BUMUKAS ang elevator sa ground floor area kung saan may sumakay na isang magandang babae. Hindi niya maiwasang tumingin sa halos nakaluwang dibdib at hapit na kasuotan nito. Napalunok siya at tiningnan na lang ang kanyang cellphone. Gustong-gusto na niyang makausap si Faith bihira na niya makita ang babae at kung makita man niya ito ay kasama naman si Yuan. Madalas ay sa opisina na lang ito ni Yuan kumakain. Lalo siyang nagngitngit kapag naiisip niyang masayang-masaya ang dalawa. Umusbong na naman ang kanyang galit at pagnanais na makaganti. Mahal niya si Faith pero tila naapakan ang kanyang pagkatao nang malaman niyang magnobyo na ang dalawa. Ibig sabihin pala’y niloko rin siya ni Faith? Kung ganoon pala ay posibleng hindi naman talaga ito nadukot sa resort na tinuluyan nito, kundi sad

