Anim na oras na ang nakalipas at lahat kami ay parang pagod na pagod na sa panonood ng movies. Hindi pa rin namin nauubos ang maraming pagkain na nakahain sa lamesa. Sila mama ay gagabihin daw, siguro ay mga madaling araw na sila makakauwi.
“Pamigay na natin 'yung foods sa kapitbahay." sabi ko sa kanila, nag-agree naman sila sa akin kaya tumayo na kami para hatiin ang mga pagkain.
“Kain muna pala tayo." sabi ni Erika, nagkanya-kanyang sandok na kami. Paano kasi ay simula ng umalis sila mama ay hindi na kami kumain ng kanin, puro junkfoods na lang at soft drinks.
Tahimik lang kami habang kumakain, nanonood pa rin kami ng movies. Ilang horror movies na rin ang natapos namin pero ang props ay pino-problema ko dahil sabi ng president ay dapat tapos na lahat.
Umapela ako sa kaniya kasi bakit kami lang ang tatapos ng lahat gayong may iba naman kaming classmate na hindi tumutulong at walang ginagawa, especially ang mga friends niyang akala mo kung sino lagi.
Sinabi niya lang sakin na may iba pa silang gagawin pero hindi ako naniwala dahil iyon lang naman ang napag-usapan na mga props na kakailanganin.
Ang mga friends niya ay biglang nagparamdam sa group chat namin at nagsabing sila na raw ang gagawa, nakakahiya naman daw sa amin. Sabi ko ay dapat lang, hindi porket kaibigan nila ang president ay hindi na sila mabibigyan ng gawain.
“Kate, kailan mo papakilala samin yan?" tanong ni Rachel sa akin.
Tignan mo ang mga ito, parang kailan lang gusto nila ako i-push kay Kiel tapos ngayon gusto naman kay Dominique.
“Seryoso kayo diyan? Masyado niyo naman ako gustong pumasok sa relationship." natatawang sagot ko sa kanila, tinawanan naman nila ako.
“Ikaw lang kasi kawawa sa ating apat. At saka mabuti na may kasama ka para in case na mawalan kami ng time dahil magiging busy na tayo, di ba?" pagpapaliwanag ni Kath.
“I get your point. However, habang may time pa tayo sa isa't-isa ay okay na rin muna na ganito tayo. Ayokong madaliin ang oras ano!" sabi ko sa kaniya.
“Don't worry about me. When time comes na mawawalan na tayo ng time sa isa't-isa dahil sa sobrang busy natin, magfofocus na lang ako sa pagsusulat. Alam ko namang ako pa rin ang uuwian niyo." natatawang dinugtong ko sa kanila.
Natapos ang kwentuhan at pagkain namin na iyon na puro tawanan. Ang pagkain ay hinati-hati na namin para mabigay sa kapitbahay. Spaghetti, pizza, at cake na lang kasi ang natira kaya ayon ang ipinamigay.
May isang box pa naman ng pizza kaya iniwan na namin dito, sa kanila mama at papa iyon. Ang cake naman ay hindi nagalaw kasi hindi kami mahilig sa cake at ang spaghetti ay konti lang ang nabawas simula kaninang umaga kaya iyon na lang ang ibinigay.
“Sino may birthday?" tanong ni ate Leni pagkabigay ko sa kaniya ng pagkain.
“Wala, ate. Celebration lang kasi may work na ako." sagot ko sa kaniya, tumango naman ito.
Bumalik ako sa bahay, sila naman nagpamigay ng iba. Kilala na rin kasi sila ng kapitbahay namin dahil nga lagi silang nandito at alam na alam din ang mga gawain ng mga ito.
Hindi na ako nakapagbigay ng pagkain dahil biglang tumawag si Dominique. Binuksan ko ang laptop para doon na kami mag-usap at para na rin makita niya ang mga kaibigan ko kahit virtually lang muna.
“Hi, busy kayo?" tanong niya sa akin, umiling ako.
“Nagbibigay lang kami ng pagkain sa mga kapitbahay tapos linis-linis na. Maaga pa kami bukas, eh." sagot ko sa kaniya, nakita ko naman ang pagtango nito.
Pumasok si Kath sa bahay, “Kate! Ligpit na!" sigaw nitong sinabi sa akin, natawa naman si Dominique dahil sa ingay ni Kath.
“Ay, may kausap ka?" tumango ako, “Sorry!" pasigaw nitong sinabi.
Pinwesto ko ang laptop sa center table para makita niya kaming nagliligpit at para makita niya rin ang mga kaibigan ko.
