Nang makarating kami sa bahay ay maayos na ang lahat ng pagkain. Nakalatag na rin ang hihigaan namin, paano kasi ay nagbabalak din silang mag-sleep over dito sa bahay.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 1 pm na pala. Akala ko ay alas onse pa lang, kaya pala tawag na ng tawag si mama sa amin.
Dumiretso ang mga kaibigan ko sa lamesa para ibaba ang mga dala-dala nilang pagkain. Si mama naman ay inayos ang mga pagkain sa lamesa.
Si kuya Mel ay nandito rin sa loob ng bahay, hindi na kasi siya uuwi at hihintayin niya na si Kath pero hindi niya pa alam na mag-sleep over si Kath dito.
Ako naman ay umakyat sa taas para magbihis, ang mga kaibigan ko ay may mga dala-dala namang damit iyan kaya hindi ko na kailangan pang hanapan sila ng magagamit nilang damit.
Tinignan ko ang phone ko, wala ni isang message kay Dominique maging kay Kiel. Hindi ko alam bakit pa ako umaasa kay Kiel samantalang tinapos ko na nga ang lahat sa kaniya. Si Dominique naman ay alam kong manliligaw ulit siya pero ewan.
“Knock, knock." napatingin ako kay Rachel na nakatayo sa harap ng pintuan.
“Oh, bakit?" tanong ko sa kaniya atsaka naghubad ng damit para magpalit, nakita ko naman ang pagtalikod niya.
“You okay?" may bahid ng pag-aalala sa boses niya, ngumiti naman ako kahit nakatalikod siya at hindi niya ako nakikita.
She rarely asked sa mga nararamdaman namin, mostly kasi ay nakikiramdam lang siya. Ngayong nagtatanong siya, alam kong nag-aalala talaga siya sa akin.
I was a suicidal. They knew it. Ayaw niyang muli akong bumalik sa pagiging suicidal at saktan ang sarili. Minsan kasi ay pumapasok akong may hiwa na ang aking wrist kaya ayaw niyang maulit iyon baka bumigay na raw ang katawan ko.
Lumapit siya sa akin matapos kong magbihis, umupo ito sa tabi ko at ang kamay niya ay napunta sa likod. She slowly caress my back, comforting me.
“Wag mo kong paiyakin, nasa bahay tayo." natatawang sinabi ko sa kaniya.
“Ano nga, okay ka ba?" pag-uulit niya sa tanong niya kanina na nakalimutan ko na.
“Oo nga, medyo mabigat lang talaga sa pakiramdam kasi biglaan tsaka sabay-sabay." sagot ko sa kaniya.
“No matter what happens, sabihin mo sakin nararamdaman mo. Ayokong sa susunod na buhay na kita makikita." malungkot na sinabi nito sa akin, napangiti naman ako sa kaniya. Biglang bumuhos ang luha niya, nataranta naman ako.
“Hoy, ano ba?!" mahinang sinabi ko sa kaniya habang pinupunasan ang mga luha niya.
“Kung ano-ano na tumatakbo sa isip ko kasi ganyan na naman nararamdaman mo. Gusto kong mag-stay dito hangga't maging okay ka." umiiyak na sinasabi niya.
I really appreciate her concern and gesture. Kahit ako ay gusto ko muna silang makasama kasi sobra-sobra na naman ang mararamdaman ko kung mag-isa ako. Baka gaya ng nasa isip niya, magawa ko ang bagay na hindi dapat.
Funny how I easily get depressed and suicidal over small things. Masyado kong pinapahalagahan ang lahat ng bagay kahit gaano pa ito kalaki at kaliit kaya kapag na-disappoint ko ang sarili, ginugusto ko na agad na saktan ang sarili.
“Promise, pipigilan ko. I won't do anything that will harm my body and life." Sabi ko sa kaniya, assuring her.
“Kahit na ba, mahirap na." sabi nito sa akin, siya na ang nagpunas ng kanyang mga luha.
“Hey, I don't have time to be depressed kasi may work na ako. Kailangan ko mag-focus sa paggawa ng mga stories. At the same time ay may school pa tayo." sambit ko sa kaniya.
This time, No more anxieties, depressions and suicidal thoughts. I'll be very careful sa mga gagawin ko at desisyon ko. Mas gugustuhin ko na lang mag-breakdown na ang dahilan ay ang studies ko at ang freelancing ko.
“Punasan mo na yang luha mo, magsisimula na tayo sa baba." sabi ko sa kaniya, tumayo na siya matapos magpunas ng luha.
Nauna akong bumaba para tumulong sa pag-aayos ng mga pagkain. Sila mama ay sa taas mag-stay, hindi na raw sila makikisali sa amin.
Kumain muna kami ng kanin bago ang iba pang nakahain, ang mga chips ay hiniwalay na namin para hindi maubos kapag nanonood na kami ng movies.
Dapat ay gagawa kami ng props ngayon pero huwag na raw at mawawalan ng gagawin ang iba bukas. Paano kasi ay kaming mga officers lang muna ang gumagawa ng props, kapag may sample na raw kaming nagawa ay papatulungin na iyong iba para may basehan na gawa.
“Dito ba kayo matutulog?" tanong ni papa sa kanila, tumango naman sila.
