HINDI nailihim ni Hymae kay Lorrence ang mga pinagdadaanan niya nitong mga nakaraan. Napansin kasi siya nito na tila may malalim na iniisip kung kaya ay napilitan siyang aminin sa nobyo ang totoo. Mabuti na lamang at maunawain ito. Nagkaroon sila ng pagkakataon para mag-usap kaya sinabi na niya lahat tungkol kay Bryan. "Ang lakas talaga ng loob niyang magpakita pa sa iyo sa kabila ng kataksilan niya. Sabihin mo lang sa akin kapag hindi ka niya tinigilan. Huwag na huwag ka lang niyang kakantihin dahil ako ang makakalaban niya," matapang nguni't malumanay na wika ni Lorrence. Papatapos na silang kumain sa isang pribadong restaurant ng fifth deck. Walang siyang kilalang staff sa lugar na iyon at first time siyang yayain ni Lorrence para kumain doon. "Salamat at naintindihan mo ako. Simula

