Aside from talking to him about our personal lives, I also asked him kung ano ba ang dream course niya which I find it intriguing kasi simula ng magkatabi kami ay napansin ko na ang hilig niya sa digital arts.
Baka katulad ko, iba ang course na tatahakin para lang ma-satisfy ang kagustuhan ng mga parents namin.
Tama ako na iba nga ang kukunin niyang course pero mali ako sa dahilan niya. Kung sa akin ay dahil sa practicality, sa kaniya ay dahil sa family history. Ang family daw nila ay puro lawyers and Policemen, mga public servant. Stuck siya between Law and Criminology.
“Choose what makes you happy." ang tanging advice na naibigay ko sa kaniya.
“How am I supposed to choose my family over my passion? Sure ako na babaunin ko iyong mga judgments nila sa akin hanggang sa makatapos ako. Plus, I know for sure na sila ang magpapaaral sa akin kaya nakakatakot na hadlangan ang desisyon nila baka hindi ako makatuloy sa pag-aaral." ang sinagot nito sa akin bakas ang pag-aalala nito sa boses niya.
For some reason, I kinda pity him. I saw his talent and even for a glance, I wanted him to pursue it. He really loves drawing but due to his family history, He's torn to choose between his passion and family professions.
Our talked ended shortly pagkatapos akong puntahan ni mama. I wanted to talked to him for long to make him feel better.
Iba talaga kapag papunta ka ng college, lahat ng hindi mo iniisip noon ay maglalabasan ngayon. Parang isang parusa na hindi mo ito nagawa noon.
Medyo malayo pa kami sa pila, pinuntahan lang ako ni mama para ayusin ang make up ko at medyo nalulusaw na raw ito.
“Sino sila?" tanong ni mama, alam ko na kung sino tinutukoy niya.
“Mga kaibigan ko lang." tanging sagot ko.
Today. I will make sure today na maipapakilala ko sila bilang mga manliligaw ko and I will ensure to them that this will end today.
I know I am being selfish but hindi ako nagkulang na sabihan sila na ayoko ng manliligaw at ayokong mag-commit sa isang relationship.
Hindi sa dahil hindi ako ready kung hindi ay dahil mas gusto ko munang pagbutihin ang pagsusulat. Love can come and go, but this opportunity ay pwedeng mawala permanently.
“Sure ka?" tanong niya pero hindi ako sumagot.
Kung sasagutin ko siya baka dito pa lang sa venue ay mag-away na kaming dalawa. To think na aattend pa kami sa after party sa bahay nila Kath at mayroon din kaming party sa bahay.
Gusto ko muna i-enjoy ang araw na ito, ang mga oras na ito na walang kahit anong problema. Ayokong ang isang pagkakamaling magawa ko ay dumikta sa buong buhay ko.
Bumalik ako sa pwesto ko matapos niyang ayusin ang make-up ko. Si Louis ay abala sa pagd-drawing sa kaniyang cellphone. Tahimik kong pinagmasdan ang pagguhit niya, sobrang detailed.
Mula sa facial features, buhok hanggang sa dibdib nito ay sobrang detailed. I think this lady drawing of his resemble his mother. I could say from the beauty of it although it look young.
“Your mom?" tanong ko sa kaniya, umiling ito. Walang bahid na gulat dahil siguro naramdaman niya ang presensya ko.
“My auntie."
“Bakit siya ginuguhit mo?" tanong ko.
“She was the one who raised me. Both my parents are busy with their public servant work that they are having a hard time taking care of me." sagot nito sa akin.
“Pero gusto mo pa rin na masunod sila?"
I meant, yes. They got credit for his study kasi nap-provide nila ang lahat ng needs niya however, a financial support won't be enough. Kailangan natin ng moral support, ng guidance, ng parents para hindi natin naiisip na parang wala lang itong ginagawa natin.
We need reason to continue. Hindi pwedeng puro pera lang, hindi pwedeng puro sa iba aasa.
How come you have time serving other people while your own family needs you more than them? How come other people comes first than your own family? Hahayaan na lang ba nating sirain ang taong naghihintay sa atin?
Gusto rin naman nating ipagmalaki tayo ng mga parents natin, from our mistakes to our achievements. Iba kasi 'yung feeling na nagagawa nating gawin ang isang bagay ng tama na ang reason ay ang parents.
“I have never shared a meal with them on a table, even once. Mapa-christmas man 'yan, birthdays, special occasions, wala sila. Even now, ang auntie ko ang kasama ko ngayon. Nag-begged pa ako sa kanila kagabi na sila ang sumama sa akin sa pag-akyat ng stage pero no, they still chose their work over me." kwento nito sa akin.
