1 month later
Time has passed by so fast, hindi namin akalain na aabot kami sa ganito.
This is one of the days that we have been waiting for so long. Akala nga namin ay hindi na kami aabot dito dahil sa mga mabibigat na gawain.
Nagdaan ang performance namin sa intrams na kasama pa sa project, nagkaroon din kami ng research defense, biglaang essay contest sa isa sa mga araw noong intrams, ang daming nangyari at sobrang nakakatuwa na naabot na namin ang dulo.
Sa loob din ng nakalipas na buwan, hindi ako makapaniwalang nai-publish na ang una kong book at nakahakot na ng viewers matapos ito ipakilala nationwide.
Ang buong pamilya ay naging stable dahil sa kita naming tatlo at napo-provide ang lahat ng kailangan namin.
Walang paramdam si Kiel sa loob ng isang buwan at hindi na ako umaasang magpaparamdam pa ito habang si Dominique, naging persistent sa pangungulit sa aming magkakaibigan.
Nakilala na niya ang mga kaibigan ko at honestly, mas nagiging close pa sila. Kahit magkaiba kami ng school ay lagi kaming magkasama pauwi dahil sinasama na nila ako ni kuya Ralph. Ang mga kaibigan ko ay gumagawa ng palusot para hindi na makasama sa amin sa pag-uwi.
I was so happy inside that one month and I couldn't care less if Kiel wanted to be in the picture again, masyado na siyang makulit.
Today is our graduation day! Everyone is wearing their beautiful smile, wearing all their ootd's just for today, hair and make-up done, every little thing today is perfect.
As I walk in the stairs going to our floor, I heard a combination of laughing and screaming. Some are bidding goodbyes, some are sharing their college plans, and some are just crying and laughing.
I have been waiting this moment for so long, but no words can describe how I am feeling right now. Is it afraid because things might change from the way it used to be? Is it sadness because I can no longer these faces I used to greet every morning, I used to talk every class sessions? Is it happiness because I will be in a new phase of my journey? Most probably, Mixed emotions.
I saw my friends talking to our classmates. Kath is wearing her fairy white dress, matching it with her curly hair, wearing all the way to her knees her white lace up high heels. She looks at me, our eyes met. She done her make-up light. As she has a white fair skin, her looks for today looks sophisticated and elegant!
I looked at Rachel, she also has a fair white skin. She's wearing a red spaghetti strap cowl neck dress covering her knees, a red high heels, her straight hair covering her back, and a light make-up too. This one looks a rich auntie from a wealthy family! This is her type, too! She looks at me as well, she gave me a big smile as Kath is.
As for Erika, She's wearing a high waist black dress summer matching it with high heels. She also has a light make-up, her medium length curly hair is staying at her back like it should be.
Kumaway ako sa kanila, lumapit sila sa akin, leaving our classmates talking in the air. As they walked with their head held high, their heels are clanking attracting students in our floor. Para silang nasa runway!
Gumilid ako para hindi nila ako mapansin, nakakahiya kasi ang ingay na ginagawa ng mga heels nila. Nakakatakot na baka atakihin kami ng hate ng mga kapwa students namin.
“You're finally here!" sambit ni Kath sa akin, ngiting-ngiti. Pinasadahan niya ng tingin ang suot-suot ko. Dahil nga ay stylish itong babaeng ito, she has a good judgment when it comes to outfits.
I wore a white maxi satin dress with a split in my right leg, she chose this dress for me! Mabuti na lang ay tinulungan nila akong magbawas ng timbang at kahit papaano ay may napala kami doon. This dress is hugging my waist, revealing the shape that we've worked so hard in just one month.
I know it's impossible, but they did it! We did it. With just a balance diet and proper exercise, they knew I needed it. They made this change for me!
Nag-light make-up rin ako dahil ayokong magmukhang clown sa makapal na kolorete sa mukha. Binilhan pa nila ako ng white heels para lang maipares ko dito sa dress. Ang buhok ko ay pinagawa pa namin into wavy hair para talaga bumagay sa looks ko.
Masyado naming pinaghandaan ang araw na ito para sa ganitong looks namin. Noong panahon kasi na may klase pa ay mukha kaming mga dugyutin kaya ngayon, eto na!
“Hinihintay namin kung ano magiging itsura mo dahil never mo ni-reveal sa amin. Mabuti na lang at sobrang ganda ng kinalabasan!" natatawang sinabi ni Erika.
Paano kasi noong sila ang nag-aayos sa mga sarili nila, nandoon ako. Habang ako ay tinatago ko ang magiging look ko kasi nahihiya ako na baka hindi maganda ang kalabasan.
“You guys look perfect!" puri ko sa kanila, sobrang ganda naman kasi talaga. Mas nakakainggit!
“Mas maganda ka." nagbolahan pa kami bago kami tuluyang bumaba sa venue.
Ang sabi kasi namin ay dito na lang magkikita-kita para hindi na kami maghagilap kung saan lupalop kami magkikita.
Ang venue kasi talaga namin ay sa gymnasium pa at malapit iyon sa SM. Dito kasi sa school ay kukuha pa kami ng toga namin na gagamitin at nagkaroon din ng brief meeting para lang i-inform kami sa mangyayari kahit na alam na naman talaga namin.
