“Whoa!" napatingin kami sa stage nang marinig ang sigawan ng mga students.
Nasa stage na si Erika kasama ang parents at boyfriend. Her boyfriend is kneeling down with ah, I think it's a ring. Masyadong malayo kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang nasa kamay niya.
Erica love surprises sa public man o kaya sa private. Hindi sila nahihiyang ipakita sa iba kung gaano ka-strong and stable ng relationship nila.
Well, 7 years na rin naman sila kaya siguro gusto na nilang mag-settle. Alam ko namang kaya ng families nilang dalawa kaya walang problema. Sure naman ako na magpapatuloy pa rin sila sa college.
Lumapit ang emcee kay Kyle at inabot ang microphone. Ang mga teachers, visitors, parents at mga students ay nanonood lang pero ramdam ang kilig.
“Ehem!" tawag attention ni Kyle, hindi ko alam kung kay Erica ba o sa aming mga nanonood.
Tumahimik ang buong stadium, biglang tumugtog naman ang favorite song ni Erica na born for you. Wow, ang effort at talagang may kakuntsaba pa siya.
“I did promised you na hindi ako gagawa ng ganito sa public pero siyempre, ano ba naman na malaman nila hindi ba?" natatawang sinabi nito kay Erica, still kneeling down on one knee.
“You broke your promised, once again." natatawang sinagot ni Erica sa kaniya, may microphone rin kasi siyang hawak.
Nakakaramdam na naman ako ng inggit. I'm happy for them, iba pa rin kasi yung kagustuhan kong makaranas din ng ganyan. Ewan ko ba, may mga gumawa naman na sa akin ng ganitong surprise pero naiinggit pa rin ako. Siguro kung may boyfriend ako, pwede na rin.
Hay, kung ano-ano na naman ang iniisip ko. Palibhasa kasi ay ayokong pumasok ng relationship kaya ang contradicting ng mga thoughts ko.
“I don't want to make this grand anymore, no more long messages. We've known each other for 7 years. Maghahanap pa ba tayo ng iba?" natatawang tinanong nito sa kaniya.
“We are each other's strengths and weaknesses, my bottom and your top." nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi niyang iyon.
“To have and hold you forever, I promise you this ring as my eternal love for you. This is the promise that I will hold forever. To my beloved half, will you spend your life with me here and the afterlife?" finally, he said it.
Lahat kami ay nakaabang sa isasagot ni Erica at kahit alam na namin ang kakalabasan nito, gusto pa rin namin malaman mula sa kaniya ang kasagutan. As a confirmation.
As 18 years old, we were drawn in making our lives better. We make mistakes and hurting people pero ngayon, sobrang mature ng dalawang taong nasa harapan naming lahat.
It's like the 7 years they have were enough to spend their whole lives with each other. It is as if that the stars form a line to have them meet each other.
Sobrang powerful din ng prayers, witness kami sa naging pagmamahalan ng dalawang ito. Hindi ko man nasubaybayan ang 4 years nila together, naging part naman ako ng rest of the years nila.
Nag-ring ang phone ko, tumatawag si Erica. Napatingin naman ako sa stage habang hawak ang phone, hindi pa sinasagot ito.
Para niya kaming hinahanap sa dagat-dagatan na tao ngayon. Sinagot ko ang tawag, nasa call na rin pala sina Rachel at Kath.
I was shocked to saw her face filled with tears. She wants our blessing, gusto niyang ma-sure na naka-support kami sa kaniya.
“Bakit umiiyak?" natatawang tanong ko, unti-unti na ring namumuo ang luha ko.
“You all know the answers. I just wanted to ask if you guys wanted to be part of my home?" tanong nito.
“You already know the answer, too. Bakit mo pa kami tatanungin?" si Kath na binalik lang din ang tanong.
“We are already each other's home. Nadagdagan ka lang ng isa ay actually, siya na talaga ang home mo. Kumbaga mga kabit lang kami." biro ni Rachel sa kaniya.
Lahat kami ay natawa, the call is still on going. She calm herself and then face Kyle, patiently waiting for her answer.
I can't believe we are witnessing their love, sealing it for the rest of their lives. Iba talaga kapag center si Lord ng pagmamahalan nilang dalawa and we're glad na nandito kami para subaybayan ito.
“Yes! Masyado na natin dine-delay ang program!" sagot ni Erica sa kaniya, akala namin ay may pa-speech pa ito.
I guess, we will have a double celebration!
Nagpalakpakan kaming lahat at nagsisigawan ng 'congratulations'. Kyle tool the hand of Erica at isinuot ang ring. Nagkaroon ng picture taking sa stage, sumama na rin ang mga teachers at visitors. Tinawag niya kami through the microphone kaya agad kaming nagmadali sa pag-alis sa mga pwesto namin.
Dahil nga kaming dalawa ni Rachel ang malayo, tumakbo na kami kahit pa naka-high heels. Inaalalayan kami ng ibang mga students dahil baka raw kami ay madapa.
“Ano ba 'yan, nauubos 'yung oras!" rinig kong sinabi ng isang student dahilan para mapatigil ako sa pagtatakbo.
