Nagising ako dahil sa pang-umagang sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Unti-unti akong umupo sa aking kama upang kahit paano ay mahimasmasan na ang aking diwa. Kagabi kasi ay saktong alas-otso na kami nakarating sa Pilipinas ni Kurlaiz kasama si Ate Pinky. Umuwi kami rito sa Pilipinas dahil gustong makita ng anak ko ang kanyang ama. Na gusto kong tuparin dahil walang ina ang hindi kayang ibigay ang lahat basta sa ikasasaya ng kanyang anak. “Kumusta na kaya sila ngayon? Siguro mga loko-loko pa rin sina Maverick at Colin. Sina Alyssa at Jai naman ay palagi sila sigurong kinakawawang dalawa. Si Kurt, ang ama ng anak ko ay tiyak kong may kasintahan na. Ako mukhang habambuhay na atang magiging bitter. Pero ayos lang kasama ko naman ang anak ko.” Malungkot na lang akong ngumiti dahil

