MAURIE POV Parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit nang magkaroon ako ng malay. Hindi na ako sanay uminom ng maraming alak. Dati kaya kong makipagsabayan sa mga kaibigan ko pero ngayon, hindi ko na kaya. Inilibot ko ang aking paningin at laking gulat ko dahil nasa apartment ko na ako. Ang huling natatandaan ko ay nasa mansion ako at nakikipagsayahan sa mga kaibigan ko. “Thank God you are awake!” “Dad?” “We all know mababa ang alcohol tolerance mo but you didn’t know your limitation. Now, look what you’ve done, my princess.” Wala akong alam sa gustong iparating ni Dad. Kaya naman tinanong ko na siya. “Ano iyon Dad?” “Your son is making me his manny, I’m his grandfather. But he’s making me look like a nanny man.” Natawa ako lalo na noong matingnan si Dad mula ulo hanggang paa.

