PILIT na itinatago ni Faith ang sakit na nararamdaman sa hindi inaasahang makita si Yuan na may kasamang babae. Halos isang linggo pa lang sila nang magkahiwalay pero heto at nakahanap na agad ng panibagong girlfriend. Maganda ang babae, kung titingnan sa pisikal ay mas maganda ito kaysa sa kanya, dahil sa modernong pananamit nito. Idagdag mo pa ang pangmodelo nitong pangangatawan. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayanin ang lahat. Dumaan muna siya sa ladies room at inayos ang kanyang sarili, medyo namugto kasi ang kanyang mga mata sa pag-iyak kanina habang nasa sasakyan. Palabas na siya ng ladies room nang makasalubong niya ang kaibigang si Layla, alanganing ngiti lang ang tugon nito sa kanya. “Layla, puwede ba tayong mag-usap?” Napalingon ito sa kanya. “Ano ba iyon?” “M

