CALEB
Ayon sa reaction ni Tito Bryan, si Iris nga ang batang ito sa picture. Hindi lang kami natapos mag-usap dahil sa biglaang pagdating ng isang ginang.
Ngayon lang talaga ako nakaramdam ng matinding galit.
I know nawawala ako sa focus. When I see her bruised skin I want to kill those who hurt my love. When I see her crying, my heart bleeds. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko nang kami na lang ang naiwan sa loob ng office, niyakap ko siya.
I can't imagine how broken she is, napakabata niya para danasin ang lahat ng ito, orphaned, abused, her uncle almost r*ped her, bullied… But she is so strong to face all of these and I am very proud of you my love.
"Boss umuwi siya para kumuha ng kaunting gamit. Ngayon nandito siya sa tapat ng condo niyo."
"Sige salamat Louie. Makakauwi kana ako na ang bahala."
Nakita ko siya sa cctv, kumukumpas pa ang kamay habang nagsasalita. I took a quick shower, when I'm done i checked the monitor again. Dali-dali akong bumaba ng makita kong nakatulog siya sa upuan.
"Ikaw ba ang sinasabi niyang kaibigan sir? Pasensya na po sumusunod lang po ako sa protocol."
"Walang problema." Tinapik ko sa balikat ang guard. Alam kong mapagkakatiwalaan ang mga bantay namin dito.
Binuhat ko si Iris saka ko nadamang nilalagnat siya! Dinala ko siya sa penthouse.
Alam kong sa unit ni Niccolo ang balak niyang pumunta pero mas pinili kong sa penthouse siya dalhin.
"My love, I promise from now on I won't let anyone hurt you anymore. I will protect you. My first kiss, my first love, and my last. I love you." Hinalikan ko siya sa noo.
Habang pinupunasan ko ang maganda niyang mukha napadako ang mata ko sa kanyang bibig. Those full heart shaped lips na namumula dahil sa lagnat.
You did great my love! From now on hindi kana mag-iisa. Nandito na ako. I gently kissed her. I smiled. You stole my first kiss so you have to pay for it.
Iniwan ko muna siya saglit para makapagpahinga. Dahil busy ako sa kusina, madilim na pagbalik ko.
She's having panic attacks? Ilang beses ko siyang sinubukang gisingin. I clapped to open the light.
I'm f*cking worried when I saw her having anxiety attack! She's crying inside the bathroom. Gusto ko siyang daluhan sa kalungkutan pero paano ko iyon magagawa?
After we eat together and after our long conversation, I send her to bed..
"Dito lang ako sa sofa, mas sanay kasi ako dito." Tutol niya.
"Sumunod ka na lang para wala tayong gulo. You have infection dahil sa mga pasa mo.I'm the doctor here kaya alam ko ang nakakabuti sayo."
"Hindi ako makakatulog sa malawak na higaan at nakapatay ang ilaw!"
"Then I'll sleep with you."
"Salamat na lang, I'd rather sleep alone than sleeping with you. Baka hindi lang bangungot ang abutin ko."
Natawa ako sa sinabi niya. Alam ko nabwesit siya sa tawa ko, dahil pinapawisan ang ilong niya.
"Its already late huwag na natin pahirapan mga sarili natin marami pa akong obligasyon na kailangan atupagin bukas. Kaya please magpahinga na tayo."
"Sino ba kasi nagsabi sayo na asikasuhin ako hindi na ako bata… Oopps." Muntik na siyang mabuwal. Alam kung tumatalab na ang pampatulog na binigay ko. Buti na lang naagapan ko siya bago pa bumagsak. Dahan dahan ko siyang tinulak papuntang higaan.
"Thats not the right way of treating your professor. Mabilis ang karma sa mga mataray na katulad mo." Inalalayan ko siya pahiga. Our eyes met, her and her beautiful eyes conquering my soul.
She slowly closed her eyes, i gently kissed her lips, 'good night my love,'
Naalimpungatan ako ng biglang may humampas na kung ano sa mukha ko.
"You p*****t! Bakit ka natutulog sa tabi ko!" Sigaw niya galit na galit ang mukha. At balak ulit akong hampasin ng unan.
"Good morning my love!"
"Don't call me that! Why are you sleeping with me?"
"My love the last time I checked this was my bed." Natawa ako ng magtakip siya ng tainga.
"Paano na ang reputasyon ng eskwelahan kung may makakita sa atin? Malaking headlines ito! Estudyante at Guro...OMG!"
"You're just being paranoid honey! Huwag ang reputasyon ng eskwelahan ang isipin mo kung hindi ang sarili mong reputasyon. Isa ako sa may ari ng eskwelahan kaya wala kang dapat ipag alala."
"Whatever! Doon na ako na sa unit ni Niccolo."
" Agad agad? Baka gusto mo akong sabayan maligo? Total naman kagabi mo pa nga ako pinagsamantalahan."
"Ang kapal mo! Ikaw? Pagsasamantalahan ko? Naku,naku, nako Doc walang wala po kayo sa kalingkingan ng fiance ko!"
"Fiance? Hah! Miss Salazar, why are you talking casually to me? Hindi dapat ganyan ang pakikitungo sa prof mo."
Fiance? As in… What the f*ck!
"That's what I'm saying Doc! Hindi dapat ganito ang takbo ng usapan ng guro at estudyante!"
Nagmartsa na siya palabas ng kwarto ko.
