni Angus. Sinubukan kong ayusin ang lahat sa pagitan naming dalawa ngunit patuloy siyang nagbubulag-bulagan. Patuloy niya akong inilalayo sa kaniya kahit pa ang gusto ko lang ay magkaayos kami. Siguro nga tama siya, hindi na maayos pa ang relasyon naming dalawa. At sa una pa lang naman ay wala naman talaga kami niyon, ako lang ang nag aassume na magugustuhan niya rin ako ng tunay. Hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko sa kaniya. Kung ano ang nais niyang paniwalaan, hahayan ko na siya! Pinagmasdan ko ang buong sarili ko sa salamin. Hindi ko lubos akalain na muli kong gagamitin ang tunay kong pagkatao. Akala ko habang buhay ko ng gag