“You never tell them how you feel?"
“I tried and I keep trying but I never been heard. I was shut down away from my own parents. Parang ginawa lang nila akong isang trophy sa bahay, na maipagmamalaki nila sa tuwing may mga bisita sila sa bahay. Nagegets ko na kailangan ng full atensyon nila sa work pero how about me? Hindi ka ba iyon need? Obviously, I was neglected." mahabang pahayag niya.
“That explains why you look bittersweet sa mga nakikita mong parents ngayon. You wanted the same attention pero wala kang nakukuha." sambit ko sa kaniya.
He looked at me with a blank expression. Pinatay nito ang kanyang cellphone habang ang paningin ay nasa akin. I don't know what is running in his mind.
“Alam mo, baka ma-develop ako sa'yo. Tama na 'yung pakikisimpatya mo sa akin." natatawang sinabi nito at tinuon ang paningin sa mga umaakyat sa stage. Nakipalakpak na rin ito.
Umayos ako ng upo, tinuon din ang paningin sa mga umaakyat sa stage. Si Erika ay malapit na sa stage at kasama niyang aakyat ang mommy at daddy niya. Ako naman ay kasama ko si papa at ang kapatid ko ay kay mama.
Simula pa kanina ay hindi ko katabi ang kapatid ko dahil nakipagpalit ito ng upuan kay Louis. Hindi ko alam kung saan ito banda nakaupo.
“Ang swerte niyo nga, complete family and happy talaga. You get the attention all you want unlike me, kumpleto nga hindi naman nagsasama-sama sa hapag." muling sinabi nito, hindi ko siya nilingon dahil alam ko naman na nakatuon ang paningin niya sa stage.
“Hindi mo sure." natatawang sinabi ko sa kaniya, “A complete family doesn't indicate that we're a happy family. Sometimes a complete family ay pang family background lang para hindi ka masira ng society. Minsan kasi ang mga broken family ay madalas na alam mo 'yon, nabubully ganon. Pero alam mo na sila pa yung mas masaya kaysa sa atin." Mahabang dinugtong ko.
“Bakit? Hindi rin ba masaya sa inyo?" tanong niya, umiling ako.
“Minsan. Madalas. Palagi." kibit-balikat kong sagot sa kaniya. From my peripheral view, nakita ko siyang lumingon sa akin.
“Sobrang daming problema ng pamilya namin, promise. Mas gugustuhin mo na lang mag-stay sa ganyang sitwasyon kaysa sa mapunta sa sitwasyon ko." natatawang sinabi ko sa kaniya bilang sagot sa nagtatanong niyang tingin.
“Want to share the story?" tanong niya sa akin pero umiling ako.
“No. I trust you but not enough to give you all the details. I know you shared some information to me regarding to your personal life, but I hope you didn't expect that I will share mine to you." sagot ko sa kaniya at ngumiti, tumango ito sa akin.
Nasasanay kasi tayo na kapag nag-share ng information sa iba, ibabalik din natin 'yung ginawa niyang iyon. You voluntarily spilled it and I didn't told you to tell it to me. Ayokong laging ganon ang basis.
Nagkwento ka, thank you. Hindi ka nagkwento, thank you pa rin. Wala akong utang na kahit anong kwento sa iyo or ng kahit ano sa iyo.
“Hoping you feel better soon and not feeling better is okay. Your feelings is valid, you are valid. Okay?" naka-ngiti kong sinabi sa kaniya.
“I hope that one day, your parents will come to sense para mapansin ka, para makausap ka at para marinig ka. Mabuti na lang hindi ka naging spoiled ano? Your auntie did a good job raising you. We may be stranger to each other, but I am proud of you." dugtong ko.
“Hindi ka man mapansin ng parents mo ngayon, keep doing what you've been doing and keep going for what you truly aim. Malay natin hindi ba, mamaya i-welcome ka na with arms wide open. Oh di ba?" natatawang sinabi ko sa kaniya.
He remained silent, but I am sure that he is happy and proud to himself. He needs himself more than anyone to fight all his battles at sana hindi niya makalimutan na meron siyang sarili niya para magpatuloy.
“Here's to all our silent battles that we have succeeded so far." Lumapit siya sa akin and gave me a hug, sinuklian ko naman iyon.
“Let's rock and roll all our college years!" natatawang sinabi nito sa akin para matawa ako.
We made it! Kahit sobrang hirap ng naging journey namin, alam ko namang kaya namin na lagpasan iyon. Hinding-hindi namin sasayangin ang mga panahon na ginugol namin para lang sirain ang buhay namin.
We will never let anyone invalidate our feelings.