IRIS
Pinatagal ko pa ng tatlong araw bago binalik ang susi ni Niccolo. Kahapon namin natapos ang task na binigay ni Tito Bryan sa amin.
"Iris!"
"Shut the f*ck up! Sabi ng huwag moko tawaging Iris." Ngumiti naman siya dahil sa kalokohang naisip.
"O eh ano gusto mo? Baby girl?"
"Enough!" Binato ko siya ng hawak kong bote ng iced tea. And he playfully caught it.
"Are you lost baby girl!" Lalo pa niya akong inasar. Kaya iniwanan ko nalang siya.
"Wait! My ibibigay ako sayo! Galit ka naman agad! Ang pikon mo talaga!"
"Ano?"
"Susi ng condo namin ni Niccola, hindi namin ito nagamit." Lumungkot ang mukha niya.
"Kapag pagod kana galing sa trabaho pwede ka magpahinga dito. Or if you want some privacy gamitin mo, sayang naman."
"Salamat!"
"Wala yan, gusto mo bigyan pa kita kotse eh!"
"Ang yabang mo! Kadiri ka! Ano sugar Daddy?" It's my turn to laugh at him.
"Give me your phone, bigay ko sayo number ko just in case magbago isip mo at sagutin mo na ako tawag ka lang ha?" Sabay kaming natawa.
Kinabukasan maaga akong gumayak para sa special classes ko. Hay… Ang ibang estudyante busy sa pag iisip kung saan magliliwaliw pero ako, busy para sa future dahil walang maasahan kundi sarili ko lang.
"Good morning Dr. Alvarez!" Napa owww ako ng walang tunog dahil si Mr. Arrogante Fuentebella ang nabungaran ko.
"Where's Tito Bryan?”
"Well, good morning to you too! I am Dr. Sebastian Caleb Mallari Fuentebella. I will be your mentor for the time being."
"Why?"
"Look, I'm just doing a favour here. I don't have much time for your interrogation." At pinagyabang pa ang suot niyang wrist watch.
"Hindi mo kailangan ipagmayabang sa akin ang Rolex mo! Kasi kahit tatlo isandaan lang ang relo ko pareho lang ang oras nito dyan sa suot mo!"
Nakakainsultong tawa ang narinig ko mula sa kanya.
"Have a set miss Salazar!" Tinanggal ko muna lahat ng nasa bulsa ko bago naupo.
"I'm not showing you my precious watch para magyabang. Gusto ko sana malaman mo na mahalaga rin sa akin ang oras ko. Hindi ko alam may pagka slow ka pala."
Huh! Slow! Slow daw ako! Aba eh sadyang mayabang talaga!
"Let's start, Miss Salazar. Let's freshen up your mind first."
"Psychology, study of mind and behaviour. As a nurse it is not only your duty to administer medication for patients, but also you have to deal with their emotions."
"I know!" Sagot ko
"Emotions…"
"Bakit ka pumayag?"
He huffed out the air and crossed his hands over his chest. Habang hindi umaalis ang mata sa akin. Ang makapal niyang kilay at mahahabang pilik mata ang nakaka enganyo tingnan. Napakagwapo sana niya. Mayabang naman!
"Ibabalik ko sayo ang tanong mo, if Tito Bryan asked you a favor would you have the guts to turn him down?" Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Yeah! Palagi."
He smirked.
"Did you also know that he is not the type of person na nanghihingi ng pabor?" Tumango ako.
"I can't turn him down kaya ako pumayag."
Sabay pa kaming napatingin sa cellphone ko ng tumunog ito. Nilapag ko ito sa lamesa kasama ng iba ko pang gamit.
Kumunot ang noo ko ng mapag sino ang tumatawag.
"Can I take this call?"
Tiningnan niya ako ng masama.
"Next time, turn off your phone." Hindi ko na siya pinansin dahil kinakabahan ako.
"Ge! Napatawag ka?"
"Nica, libre ka ba? Si sir Richard kasi nagwawala doon sa loob ng office niya."
Naririnig ko pa ang tunog ng mga nababasag sa kabilang linya.
"Okay papunta na ako! Close the store sabihin mo inventory tayo!" I ended the call and gathered all things.
"I'm sorry Dr. Fuentebella, emergency lang. I need to go."
Kumuha muna ako ng gamot at karayom sa drawer ni Tito Bryan. Habang tinatawagan siya pero walang may sumasagot.
"If it's an emergency, maybe I can give you a ride."
"Thank you! Doon tayo sa inyo, si Tito Richard nagwawala na naman daw."
"Na naman, you mean madalas siyang nagwawala?"
"Hindi naman palagi." Sagot ko. All of a sudden I realise why I am talking to him casually?
Naipit pa kami ng traffic sa EDSA, kaya tinawagan ko na si Niccolo.
"Nics, where's your Dad?"
"Ano ba natutulog pa ang tao, wala si Daddy nasa medical mission."
Shit! Baka hindi ko kakayanin wala si Tito Bryan, at napatingin ako sa katabi ko.
"Get your f*cking ass out of the bed and go to Tito Richard right now! Nasa store siya ngayon. Don't waste your time!"
"God please! Not again.." Hindi ako mapakali kaya hindi ko napansin na panay ang tingin sa akin ng kasama ko.
Pagdating namin hindi pa nakapark ng maayos ang sasakyan lumabas na ako.
"Anong balita?" Tanong ko agad kay Geremy, sinagot niya lang ng iling.
"Why are you with him?" Tanong ni Niccolo sabay nguso kay Caleb.