“Opo, sabay-sabay na rin po kaming papasok bukas. Intrams na naman po namin bukas, puro sports pa lang po ang naka-sched kaya po sa school na lang namin gagawin ang iba pong props." mahabang sagot ni Erika, siya ang good girl tuwing nasa bahay kami.
“May mga dala kayong damit?" tanong naman ni mama.
“Meron po." binalingan naman ni Kath si kuya Mel.
“Kuya Mel, alam na ni mommy na dito ako mag-stay ngayong gabi." pagpapaalam ni Kath sa driver nila.
“Mag-stay muna ako dito kasi tatawagan daw ako ni mommy mo at magpapasundo siya." tumango lang naman si Kath.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na kami magkainan. Naghugas muna ako ng plato habang sineset-up ni Kath ang account niya sa netflix. Si Erika ay ianyos ang higaan namin, niligpit kasi kanina at nagkainan. Si Rachel naman ay nililipat ang mga chips sa mga bowl, mukha nga siyang nag-rerefill eh.
“Ready na, guys!" anunsyo ni Kath sa amin sakto naman ay tapos na kaming lahat sa gawain namin.
Si mama ay bumaba, nakapang-alis. “Saan ka punta?" tanong ko sa kaniya, sumunod naman si papa na nakapang-alis din at maging ang kapatid ko.
“Pinapapunta kami sa publishing company, magpirma na raw ako ng contract at may iilang writers daw ang nangangailangan ng manager." sagot niya, tumango naman ako.
“Eh kayo pa?" tanong ko kila papa.
“Sasama kami baka nangangailangan sila ng driver doon, pwede ko iintroduce sarili ko sa kanila." sagot niya.
“Makikisampid lang ako." sagot ng kapatid ko at tinarayan ako.
Nagpaalam na ang mga kaibigan ko sa kanila, nagbilin naman muna si mama na i-make sure hindi magkalat at kung ano-ano pa. Mukhang gagabihin din daw sila sa lakad nila.
“Kath, dito na ako. Ang mommy mo ay nag-text na, isasabay ko na rin sila." Sabi ni kuya Mel kay Kath, nagpaalam na kami sa kanila at hinatid pa sila sa labas ng bahay.
Ang mga kapitbahay namin ay nakatingin kila mama at sa sasakyang nasa harap ng bahay. Bahala sila, mamaya na tsismis.
Muli kaming pumasok sa loob, nagkanya-kanyang pwesto na sila. Ako naman ay sinarado muna ang pintuan sa taas at sinara ang bintana. Tinanggal ko rin sa pagkakatali ang kurtina para madilim.
Pag baba ko naman ay bukas pa ang ilaw. Nakabukas ang aircon kaya malamig sa loob ng bahay, may hawak din silang sari-sariling kumot.
“Patayin ko na ilaw ha." sabi ko sa kanila.
Sa gitna ako pumwesto, sa pagitan ni Rachel at Kath. Si Erika naman ay nasa kanan ni Kath.
“Huwag niyo i-silent phone niyo baka mamaya may tumawag sa atin at importante eh." sabi ko sa kanila.
Nilapag namin ang phone namin sa uluhan namin. Si Kath ang namimili ng panonoorin, napili nito ang movie na Conjuring. Hindi pa raw niya kasi ito napapanood, kahit ano sa movie series na ito.
Nagsisimula pa lang ang movie ay may tumawag na sa cellphone, tinignan namin kung kanino iyon. It's mine, si Dominique tumatawag sa messenger at video call ito.
Inayos ko ang sarili, naka-pause naman ang movie na pinapanood namin. Gusto rin kasi nila makinig sa amin.
“Hi!" masayang bati nito sa akin, ngumiti naman ako sa kaniya. Hindi niya alam na nakikita siya ng mga kaibigan ko.
Nakaramdam ako ng kirot sa hita ko, si Kath pala iyon at kinurot ako. Pinakita niya sa akin ang cellphone niya may naka-type na 'ang gwapo niya'. Lumaki naman ang ngiti ko, I know right.
“What you doin'?" tanong nito.
“Just watching horror movies with my friends." sagot ko sa kaniya, nanlaki naman ang mata niya.
“They can see me?" tumango naman ako.
“Oh, sorry. I thought you were busy doing your props that's why I call. Anyway, Enjoy your time with your friends." tumango ako sa kaniya at pinatay na ang tawag.
“Ah, kaya pala. Well, let's watch na! mamaya na ang chika." sambit ni Kath sa akin.
Muli naming itinuon ang pansin sa panonood ng movie pero ramdam kong gusto na nilang magtanong sa akin kung sino siya at saan kami nagkakilala.
Especially Kath, I know she's been dying to ask. Hindi lang magawa at baka ma-distract ang iba dahil sa ingay niya.
I can't get enough of the sweetness of these young lads. Alam kong sobra silang nag-aalala sa akin dahil maya-maya ay may nangyayari sa aking hindi maganda pero ayaw nilang pag-usapan iyon kasi hindi maganda ang magiging dulot noon sa akin.
They're doing everything carefully, afraid na may mag-trigger sa akin para tuluyang bumigay. Sobrang iniingatan nila ang nararamdaman ko ngayon dahil alam nilang any minute now ay pwede akong mag-breakdown.