NAPABANGON si Faith sa kanyang higaan, hindi siya makatulog. Kanina lang ay isinama siya ni Yuan sa meeting nito kay Mr. Aragon at may ilang bagay na sinabi ang ginoo na nagpabagabag ng kanyang isipan. Ayon sa ginoo may nawawala daw itong anak at matagal nang hinahanap. Naka-relate siya sa kalungkutan nito nang biglang mag-open ito ng topic tungkol sa pamilya. Muling nanariwa sa kanya ang mga masasakit na alaala ng kanyang pamilya na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lubos na masaya. FLASHBACK…. “Anak, mahal na mahal kita, patawarin mo ako matagal kong itinago sayo ang totoo ..” Ngayon lang niya narinig ang mommy niya na sinabihan siya nitong mahal na mahal. Pero bakit ngayon pa kung kailan mukhang huli na ang lahat? Malubha na ang sakit ng kanyang mommy

