NAKANGITI itong nakatunghay sa kanya habang nakasandal sa swivel chair, tila inaasahan talaga nito ang kanyang pagpunta. “So, what brought you here, Miss Cepeda?” Kumurba ang mga sulok ng labi ni Joshua. “Bakit nagpadala ka ng bulaklak?” galit na kompronta niya sa lalaki. “Nagustuhan mo ba?” Tumayo ito papunta sa gawi niya pagkuwa’y humarap ito sa kanya habang nakapamulsa. “Nakikiusap ako, Joshua, tigilan mo na ako! Please lang.” Kulang na lang ay magmakaawa siya sa harap nito. Ayaw niyang masira sila ni Yuan. Hindi niya makakayang mawalan pa ng minamahal. Nagpalakad-lakad ito na tila nag-iisip pagkuwa’y ngumiti sa kanya. “Tigilan? Ngayon pa ba ako titigil? Eh, mukhang nag-eenjoy na ako sa ginagawa ko.” Napalis ang mga ngiti nito at naging seryoso ang mukha. “Kapag hindi ka tumigil

