HINDI akalain ni Faith na ang babaeng pinagseselosan niya ay magiging kaibigan na niya. Bihira na kasi silang magkausap ni Layla. Sa hindi malamang kadahilanan ay tila umiwas na ito sa kanya mula noong nalaman nitong sila na ni Yuan. Dumaan si Kelly sa kanilang opisina. Hinintay talaga siya nito after office hour. Kalalabas lang ni Yuan sa kanyang silid nang maabutan ang dalawang babae na masayang nag-uusap. “What's up girls? Wait, do we have a meeting today? Anang si Yuan na napatingin kay Kelly. Napailing ang babae. “Mr. Bernabe, don’t worry wala tayong meeting today I’m just waiting for Faith to finish her work, niyaya ko kasi siyang mag-shopping.” Ito ang hilig ni Kelly bilang regalo sa sarili pagkatapos ng isang linggong nakakapagod. “Shopping? Actually, Miss Aragon, hindi ko pinap

