Maya-maya ay dumating na rin ang mga parents ng mga kaibigan ko, tumabi sila kila mama. Na-late kasi sila dahil may inayos pa raw sa mga business nila.
Ngumiti lang naman sila sa amin at nagkwentuhan na sila doon. Ang mata ni mama ay nakatingin lang kay Dominique pero hindi ko na iyon pinansin pa.
May mga hawak na bouquet of flowers ang mga father namin, dalawa nga ang hawak ni papa dahil dalawa kami ng kapatid ko ang gagraduate today.
“Oh, ano meron?" tanong ni Kath sa akin, tumingin siya sa tinitignan ko.
“Hindi pa alam ni tita?" tanong nito ulit, umiling lang ako.
Hindi na niya ako ulit tinanong pa dahil alam niyang wala lang siyang mapapala sa pagtatanong sa akin. Hindi ko rin naman magagawang sumagot sa kaniya dahil katabi ko lang si Dominique.
Hindi pa rin natatapos ang pagdagsa ng mga pamilya at graduates kaya patuloy na nadedelay ang program. Dapat daw kasi ay exactly 8 am ay nandito na ang lahat pero 8 na at iilan pa lang din kami.
“All students shall proceed to their proper seat. We'll start at exactly 8:30, thank you."
Tumayo na kami at nagpaalam na sa mga kasamahan namin. Kumaway na rin kami kila mama, ngumiti lang sila sa amin.
Nakasalubong namin ang ilang kaibigan namin from other sections.Konting kwentuhan hanggang sa makarating sa mga designated seats namin.
Ang seating arrangement kasi namin ay by surnames. Medyo malalayo kaming magkakaibigan, Si kath kasi ay Mendez tapos si Erika ay Cruz at si Rachel naman ay Santos habang ako ay Sanchez kaya ayon, malalayo ang agwat ng upuan namin.
Magtitiis muna kami ng ilang oras na hindi magkakasama dahil sa seating arrangement na ito. Pero mamaya ay pwede na kaming magsama-sama by section kapag ay kakanta na kami ng aming graduation song.
Sa upuan namin ay sinuot na namin ang mga toga namin maging ang cap nito. Ang iilan ay ganoon din ang ginawa, may iba na sinuot na ito sa school pa lang. Our tearchers clearly said na sa gym na namin ito susuotin kaya napagalitan ang iba sa school.
Umupo na ako at kinuha ko ang cellphone ko sa purse ko, may mga candy ako doon. Hindi naman kasi kasya ang mga malalaking junkfoods. Ang mga katabi ko ay gaya ko, nag-cellphone lang din sila pagkatapos suotin ang toga.
'Hoy, ang boring.' chat ko sa group chat namin, agad naman nag-reply ang mga ito.
Sabi kasi sa amin ay once na nakapwesto at nakaupo na kami ay bawal na kami tumayo at alis nang alis sa upuan namin dahil magugulo ang mga upuan.
'Ang gwapo ng katabi ko!' Napatingin ako sa pwesto ni Kath, agad ko rin naman siyang nakita dahil pasimple niyang winagayway ang kamay niya na may pagturo sa kaliwa niya.
Lumingon ako sa likuran ko para hanapin si Rachel, hindi naman siya gaanong kalayo sa akin. Siguro ay mga 2 rows ng upuan bago siya.
Parehas kaming natawa nang magtagpo ang paningin namin. Alam na alam kasi namin ang mga ganito, may gagawin si Kath.
Kahit naman may boyfriend na ito at naa-attract pa rin sa iba ay hindi naman niya pinagpapalit ang boyfriend niya. Ayaw na ayaw niya ng break up.
Kath Mendez sent a photo.
Nagpa-picture sa katabi niya, walang hiya talaga ito! Infairness, gwapo nga talaga ang katabi niya.
Erika : 'May jowa na ata 'yan.'
Kath: 'Wala oy, tinanong ko.'
Ako: 'Sure ka ba? Baka bakla iyan mamsh'
Rachel: 'Ay true, tanungin mo ano ba trip niya.'
Kath: 'Nope, may nililigawan daw. Binigyan ko nga ng advice eh. Close na pala kami, by the way. HAHAHAHA'
Puro talaga kalokohan ang taong ito pero nakakatuwa lang dahil with high honors siya, lahat kaming magkakaibigan ay with high honors. Conduct Awardee rin, may pa service award din kami na para sa mga class officers. Pagkatapos ay mga minor awards na when it comes to competition na naganap inside and outside the campus.
“Hoy, Kate!" napatingin ako sa tumawag sa akin, nasa harapan ko pala, si Matt.
“Oh, bakit?" mataray na tanong ko da kaniya.
“May tumatawag sa'yo, kanina pa. Bingi ka ba?" pabirong sinabi nito sa akin, tinignan ko ang tinuro niya sa akin. I think si Kiel iyon.
Bumalik na sa pagkakaayos ng upo si Matt at hindi na kami nag-usap pa.
He raised his phone kaya tumingin ako sa phone ko, tumatawag pala siya. Paano siya naman nakapasok dito gayong taga ibang school siya, probably he knew someone in my school.
“Yes?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya.
“It has been a while. How are you?" bungad nito sa akin, he sounds fine and happy.
“I'm fine, happy. How about you?" pabalik na tanong ko sa kaniya.
“Getting at my best. I am now ready to face you." sagot nito sa akin, hindi ako nakasagot doon.
“I saw him, your first love. I look nothing like him that's why I can't face you, I was afraid that you'll give me your answer right away."
“Ah, stop the drama. I'm in my graduation day and this day supposed to be filled with happiness. So, please no more dramas for today."
“Okay, but I will court you again. Congratulations, my love." sambit nito bago tuluyang patayin ang tawag.
Tinignan ko siya, kumaway ito at pumunta sa bench para doon manood. Tumabi pa siya talaga kay Dominique, I guess he really saw him. The two of them talked, looking so serious.
Nagkibit-balikat na lang ako, siguro naman ay hindi tungkol sa akin ang pinag-uusapan nilang dalawa.
“We encouraged everyone to stand up for the opening prayer." Finally, the ceremony will begin now!
Tinignan ko ang katabi ko sa kanan at nakatingin ito sa akin, “Namumula ka po." sabi nito sa akin, nanlaki naman ang mata ko. Nginitian ko lang naman siya.
Ano ba, Leira? Para ka namang timang. Masaya ka ba na marami kang manliligaw ha? Maybe you're forgetting na focus muna tayo sa goal.
Kausap ko sa sarili ko dahil ayokong mauwi na naman ang lahat ng ito sa wala. Paulit-ulit na lang akong nawawala sa aking track, kung saan-saan ako nagfo-focus na hindi dapat.
“Remain standing for our Philippine National Anthem."
“Nagriring po phone niyo." sabi sa akin, napatingin naman ako sa phone ko na nakapatong lang sa purse ko. Naka-vibrate naman iyo, siguro ay naramdaman nila sa upuan nila dahil nga ay tabi-tabi ang mga upuan.
Kinuha ko ito at tinignan ang tumatawag. Si Kath sa group chat naming magkakaibigan, kinuha ko ang earphone ko sa purse ko at sinaksak ito sa phone.
Hindi pa naman nagpeplay ang lupang hinirang dahil nagkaroon daw ng technical issue. Mabuti na lang ay malamig ang gym kaya walang nagrereklamo.
“Ano meron?" tanong ko sa kaniya, sumagot din ng tawag sina Erika at Rachel.
Pinakita niya sa camera ang katabi niyang lalake kanina doon sa picture. Kumaway ito sa amin, kami naman ay ngumiti lang.
“Hi, everyone. Congratulations." bati nito sa amin.
“Hi! Congrats din sayo. Close na kayo?" tanong ko sa kaniya. Natatawang tumango naman ito sa akin, napakabilis mo talaga Kath!
“May boyfriend na iyan, bawal na po. Pero kung gusto mo ng maliligawan, pwede si Kate. Dagdag ka na lang sa manliligaw niya." pangbubigaw ni Rachel sa akin.
“Sana naman sinabi mo iyan na wala ako dito pero sure, why not?" natatawang sinabi ko.
“Hoy, itong mga 'to. May mga boyfriend na kayo, hayaan niyo na si Kate." akala ko ay sasawayin kami ni Erika pero sumama pa ito sa pang-aasar.
“Nope, I'm fine. I'll ask her today, so wish me good luck!" sagot nito sa mga asaran namin, he is genuinely happy. It is my first time seeing a man looks so happy and contented na kahit hainan mo ng maraming putahe, mag-stick lang siya doon sa nakasanayan niya at mahal niya.
“We're happy for you! Good luck!" sabi ko sa kaniya.
“How will you ask her pala?" tanong ko sa kaniya.
“I'll be speaking as a valedictorian. Doon ko siya tatanungin, that was her dream for a long time. To someone ask her in public, she wanted to experience that." sagot nito sa akin.
I guess some girls really are not the same. Her girl wanted to do it in public while some are in private and like me, I wanted to have it in private para ayokong dumating sa point na pag ni-reject ko ang proposal, at least hindi siya mahihiya or ano pa man.
“Oy, Congrats! Ikaw pala iyong matagal naming hinahanap, wala kasing mga picture laging pinopost ang Notre Dame page about sa iyo. Grabe ka, gusto ng private life pero ngayon gagawing public ang confession!" puri ni Erika sa kaniya, manghang-mangha.
“Well, I could do anything for her!" natatawang sinabi nito sa amin.
“Well, I agree with you to that. Lahat naman talaga tayo darating sa ganong point na kahit nakakahiya ay gagawin natin para sa mga taong mahal natin. Salute to you!" si Erika pa rin na manghang-mangha.
Wala naman akong masabi dahil natutuwa ako sa kaniya. Bihira lang ang mga lalakeng gumagawa noon.
Kiel has done it, I think twice. Noong una ay nag-confess siya dahil nga may kasikatan na siya noong Grade 9 pa lang kami kahit na mukha siyang dugyutin sa paningin ko, kilalang-kilala siya sa school dahil sa pagsali nito ng pageant at kung ano-anong event sa school.
Noong pangalawa naman ay noong grade 10, when he announced to our whole campus that he is courting me. I remained silent and private even after all the publicity he made.
I don't missed it, nahihiya pa ako dahil ayokong-ayokong may ganoon. Para kasing sinasakal ako at hindi pwedeng magdesisyon ng hindi maganda kapag alam ng publiko. Para akong artista, ano ba!