Lumapit sa akin si Kath at bumulong, “Papakilala mo na?" tumango ako.
“This is Kath, the most annoying friend of mine." pagpapakilala ko kay Kath kay Dominique.
“Hi, I'm Dominique. Her first love." diretso nitong sinabi kay Kath, naka-ngiti pa ang loko.
Nanlaki ang mata ni Kath, napatakip pa ito sa kaniyang bibig. Hindi niya inaasahan ang sasabihin ni Dominique. Akala rin kasi nila na una ko si Kiel pero sorry sila, mas gwapo ang nauna.
“Really?!" hindi makapaniwalang sinabi nito sa akin, tumango ako bilang confirmation.
“Bakit ang ingay niyo?" Si Rach, Nasa likod niya si Erika. Nakatingin naman sila sa amin at napunta iyon sa laptop.
Tumayo si Kath at tumakbong lumapit kay Rachel at Erika, parang bata ito na winawagayway ang kamay nila Erika at Rach.
“Anong nangyari dito?" nagtatakhang tanong niya sa akin, nagkibit balikat lang ako.
“Her first love!" Anunsyong sinabi nito sa dalawa.
“Ha? Saan?" tanong naman ni Erika, tumingin sila sa akin at tinuro ko lang ang laptop.
“Pasensya ka na, ganyan lang talaga iyang mga yan. Hindi kasi nila alam." Sabi ko sa kaniya.
“No, it's fine." natatawang sinabi nito, naka-focus lang ang paningin niya sa tatlo.
“Sino? Ayan?"
“Totoo ba?"
“Oo nga! Si Dominique na mismo nagsabi sa akin!"
“Sino nagsabi? Sinong Dominique?"
“Ayan, 'yung nasa screen!"
Natatawang umiling lang ako sa kanilang tatlo. Tumayo ako at pumunta sa lamesa para magligpit. Si Erika raw kasi ang maghuhugas ngayon ng plato, si Rachel naman ang magwawalis habang kami ni Kath ang magliligpit ng lahat ng kalat namin.
Hindi ko tuloy alam kung bibigyan ko pa ng chance itong si Dominique gayong nakilala na niya ang mga kaibigan ko. I meant hindi naman iyon ang basehan basta ang sa akin lang ay maging maayos ang takbo ng kung anong relationship ang mabubuo sa amin.
Tinignan ko sila at lumapit na sila sa laptop, nag-uusap na silang tatlo. Umupo naman ako at kinuha ang cellphone para picturan sila.
Gusto ko lang i-save itong araw na ito dahil sobrang memorable ng mga nangyayari. However, I am afraid that this will come to an end.
Alam ko namang mangyayari iyon pero huwag naman sana sobrang bilis ng pangyayari kasi hindi pa ako handa. Ayokong harapin ang bukas na itong mga taong kasama ko ngayon ay biglang mawawala.
I meant, we need to grow independently to find our strength and protect our peace. Ayoko lang na mag-isa akong haharap sa future ko.
“Hoy, halika nga dito!" tawag sa akin ni Erika, lumapit ako sa kanila at sumiksik.
“Kailan ulit kayo huling nagkita?"
“Last four years ago." sagot ko.
“Balak ka pala ulit ligawan ni Dom eh." sambit ni Kath.
“Oo pero sinabi ko na sa kaniya na walang kasiguraduhan iyon." sabi ko at tumingin kay Dominique na tumatango-tango.
“We wanted to take things slowly. Baka pag minadali namin, mapunta na naman sa wala ang lahat." si Dominique.
“Sabagay pero kailan kayo magd-date?" tanong ni Rachel sa amin.
“Walang magaganap na date kasi masyado akong busy lalo na at papasalihin pa ko ni maam ganda sa isang essay writing contest." sagot ko sa kanila, umaasang papayag ako sa mga gusto nilang mangyari.
“Talaga ba? Baka umiiwas ka lang sa issue."
“Oh kaya ay iniiwasan mong makita kayo ni Kiel."
“Excuse me, alam na nga ni Kiel eh. At manliligaw pa rin daw siya." pagpapaalam ko sa kanila na ikinagulat ng mga ito.
“Ano pa ang hindi namin alam?" natatawang tanong ni Kath.
Na wala silang chance, na ayoko na tumuloy sa kahit na anong relationship, na ayoko na sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.
Tumahimik lang ako, gusto kong sabihin sa kanila iyon pero ayokong maging ma-drama ang gabing ito dahil lang sa akin. Tama na ang drama sa buhay ko, masyado na nagiging negatibo ang pasok nito sa akin.