HININTAY NI Elijah ang dalawa matapos sa pag-iisa ng katawan. Pumunta siyang salas at sakto namang nagising ang anak, marahil ay naramdaman nito ang presensiya niya. Nang masilayan ang anak ay kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Wala siyang alam pagdating sa pag-aalaga ng bata, pero parang automatic siyang may father instinct. Binuhat niya ang anak mula sa crib at pinaghele. Napakaganda ng anak niya. Pinaghalo niya talaga at ni Penelope. “You’re an angel, baby. Mahal na mahal kita,” naluluhang sambit niya habang hinahaplos ang mukha ng anak. Parang namesmerized naman sa kanya si Hope at nakatitig lang sa kanya. Kinuha niya ang maliliit na kamay nito at dinala sa labi niya. “Oo, ako ang daddy mo. Daddy’s here, anak. You’re so beautiful, Hope,” Gayunpaman, hindi matatakpan ng ka