Inabutan ako niya ako ng iced tea habang nglalakad kami papasok sa store nakasunod din sa amin ang pinsan niya. Hindi ko sinagot ang tanong niya.
"Tito Richard!" Paulit ulit kong pinihit ang door knob. Pero walang sagot.
"Tito!" Tawag ni Caleb.
"Please open the door. Pag-usapan natin ang anumang gumugulo sayo."
"Hayaan nyo na lang ako dito! Ayoko ko na!"
Napatingin ako sa mga kasama ko.
"Kapag hindi mo to binuksan sisirain ko 'tong pinto." Banta ko sa kanya.
"Nica! Hindi na ako mahal ng Tita mo! Nahihirapan na siya dahil sa akin. Gusto na niyang sumuko."
"Kung gusto niya kayong sukuan dapat noon pa! Please open the door!"
"I can't!" Sagot nito.
Dinukot ko ang gamot at syringe sa bulsa ko at inabot kay Caleb.
"Give him a shot when we get in."
Inabot ko ang fire extinguisher at pinalo sa door knob. Inagaw naman ito ni Caleb sa kamay ko.
"What are you doing? Lalo mong dinadagdagan ang anxiety niya!"
"Tabi! If something happens to him! I'll surely blame myself forever."
"Tito! Tandaan mo, kapag may nangyaring masama sayo, I'll make my life a living hell!"
Inakbayan ako no Niccolo at kinuha naman ni Geremy ang fire extinguisher. Siya na mismo ang nagsira ng pinto.
Nakalugmok sa sahig si Tito Richard, duguan din ang mga braso at palad at patuloy pa rin niyang sinasaktan ang sarili. Kinuha ko sa palad niya ang basag na salamin na hawak niya. Iniwas niya ito dahilan para masugatan din ako.
Mukhang nahimasmasan siya nang makita ang umaagos na dugo sa palad ko. Hinawakan niya ito at diniinan. Ngumiti ako sa kanya.
"Ok lang ako."
Hinawakan ko siya para mabigyan ni Caleb ng Valium. Saka namin siya pinahiga. Gustong sumabog ng dibdib ko alam kong mahirap ang pinagdaanan niya. Pilit kong pinipigilan ang sarili na huwag umiyak.
Nagpaalam muna ako magbanyo para malinis ang kamay kong dumudugo pa din. Si Caleb ang nag apply ng first aid sa kanya habang pinupunansan ni Nico ang mukha niya.
Tinanggal ko ang contact lenses ko. Saka parang ulan na nag uunahan pumatak ang mga luha ko.
Paglabas ko patapos na sila.
"Nica, iha, I'm sorry." Inaantok na ang mga mata niya. Ngumiti ako.
"Promise me that this will be the last." Hinawakan ko ang kamay niya na may benda.
Hindi ko namalayang bumabalong ang luha ko.
"Kayo na lang ni Tito Bryan ang tumutulak sa akin paakyat. I'm drowning but you reached out your hands for me. Please hang on Tito. Because that's what I was doing till now."
Tumango naman ito. Bago pumikit.
Pag-angat ko ng tingin nakatutok sa akin ang mga mata ni Caleb habang nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay.
"Give me your hand, maliit na sugat lang parang heavy rainfall lumabas na luha sayo."
Agaw pansin ni Niccolo. Siya na mismo nag lagay ng gamot sa kamay ko.
"Here. You forget your lenses." Saka ko napagtanto kung bakit nakatingin sa akin si Caleb.
"Huwag kang tumitig ng ganyan sa akin, Oo alam kong gwapo ako pero mag iingat ka baka hindi mo namamalayan nahulog kana pala sa akin!" Kumindat pa siya pero ngumiti lang ako.
"Saan ka natuto ng ganito?"
"Alin? Ito?" Diniinan niya ang sugat ko.
"Ahhh! Hayop ka talaga!"
"Hayop sa galing?" Sabay tumawa ng malademonyo.
"Ewan ko sayo!"
Marahas kong pinunasan ang pawis sa ilong. Maliban kasi sa pang aasar ni Niccolo hindi ako komportable sa malagkit na tingin ni Caleb.
"Ah, Oo nga pala Kuya, paano kayo nagkasama ni Nica?" Narinig kong usisa ni Niccolo sa pinsan. Habang ako naman busy sa pag salansan ng mga paninda.
"We're together."
"Ha? Paano?."
"Mayroon siyang special class session, si Daddy mo ang nagtuturo sa kanya. Since paalis kayo nakiusap siya sa akin na ako muna papalit sa kanya."
"Saang subject Nics?"
"Hindi subject, kundi kurso. Masyado ka kasing huli sa balita. Paano na naman kasi abala kayo ng mga grupo mo sa pag aabang sa akin sa labasan. Hindi niyo tuloy alam ang nangyayari sa loob!"
"Sorry na, sorry na ito naman kinakabahan ako lagi pag bumuka ang bibig mo akala mo may world war 3 na!"
"Kuya, have you had your breakfast?"
"Not yet."
"Tara doon tayo sa bahay. Sama ka Nics."
"Yoko nga! Salamat na lang."
"'Lika na! Your so skinny, malnourished pala, papakainin kita at aalagaan, kahit tumaba ka pa maganda ka parin sa paningin ko!"
"Idiot!"
Nilapitan ko si Caleb. Hinila ko siya sa braso papalapit sa pinsan niya. He is so warm iyong tipong gusto mo siyang yakapin, at ang bango iyong tipong gusto mo siyang halikan. Pero hindi ako nagpahalata na affected ako.
"Doc please pakihatid pauwi ang pinsan mo, baka hindi ko mapigilan ang sarili at magiging murderer ako."