Chapter 7

2109 Words
IRIS Nagpapaskil kami ng mga announcements para sa darating na pasukan. Kasama ko ang mga kapwa ko working students. Halos hindi namin namalayan ang oras dahil sa kulitan at biruan ng mga kasama ko. "Veronica, 10 is the highest, rate mo nga ang kapogian ni Clyde." Sumunod naman ako. Kinagat ko ang labi para hindi mapangiti kasi bakla ang tingin ko kay Clyde. He is taking up architecture at nasa fourth na siya. "Uhhhhmmm, 9." Sagot ko. "Wooooooo!" Sigawan nila. "Ang taas!"  "So may pag asa siya sayo, you know just incase?" "Bakit kayo ang nagtatanong? Maghintay tayo na siya mismo magtanong niyan sa akin…" "Wooooo! Palaban! Nginitian ko so Clyde at tinapik ang balikat. "Joke lang!" Bulong ko. "Water break guys!" Umupo ako saglit, dahil nanghihina ako. Masakit pa rin ang katawan ko dala ng pambubugbog ni tyang. Muntikan pa ako mabuko ni Doc Caleb. Ang talas ng pang amoy ng isang yon! Nag vibrate ang phone ko. It's Tito Bryan. "Good morning po Doc."  "Iha, umakyat ka muna dito sa office ko.." Narinig ko ang boses ni tyang Maribeth kaya tumakbo na ako paakyat hindi ko na hinintay magbukas ang elevator.  Hindi nga ako nagkamali nasa loob si Tyang! Kinalma ko muna ang sarili dahil tumakbo ako paakyat. Pagkasara ko nang pinto sumandal ako saglit bago nagsalita. "I'm sorry for this bullshit drama Doc. Alvarez!” humahangos kong sabi. "Anong bullshit drama! Hoy babaeng magaling! Bakit wala paring laman ang ATM mo?" "Tyang, pinakialaman nyo na naman ang gamit ko! Binayaran ko na ang upa ng bahay noong isang araw pa. Kanina bago ako nagpunta dito nagbayad din ako ng tubig at kuryente. Ano pa ang kailangan mo na pati ATM ko ginalaw mo na?" "G*ga! Ang personal kong pangangailangan sino magbibigay ha? Wala na ang tiyong mo para maghanapbuhay para sa akin dahil ipinakulong nitong magaling mong tatay tatayan!" Dinuro niya si Tito Bryan, saka ko napansin na naroon din sina Nico at Caleb. "Tyang! Bigyan nyo naman ako ng kahihiyan pati ba naman dito? Saka hindi ko na obligasyon ang pagsusugal mo! Ako na nga lahat nagpoprovide ng pangangailangan natin sa bahay!"  "Aba'y matapang kana! Hindi pa ba sapat ang mga pagdidisiplina ko sayo?!"  Dinampot niya ang vase sa ibabaw ng lamesa ni Tito Bryan at binato sa akin. Bigla kong tinakpan ang mukha ko sa takot na doon tumama ang vase, malas ko lang dahil pag-angat ko ng mga kamay ko umangat din ang dulo ng maluwag kong tshirt kaya lumantad ang tiyan ko na nangingitim dahil sa pasa. "Sumusobra kana Mrs. Cuevas!"  Dumagundong ang boses ni Tito Bryan sa loob ng kwarto. Tumawag siya sa intercom para magpadala ng security. Hindi nagtagal may pumasok na dalawang gwardiya. "Kaladkarin nyo yan palabas! Tandaan nyo rin ang pagmumukha niyan pagbumalik pa yan dito posasan niya kaagad!"  "Bitiwan nyo ako! Ikaw babae, tandaan mo hindi kana makakapasok ng bahay! Pag uwi mo nasa labas na lahat ng gamit mo!" "Hinding hindi na talaga siya uuwi sa inyo ako na ang nagsasabi!" Singhal sa kanya ni Tito Bryan.  Pagkalabas ng tyahin ko saka lang ako nakaramdam ng panghihina. Inukupa ko ang upuan sa harap niya. Lumapit din si Niccolo. I know I have a lot of explaining to do. "Since when?" Inunahan pa ang Daddy niya sa pagtatanong. "Noon pa." Nanginginig kong sagot. Habas himas himas ang tuhod. Hinampas niya ang lamesa ng ama.  "Noon pa? Noon ka pa sinasaktan?Then why? Bakit hindi mo tinanggap ang alok ni Daddy na ampunin ka!? Di sana hindi mo napagdaanan ang lahat ng ito? Napakalaki ng bahay Nic! May pamilya kang masasandalan! Napakaselfish mo alam mo ba yon? Hindi mo inisip ang mararamdaman ni Mommy, that she failed to fulfill her dying friend's wish? Hindi mo inisip ang mararamdaman ni Dad na araw-araw kayong magkasama pero wala siyang kaalam-alam? Huwag mo akong daanin sa paiyak-iyak mo na yan! Why?" "Dahil ayaw mo sa akin! Naroon ako ng pinunit mo ang picture ko. Ni hindi mo nga muna tiningnan!"  "Tama na iyan, tama na." Mahinahon na ngayon si Tito Bryan.  Si Caleb naman nakasandal sa dingding nakahalukipkip at madilim ang mukha. "Kahit umayaw ako Nic! Sana pumayag ka dahil hindi naman ako ang masusunod kundi sila Mommy at Daddy at hindi ako bato eventually matatanggap din kita!" Tumalikod siya papalabas. "Nics!"  "Ako na iha. Pumunta ka na lang sa bahay bukas para makapag-usap tayo." Pigil ni Tito Bryan sa akin. "Caleb, please asikasuhin mo muna si Nica, susundan ko lang si Nico." "Doon ka muna sa condo for the meantime." Baling niya ulit sa akin. Hindi maampat ang luha ko, tagos lahat hanggang buto ang sinabi ni Niccolo. Napakaselfish ko nga talaga.  "Ako na Doc kaya ko na." Pigil ko kay Caleb ng akmang lilinisin ang maliliit na sugat sa paa ko na natalsikan ng mumunting bubog. Pinatong niya ang aking paa sa kanyang...(syet!) bilugang hita. "Kaya mo ba talaga?" Simpleng sagot nito. Habang patuloy sa ginagawa. Tumingin siya sa akin. Alam niyang nagsisinungaling lang ako. Gustong gusto ko na talagang yakapin siya at humagulgol para maibsan ang bigat ng kalooban.  Tumango lang ako dahil parang may tinik sa aking lalamunan. Pagkatapos niya sa ginagawa lumapit siya lalo sa akin. "Bakit hindi mo iniingatan ang sarili mo hanggang pagdating ko?" Bulong niya ngunit malinaw sa pandinig ko. Dahil sa halo halong emosyon, hindi ko na lang binigyan ng pansin. Pagtayo ko lumapit siya sa akin at niyakap ako.   Para akong nahihilo in a good way, impit akong umiiyak sa balikat niya. At ang kanyang isang kamay humahagod sa likod ko. "Everything is going to be okay."   Kakaiba ang nararamdaman ko sa ginagawa niya sa akin. Parang kinikiliti ang tiyan ko. Lumayo siya ng bahagya, umangat ang kamay niya at akmang pupunasan ang luha ko sa pisngi. Pero.. Assuming lang pala ako. "Enough of your drama. Kailangan mo pa mag isip para makagawa ka ng tamang desisyon. Tandaan mo hindi kana makakauwi sa bahay niyo." Bwesit! Panira ng moment. Akala ko bumait na. Lumayo na ako sa kanya at inayos ang sarili ang sarili. May tatapusin pa kami ng mga kasamahan ko. Kukunin ko mamaya ang mga damit ko sa inuupahan namin ni Tyang Maribeth. Doon na muna ako sa condo ni Niccolo. Wala na talagang choice.  "Kuya, bakit naman po bawal? Pinagkatiwala po ito sa akin ng kaibigan ko, ito pa nga ang susi o,o,o." Winagayway ko pa ang ID ko kung saan nakasabit ang susi ng unit ni Nico. "Maam pasensiya na po. Trabaho lang. Malay ko ba kung napulot mo lang yan kung saan saan. Pakausap na lang po sa kaibigan mo." Paninigurado ng gwardiya.  Kahit anong tawag ko ayaw sagutin ng kumag. Galit talaga siya sa akin. Pagod na pagod na ako. Ang sama pa ng pakiramdam ko. Wala na akong pera kahit pang isang gabi lang sana sa mumurahing hotel. "Kuya pwede pahiram ng upuan? Pagod na po talaga ako." "O sige ito o, hintayin mo nalang dito ang kaibigan mo."  "Salamat Kuya."  Niyakap ko ang aking back pack na may laman ng kaunting damit ko. Bumibigat talaga ang talukap ng aking mata. Maya maya may narinig akong nag-uusap pero dala siguro ng antok naramdaman ko na lang na parang umangat ako at dinuduyan. Pagdilat ko walang ilaw! Ang dilim wala akong makita. Panic attack! Pilit kong kinakalma ang sarili. My breathing is not normal, I am out of oxygen. Gustong sumabog ng dibdib ko. Para akong malulunod. Memories comes rushing back.  "Huwag tiyong maawa ka sa akin! Pamangkin ako ng asawa mo! Paano mo ito nagagawa sa akin?" Sigaw ko pero ang nakangisi niya mukha ang nakikita ko.  Nagpupumiglas ako. May naririnig akong tumatawag sa akin pero malabo. "Iris!" "Iris!" May narinig akong palakpak. Bigla akong napasinghap ng magbukas ang ilaw. Nanibago ako sa kwartong kinalalagyan. Napakaaliwalas ng kulay, pati kurtina nakakagaan ng pakiramdam. "Iris, it's me. Caleb." "C-Caleb?" Bigla ko siyang niyakap. I feel safe with his embrace. This is the second time I hugged him. "Are you okay?" Dinama niya ang noo ko. May halong pag aalala ang boses niya. "Hindi pa rin bumababa ang lagnat mo." "He's here? Di ba nakakulong na siya?" Itinago ko ang mukha ko sa leeg niya. "Maliban sa akin at sayo wala ng ibang tao dito." Kumalas akong bigla. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Napakalagkit ng pakiramdam ko dahil sa pawis. "Saan ang banyo?" Tanging naitanong ko. Inalalayan niya akong tumayo. Pero umiwas ako.  "Please lead the way." I'm still groggy. Pagdating sa banyo pumasok kaagad ako. "I'll be outside if you need help." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil sa sobrang init na nararamdaman. Sabay sa tulo ng malamig na shower ang pagpatak ng mga luha ko. Bakit ba hindi ko pa din nakakalimutan iyon? Matagal na panahon na ang nakakalipas. My love, please come to me now. I need your help! Ang nag iisang kamag anak ko itinakwil na rin ako. Ikaw na lang ang natitirang pag-asa ko my love... "God please help meeeeeee!" Sigaw ko. Kasabay ng pagbukas ng pinto ng banyo. "Are you God?" I smirked. "I asked God to help me and you appeared."  "Take off your clothes and dry yourself, kapag hindi mo nagawa with in a minute ako mismo maghuhubad niyan." May pagbabanta niyang sabi. Sabay abot ng malaking tuwalya. "Wala kang dalang mga damit, maliban sa mga underwear. Kaya pagtiyagaan mo nalang ang damit ko."  "Nasaan tayo?" Inabot niya sa akin ang damit at… Kasama ang bra at panty? "Bakit pinakialaman mo ang mga gamit ko?!" "Nasa penthouse ko. Nakita kitang natutulog sa baba." Binalewala niya ang huling tanong ko. "Dress up now, at sumunod ka sa kitchen." "Ah oo nga pala, don't worry, sanay akong makakita ng mga gamit pambabae, mas higit pa nga diyan ang nakikita ko. Kaya hindi kana dapat mahiya hindi naman kalakihan ang iyo."  Nak namputcha nilait pa ako..  "Excuse me! Kahit hindi kalakihan at least meron!" Cup B naman ako ah! Gaano ba kalaki ang mga nakita niya?  "Whatever! Bilisan mo na dyan gutom na ako."  Walanghiya ka! Sigaw ng isip ko. Nagmumukhang daster ang t shirt niya nang maisuot ko.  Nadatnan ko siyang nagsasalin ng ulam sa mangkok. Ayon sa pang-amoy ko tinolang manok ang niluto niya.. Matagal ko siyang pinagmamasdan habang nakatalikod. Matangkad, maganda ang hubog ng katawan. Itim ang buhok. Matambok ang puwet. What the fffff*ck! Namula ako sa naiisip ko. "Marunong ka palang magluto?"  "Kumusta ang pakiramdam mo? Mataas parin ang lagnat mo namumula ka."  "Ahh ha? Hindi, o-okay na ako." Sabay takip ng mukha ko at nauna na akong umupo sa lamesa. "Here! Eat and take your meds.." Inabot niya sa akin ang maliit na box na may lamang tatlong tableta. Siya na mismo nagsandok ng pagkain para sa akin. "Pupunta sana ako sa condo Niccolo kaya lang pinagbawalan akong pumasok kaya nakatulog ako sa upuan."  "We're in the same place pa rin naman, nasa penthouse lang tayo ngayon." Sagot niya. "Ahhhmm… May hihilingin sana ako sayo…" "My name is Sebastian Caleb. You can call me whatever you want."  I'm still not comfortable calling him his first name. "Sir, I have some favor to ask." "Sir is not an option. Anyway, what do you want?"  "Can you keep secrets?" Tumama ang tingin naming dalawa. He just sighed. "Please don't tell anyone about what happened earlier."  "Why?" "I don't wanna be…" "Ayaw mong maging pabigat? Look sweetheart! It is not bad to share your thoughts, share your happiness and even share your problems with your family.. if you consider them as your family. "  "Please… Uhhmmm.. Ha? Ako na mismo magsasabi kapag handa na ako." Hinawakan ko ang mga kamay niya.  "Kumain ka na lang at magpahinga ulit." Tinanggal niya ang kamay sa mga palad ko. Simula noon hindi na ako nagsalita pa.  Inasikaso niya ako hanggang pagbalik ko sa higaan.  "Dito lang ako sa sofa, mas sanay kasi ako dito."  "Sumunod ka na lang para wala tayong gulo. You have infection dahil sa mga pasa mo.I'm the doctor here kaya alam ko ang nakakabuti sayo." Utos niya. 'Doctor daw siya, eh magiging nurse din naman ako ah!' Sigaw ng isip ko. "Hindi ako makakatulog sa malawak na higaan at nakapatay ang ilaw!"  "Then I'll sleep with you. Saka may pampatulog akong ibinigay sayo." Wala talaga akong laban dito. "Salamat na lang, I'd rather sleep alone than sleeping with you. Baka hindi lang bangungot ang abutin ko."  Lalo akong nainis ng tumawa siya. Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko? Pero in fairness ang gwapo nito lalo na kapag tumatawa. Pwede nang pagtyagaan. Ano ba 'tong naiisip ko? Nagtataksil na tuloy ako sayo my love. Sana magparamdam kana.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD