Isang oras na ang nakalipas at puro speech pa rin ang nangyayari. Ang iilang mga students ay tumatayo para pumunta sa parents para siguro uminom or kumain.
Ang pwetan ko naman ay namamanhid na, lahat ng klase ng upo ay nagawa ko na. Nakakahiya na rin sa mga katabi ko dahil kanina ko pa sila nasasagi.
Nakatunganga at nakikinig lang naman ako sa mga nagsasalita, paminsan-minsan ay nag-oonline ako pero naboboring din. Same routine at sobrang boring.
“Awardee ka?" tanong sakin ng katabi ko, tumango naman ako sa kaniya.
“Ikaw din?" pabalik na tanong ko sa kaniya at tumango rin naman siya.
“Nakapag-apply ka na sa mga colleges?" tanong ko sa kaniya.
“Hindi pa. Balak ko sana sa PUP main, dream school eh. Ikaw ba?"
“Doon din sana at sana makapasa. BSA kukunin ko, ikaw?"
“BSA rin. Sana palarin tayo!" naka-ngiting sinabi nito sa akin.
To be honest, hindi ko talaga alam kung saan. Ang PUP kasi ay masyadong mataas ang standards nila sa mga students kaya nakakatakot mag-enroll doon.
Ang hirap din kasi kung kilala ang mga universities parang nagsasama-sama ang lahat ng matatalino. Ewan ko ba masyado kong binababa ang sarili ko.
Although sa entrance exam ang basehan din, may plus points din siguro ang school background noong senior high school. Hindi ko alam, wala akong idea.
Natapos ang kwentuhan namin dahil pareho na kaming walang masabi sa isa't-isa. Siguro ay gaya ko, kanina pa siya nabobored.
“Ano na naman?" sagot ko sa tawag ni Kath, bored na bored na ito dahil pang-anim na tawag niya na ito sa akin. Puro pangungulit lang din naman ang ginagawa sa akin.
“Wala akong magawa!" pasigaw na sinabi nito, siguro ay napansin na naman siya ng mga katabi niya.
“Don't believe her, kanina pa niya ako ginugulo!" Rinig kong sinabi ni Ian, 'yung valedictorian at gwapong-gwapo si Kath sa kaniya.
“Tse, hindi mo naman ako pinapansin!" sagot ni Kath sa kaniya, parang bata. Tawa lang ang narinig kong sinagot sa kaniya ni Ian.
“So, bakit ka nga napatawag?" tanong ko ulit sa kaniya.
“Eh kasi nga wala akong magawa, ayaw naman akong sagutin nila Erika at Rachel. Busy sila sa group chat natin." sagot nito sa akin.
Nagbukas naman ako ng data dahil sa sinabi niyang iyon. Siguro ngayon-ngayon lang sila nag-iingay sa gc dahil kanina naman ay online ako, sobrang tahimik noon.
Tama nga siya, sunod-sunod ang chat ng dalawa. Maya-maya ay naglalabasan ang chat head ng gc namin.
“Eh bakit hindi ka na lang sa group chat manggulo ha?" tanong ko sa kaniya, ilang minuto after ko buksan ang data ko.
“Tinatamad ako mag-type, mas gusto kong dumaldal." sagot nito sa akin.
“Ano namang pag-uusapan natin eh pang-ilang beses na natin ito na nag-uusap." medyo iritado kong sinabi dahil nga nagugulo ko itong mga katabi ko.
“Bakit inis?" natatawang tanong nito sa akin pero alam kong nasa-awkward phase na siya ng sarili niya.
“Baliw, hindi ako naiinis. Paano kasi naiistorbo ko na mga katabi ko dito, masyado na akong malikot sa upuan ko." sagot ko sa kaniya.
“Punta ako diyan." sabi nito, tinawanan ko lang naman siya kasi alam kong di niya iyon gagawin pero nakita ko ang pagtayo nito, natatawa habang nakatapat ang cellphone sa tenga.
“Hoy, baliw ka. Nakatingin na sayo 'yung ibang mga teachers! bumalik ka sa upuan mo!" suway ko sa kaniya pero nakita ko ang pag-iling nito sa akin.
Nang makarating siya sa line ng upuan ko, she carefully walks towards my direction while she kept saying 'excuse me'.
“Saan ka uupo nito ngayon?" tanong ko sa kaniya, pinausog niya ako para magtabi kami. Mabuti na lang ay mabait ang katabi ko kaya binigay niya ang half ng upuan niya para sa akin.
“Sorry and thank you." naka-ngiting sinabi ko sa katabi ko, ngumiti lang ito sa akin.
“Sabi ko naman sa'yo kahit gaano pa tayo kalayo, tatawirin ko makasama ka lang." natatawang sinabi nito sa akin.
“Masyado kang makulit, Kath. Ano ba yan!" pabiro kong sinabi sa kaniya.
“We will now begin to call all the students to receive their diplomas." Anunsyo ng emcee, nagkatinginan kami ni Kath.
“Oh, ano? Bumalik ka na doon. Masyado ka kasing makulit." natatawang sinabi ko sa kaniya, tumayo ito at sinunod ang sinabi ko.
Balewala lang din ang pang-aagaw atensyon nito ng mga teachers at students kasi hindi naman siya nagtagal dito sa pwesto ko. Nakakaawa ang sakripisyo niya.
Umayos na ako ng upo, pinatay ko na ang data ng cellphone ko. Ang katabi ko sa kaliwa naman ay may kausap sa cellphone habang ang katabi ko sa kanan na nagbigay ng space sa akin para makaupo ako ng ayos ay tahimik lang.
He looks decent. A dimple on his left cheek appear when he smiles at me. Ngumiti rin ako sa kaniya. I think nasa 19 na siya at mukhang foreigner. Ang pinkish din ng labi nito, ang tangos ng ilong at ang haba ng eyelashes niya.
“Foreigner ka?" hindi ko na mapigilang itanong sa kaniya, lumingon ito sa akin.
“No, mukha lang. Siguro sa genes na lang din namin." naka ngiting sagot nito sa akin.
“Ang gwapo mo." puri ko sa kaniya, agad naman na namula ang mga pisngi nito.
“Ah, sorry. Masyado lang talaga akong straight forward." natatawang sinabi ko sa kaniya.
“I've heard a lot about that pero ngayon lang talaga ako nagulat dahil sa'yo." he smiled at me after he said those.
“Crush mo ako 'no?" pang-aasar ko sa kaniya.
“Alam mo 'yung love at first sight? Ganon!" Natatawang sinabi nito sa akin, nanlake naman ang mata ko dahil sa gulat sa sinabi niya.
“Seryoso ba?" tanong ko sa kaniya.
“Baliw, hindi. Ikaw naman kasi masyado mo akong ginugulat." natatawa nito, satisfied sa pang-aasar niya sa akin.
“I'm Kate, by the way." pagpapakilala ko sa kaniya at inilahad ang kamay, tinanggap naman niya ito at nakipag shake hands.
“Louis."
“Tignan mo, even your name ay gwapo! Why are you so blessed with it?" pang-aasar ko dito, hindi natatapos ang asaran namin.
Dumami pa ang asaran namin, half meant and half joke. Nakakatuwa lang dahil bigla kaming nagkasundo. Well, hindi naman dahil may ulterior motive ako sadyang nahihiya lang ako dahil ilang beses ko na siyang nasanggi kanina at mukhang na-irita siya doon.
“In a relationship?" biglang tanong nito sa akin, umiling naman ako.
“Bakit feeling ko may gustong pumatay sa akin?" natatawang tanong nito.
“Huh?"
“Ayun, oh." Tinignan ko naman iyong tinuturo niya, nasa line lang ng seats namin. Nakatayo sa dulo sina Kiel at Dominique. “Kanina pa sila nakatitig, masama ang tingin sa akin." dugtong nito.
“Mga suitors lang. Papatigilin ko rin naman sa panliligaw iyang mga iyan dahil magfofocus ako sa career ko." sagot ko sa kaniya at muli siyang tinignan.
“Career?" tanong nito.
“Yes, I'm actually an author of romantic comedy stories as well as mystery and thriller stories. Medyo maayos na iyong career ko sa pagsusulat kaya ayon." sagot ko sa kaniya.
“Oh, great! I'm a fun of those genres, can I perhaps read your stories?" tanong nito sa akin.
“Promise me that you will not reveal my identity." sabi ko sa kaniya, tumango ito.
“Why?"
“I just don't want to be in public as I will be an incoming college students. Alam naman natin kung gaano ka-stressful doon." natatawang sagot ko sa kaniya.
“Oh, yeah. Sure!" sagot nito sa akin.
“Patricia, That's my pen name." sabi ko sa kaniya at sinabi rin kung saang website at mga writing apps ako nagsusulat.
Kung ano-ano pa ang napag-usapan naming dalawa, from my book to our life plans. Ang lawak at first time ko maka-encounter ng isang tao with a same perspective as mine.
Totoo nga talaga na masarap kausap ang mga taong first time mo lang ma-meet dahil walang judgment sa usapan. Kumbaga sobrang pure at genuine lang ng expression, ng mga words and advices na ibibigay nila. Unlike sa mga kakilala natin na para tayong pinapatay sa mga sinasabi nila.
“Nice to meet you. You made me realize how important it is to chose your dream career." sambit nito sa akin.
“Nice to meet you, too and no worries. First time ko lang maka-experience na may makausap ng matagal na stranger. Thank you." naka ngiting sinabi ko sa kaniya.
Napag-alaman ko rin na single pala siya at ang nililigawan niya ay binusted siya at ipinalit doon sa best friend niya. Nag-asaran pa kaming dalawa dahil doon dahil baka ipagpalit ko rin ang magiging boyfriend ko sa bestfriend ko.
We exchanged numbers, name sa f*******: para makapagbigay suggestions siya sa mga sinusulat ko since super fan nga siya ng mystery and thriller genres. I also asked for his email para in case na gusto niya rin magsulat, I can help him.
We bid our last goodbye and hoping na hindi ito ang huli naming encounter. I wanna talk to him about everything because I know my secrets are safe with him.