KANINA pa niya tinitingnan ang kanyang cellphone, hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Paniguradong hinanap siya ni Yuan kagabi at baka nag-alala ito ng husto. Pupuntahan na lang niya ito sa penthouse sabado naman ngayon kaya malamang ay nandoon ito. Habang papunta ay nababalutan siya ng kaba. Ano kaya ang sasabihin nito sa kanya? Wala na siyang lusot sasabihin na lang niya ang totoo. Naabutan niya itong nakaupo sa gutter ng swimming pool nakahubad ito pang itaas at tila ng swimming ito. Sa ‘di kalayuan ay may nakita siyang bote ng alak. Mas lalong lumakas ang kanyang kaba nang makita niyang tumayo ito, magkasalubong ang mga kilay nito. Ganitong mukha ang nakita niya noong unang nagalit ito sa kanya, dito mismo kung saan siya nakatatyo. “So, did you enjoy last night?” may pan