I calm myself, hinahabol ang hininga. Hinarap ko siya at nakita ko kung gaano kakapal ang make-up niya. Ayokong i-judge siya pero pasensya talaga, kajudge-judge naman kasi.
“Kung wala kang sasabihing maganda, pwede shut up na lang?" medyo mataray kong tanong sa kaniya.
“Agaw eksena naman kasi kayo!" sagot nito, ay lumalaban!
Pumamewang ako sa harapan niya, I looked at her from head to feet. Pang-iinsulto lang.
“Kapag inggit, pikit!" rinig kong sinabi ni Rachel at hinatak na ako papalayo sa babaeng iyon.
Narinig namin ang ilang tawanan at palakpakan, tuwang-tuwa sa pinanood. Mabuti na lang at malapit na kami sa stage kaya hindi na namin kailangan pang tumakbo.
Hay nako, ayoko talagang nakikipag-away pero hindi ko mapigilan lalo na at mga kaibigan ko ang involve. Duh, hindi ko naman magagawang magpanggap na walang naririnig.
“Nakipag-away pa doon!" si Rachel na parang reporter at talagang sinabi pa sa dalawang naghihintay sa amin.
Napailing na lang ang dalawa sa amin ni Rachel. Umayos na kami ng pwesto, si Erica sa tabi ni Kath sa kanan at ako sa kaliwa at katabi ko sa kaliwa si Rach.
Si Kyle ay gumilid para kami munang magkakaibigan ang mag-picture. Matapos ng ilang shots, isinama na namin siya.
Lahat kami ay nakangiti at nakatingin sa camera, “Paiyakin mo 'to si Erica, mawawalan ka talaga ng home." rinig naming sinabi ni Kath para matawa kaming lahat.
Ewan ko ba dito at palaging nagbibiro sa tuwing may mga ganitong event. Hindi niya talaga magawang magseryoso lalo na at kami ang kasama niya.
“Don't worry, she'll be safe and happy with me." sagot nitong si Kyle sa pabirong sinabi ni Kath.
Bumaba na kami sa stage matapos ng mga picture taking na naganap. Narinig naming nag-sorry sina Erica at Kyle dahil sa na-delay na program.
Bumalik na kaming lahat sa pwesto namin, inirapan ko naman ang babae kanina na nakaalitan ko. Nakakapang-init siya ng ulo.
“You guys all look good." salubong na sinabi sa akin ni Louis, nginitian ko naman siya.
“Syempre!" confident kong sinabi, alangan naman na i-deny ko pa edi para naman akong nagsinungaling.
Kidding aside, he is looking at me seriously. Ano na naman ba? Sa tuwing tinitignan ako nito, feeling ko tuloy ay may mali akong ginawa.
“Seryoso, ang good looking niyong lahat. Tapos 'yung presence niyo, ang lakas lang ng dating." seryosong sinaad nito sa akin.
“Nadala lang ng confidence. Everyone is beautiful, hindi lang nila alam kasi hindi sila confident na i-push 'yung sarili nila to become a better version of themselves." sagot ko sa kaniya.
“Wala kang friends?" biglang tanong ko sa kaniya, pasensya na! Hindi ko lang mapigilan na itanong.
“Meron pero friends lang kami sa school pero wala akong friends outside of the school." sagot nito sa akin.
Napakalungkot naman ng buhay ng taong ito. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-joke pero pinili ko na lang na manahimik. Baka ma-trigger ko bigla yung feelings na tinatago niya.
“Sorry for delaying the program because of the sudden proposal that we all witnessed. Congratulations to the both of you pero sana tapusin muna ang pag-aaral ha? Thank you for doing it in front of us, you gave us courage to confess and propose! Anyway, we'll have a 5-minutes break. We'll be back shortly!" Anunsyo ng emcee.
Nagtayuan naman ang mga students para pumunta sa mga parents nila habang ako at si Louis ay nanatili sa aming mga upuan. Ayokong tumayo at pumunta doon dahil masyadong malayo.
“Hey." napatingin ako kay Dominique na lumapit sa akin, bakante ang nasa kaliwa ko kaya doon siya umupo.
“Hi." nakangiting sagot ko sa kaniya, naka sunod pala sa kaniya si Kiel.
“This is Louis, I just met them. Louis, this is Dominique and Kiel." pagpapakilala ko sa kanila sa isa't-isa, nag-shake hands naman sila.
“Manliligaw mo rin?" tanong bigla ni Kiel, walang pasubali ang bunganga, sinamaan ko naman siya ng tingin.
“Anong tingin mo sakin? collect and select ha? ganoon ba?" inis na tanong ko sa kaniya.
“Pasensya na, sa ganda mo ba namang 'yan, hindi na ko magtatakha na madadagdagan ang mga manliligaw mo." pagbibiro pa nito.
Hindi na ako sumagot at baka bigla akong sumigaw dito sa kilig. Napapalibutan ako ng mga gwapong nilalang pero sadly, hindi ko magiging boyfriend ang kahit na sino sa kanila.
Goals over boyfriend muna ang motto ko ngayon.