“Sino kasama niyo?" tanong ko sa kanila.
“Sila mommy, daddy, pati si Jason." Si Kath.
“Same lang din, si Jay ay hahabol pa. Anong oras na gumising eh." si Rach.
“Same pero si Kyle, nandito. Pinaghintay ko don sa baba." sagot ni Erika.
“Ikaw?" tanong ni Kath.
“Sila mama rin tapos sila Dominique nandyan din kasama si kuya Ralph. Naka-sasakyan kami." sagot ko.
Hindi pa rin alam nila mama ang ugnayan namin ni Dominique. Hindi pa rin nila ito nami-meet at si kuya Ralph pa lang ang nakikita nila.
Sumalubong si Kyle sa amin, “Wait lang kayo dyan, ladies." sabi nito sa amin pababa sa hagdan kaya huminto kami. Dahil nga may kataasan ang mga heels namin, nakakatakot na magkamali ng step at talagang magkakasugat kami.
Napayuko ako para ayusin ang dress ko, medyo nagugusot kasi dahil sa maya-maya ay may bumabangga sa akin. Napatingin ako sa kamay na nakalahad sa harapan ko, kay Dominique.
Tinanggap ko iyon at inalalayan niya akong bumaba. Bumalik siya sa taas para alalayan naman si Rachel, si Kyte kasi ay nasundo na ni Kyle.
“Sabi ko wag ka na umalis doon eh." sabi ko kay Dominique pero hindi ito nakikinig sa akin. Nakipagbolahan pa siya sa mga kaibigan ko bago kami tumulak paalis. May kaniya-kaniya pala kaming sasakyan today.
“Kita-kits na lang sa gym ha!" sabi ni Erika, kumaway naman kami sa kaniya.
Binuksan ni Dominique ang pintuan sa back seat at inalalayan akong makapasok. Ang graduation nila ay next week pa kaya nandito siya imbes na sa school para sa practice nila.
“Hindi talaga ako maka-get over sa ganda mo!" si Kuya Ralph na kanina pa ako binobola, nginitian ko lang siya at nagsimula na itong mag-drive.
He's been supporting us since day one at alam kong super love niya rin ako.He never misses a chance para padalhan kami ng food ng family ko para raw may gana akong magsulat, pero ang totoo ay need na nila ng update.
Minsan kasi ay nakakalimutan ko na ang mag-update kahit ilang beses na akong kinukulit ni mama. Masyado kasi akong na-focus sa pag-practice namin ng research defense.
“Saan mo balak mag-college?" tanong ni kuya Ralph sa kalagitnaan ng byahe. Ngayon lang nag-traffic dahil siguro ito sa graduation namin.
“Sa Manila ako, kuya. Hindi ko pa sure kung saan." sagot ko sa kaniya.
“Si Nikki po, saan?" tanong ko pero para kay Dominique talaga.
“Nagbabalak sila mommy na sa ibang bansa raw ako. Kung nasaan si Ate." sagot nito.
Ang ate niya kasi na kasama niya noon sa Manila ay nag-ibang bansa na rin. I think professor sa isa sa mga sikat na university sa states.
Tumango lang ako at muling binalot kami ng katahimikan. Pagkarating na pagkarating namin sa gymnasium ay punong-puno na ang mga parking area kaya binaba na lang kami doon at sa SM na lang daw siya magpapark.
“Tagal niyo!" salubong ni Erika, ang dalawang katabi nito ay busy sa kanilang mga boyfriends.
“Traffic masyado." sabi ko lang, “Tara na."
Pumasok na kami sa loob at bumalot ang sari-saring estudyante. Ang iba ay nag-picture taking na at ang iba ay puro kwentuhan pa. Dahil nga sa nakaharang sila sa gitna ay pasigaw akong nag-excuse me dahil hindi nila ako marinig.
Naramdaman ko naman ang masasamang tingin nila dahil sa gulat nila sa sigaw ko, “Pwede pong hindi sumigaw." rinig kong sinabi sa akin.
“Pwede rin pong hindi humarang sa daan. Nasa gitna kayo, masyadong maingay ang paligid. Ilang beses ako nagsabi pero walang nakinig, kasalanan ko pa ba?" mataray na tanong ko sa kaniya, iritado na dahil naiinitan na ako. Kahit na malakas ang aircon ay hindi pa rin ito sapat dahil nga bukas na bukas pa rin ang entrance door.
Hindi na ito sumagot sa akin kaya tuluyan na kaming umalis. Sa sobrang iritado ko ay muntik ko na matulak ang nakatapak sa paa ko, mabuti na lang ay naawat agad ako ni Kath. Natatawa na sa akin ang mga kaibigan namin kasama pa ang mga boyfriends.
“Ano ba 'yan, Kate! Graduation day tapos masungit pa rin?" natatawang sinabi ni Jay, nakaupo na kami ngayon sa family area talaga dapat. Kasi ang mga graduates ay naka-pwesto dapat sa gitna.
“Eh kasi naman, ang init-init." sagot ko lang dito.
Nagtawanan lang sila sa akin. Napadako ang tingin ko sa kanila mama, nakatingin sila kay Dominique na ngayon ay katabi ko. Hindi ko iyon pinansin dahil alam kong magsisimula iyon ng g**o.