Habang nasa garden ako at nakaupo sa upuang bato ay hindi mawaglit sa isip ko si Allysa. Araw kasi ng Sabado kaya may kani-kaniya kaming pinagkakaabalahan. Katatapos ko lang ding magdilig ng mga halaman at rosas na nandito sa graden. Excited na akong makita ni Allysa ang garden dahil alam kong nandito ang paborito niyang mga bulaklak. Tuwing pagkauwi ko kasi galing sa praktis namin sa paglalaro ng basketball ay nagbibihis muna ako at diretso na ako sa pagtatanim ng mga rosas sa bandang gilid ng pool namin. Katulad nina Kurt at Colin ay isa rin akong torpe. Simula pagkabata ay magkakaibigan na kaming tatlong boys. Hanggang sa nakilala namin sina Allysa at Jai nang dahil na rin sa parehong magkaibigan ang mga magulang namin sa Christmas Party na inihanda ng magulng ni Kurt.

