MAGKASALUBONG ang mga kilay ni Yuan nang pumasok sa opisina. “Si Faith nandito na ba siya?” agad na tanong nito sa receptionist na ikinagulat ng babae. Hindi siya mapapraning nang ganito kung nagpaalam sa kanya ng maayos ang dalaga. Dinaanan niya ito sa unit nito pero wala siyang nadatnan. Halos mabaliw-baliw siya sa pag-aalala. “Good morning, Sir! W-wala pa po s’ya, Sir, eh!” tarantang tugon nito nang makitang magkasalubong ang mga kilay ng amo. “Where did she go?” pabulong niyang sabi. Pagpasok niya sa silid ay palakad-lakad at paulit-ulit na tinatawagan ang numero ng dalaga pero panay lang ang ring hanggang sa naging unattended ito. “Damn!” napaupo siya sa swivel chair ngunit hindi mapakali, first time na nangyari na hindi nagpaalam sa kanya ang dalaga. Tumayo siya at lumabas muli