"Sumabay ka na sa akin, pupunta din ako sa university!"
Dali-dali akong naghanda para pumasok sa trabaho. Dinaanan ko si Iris sa unit ni Niccolo.
"Are you ready? Let's go."
"Why do you have access here? Basta basta ka na lang po pumapasok ng walang pahintulot!"
"Look honey, I want you to know that I am the owner of this building. Hindi ko kailangan ng pahintulot nino man para makapasok sa unit na 'to dahil ako ang nagbigay nito sa kambal."
"Sir, Doc, sorry, pero sana po hindi na po tayo maglapit pa ulit ano ho? Hindi po talaga magandang tingnan. Mauna na po kayo."
"Maging praktikal ka nalang Iris, parehas lang tayo ng lugar na pupuntahan, sayang din ang pamasahe." She just sighed at nauna na nga lumabas.
"Damit pala ni Niccolo ang sinuot mo, dapat nagsabi ka nalang sa akin meron din naman akong mga damit para hindi ka na bumaba pa."
"It's not a big deal. Please stop doing this to me, hindi nyo po ako obligasyon. Thanks anyway."
"Why are you so grumpy today? Kani-kanina lang para kang sawang makapulupot sa...uuhhmm.." Tinakpan niya ang bibig ko while glaring at me.
"Please, stop. Gusto mo mawalan ka ng lesinsya or mapasara ang scho…. ?"
"Your eyes looks familiar." Bulong nya.
"I know! I am famous, I am one of the biggest investors here and abroad. That's why I seem familiar. And stop talking casually to me, I am still your prof!.."
"Ikaw kaya ang laging nauuna!"
"You're so defensive Miss Salazar, do you know that?"
"I'm sorry Doc!" mabilis niyang hingi ng pasensya.
"Affected ka ba sa presensya ko. Do you like me?" Malutong na tawa ang sinagot niya sa akin. Maluha-luha pa siya nga manghingi ulit ng paumanhin.
"Now get inside my car and stop overthinking! Walang magdududa sa atin. Hindi ako papatol sa …"
"Hindi ka papatol sa mahihirap na tulad ko. Okay, fine, mabuti na ang malinaw."
"Hindi yan ang ibig kong…
"Tara na po Doc, mahuhuli na po ako. May meeting po kaming mga scholars ngayon."
"Nica? Wow ganda ng kotse! At saka OMG! Si Doctor Fuentebella ba yan? Alam mo ba? Maraming crush diyan" Bulong ng isang estudyante pero dinig ko pa din.
"Ah, oo n-nadaanan niya ako sa bus stop, kaya hinintuan niya ako at pinasabay na lang." Atubili niyang sagot.
"Tara na sa canteen nandoon na si Clyde naghihintay sayo."
Clyde? Sino iyon?
"Hello boss."
"Louie, alamin mo sinong Clyde ang umaaligid sa kanya. Report to me, ASAP!"
"Copy boss."
"Oh wait Louie, send her one long stemmed white rose. With a note."
"Ano ang ilalagay ko sa note boss?"
Madalas gabi ang trabaho ko kaya nakakapanibago na dahil kay Iris nagagawa kong pumasok sa office kahit tanghaling tapat.
I'm checking my schedules na ang secretary ko sa Twin Builders ang gumagawa. Secretary na hanggang ngayon di ko pa namemeet ng personal.
Kailangan ko magpunta ng TBFC may importante kaming pag uusapan ni Tito Rex.
Nasa malalim akong pag iisip ng tumunog ang phone ko.
"Boss, si Clyde Andrew Alarcon, isang schoolar na kagaya ni Maam, architect to be at OJT ng twin builders sa ngayon." balita ni Louie sa akin.
"Anong ugnayan nilang dalawa?" tanong ko.
"Negative boss, nirereto pa lang sila ng mga kaklase nila sa isat isa." bumuntong hininga na lang ako.
"That's it for now, Louie, just keep your line open para matawagan kita kaagad kung may ipapagawa ako sayo."
"Okay Boss."
"Nga pala, napadala mo na ang bulaklak?"
"Yes boss, nasa canteen daw sila ng mga kaibigan niya sabi ng nagdeliver."
"Good."
"Iho, kailangan mo maghanap ng bagong secretary dahil buntis at malapit nang manganak ang secretary mo sa ngayon."
Ito pala ang pag uusapan namin ni Tito Rex.
"Sige Tito, madalali lang yan gawa ng social Media. Basta gusto ko po, hindi maarte, at walang obligasyon sa buhay, kasi kadalasan sa gabi ako nagtatrabaho, kawawa naman kung pamilyado ang ihire natin."
"Tama ka nga."
"Kamusta po si Tita Grace, at ang mga bata?"
"Naku, ito na nga kaya gustong gusto ko na ipasa sayo ang obligasyon dito kasi nagtatampo na ang tita mo. Di bale daw sana kung babae ang pinag kakaabalahan ko. Kasi mahirap daw karibal ang trabaho kaysa babae. Hahaha.!"...
"Pagbigyan mo na yan tito. Kailangan talaga iyan para lalong tumibay ang ang pagsasama niyo. Tingnan mo sina Daddy at Mommy."
"Tama ka nga. Ay oo nga pala may dinner mamaya sa bahay nina Bryan. Punta ka dalhin namin mga bata para makapag bonding tayo."
"Okay, no problem tito. I'll be there."