WALANG kamalay-malay si Hymae na inaabangan ni Bryan ang oras ng paglabas niya sa trabaho. Sinadya nitong maghiwalay sila ni Alice saka ito sumulpot. Nagulat pa siya nang humarang ito sa daraanan niya kung saan tinatahak na niya ang hallway papunta sa kaniyang cabin. Inis na natigilan siya sa paglalakad at napakros ng mga braso. Gigil na iniwas niya ang tingin dito. "Hymae, let's talk please!" mapanuyong pakiusap nito. "Start now. You have few minutes to talk," hindi makatinging sabi niya. "Please, let's talk with some couple of meal or drinks," request pa nito. "No need. Just here. Kailangan ko na rin kasing magpahinga. Sabihin mo na lahat ng kailangan mo at pagkatapos ay hinding-hindi mo na ako guguluhin pa, okay?" Napasulyap siya sa madilim na mukha nito. "Hymae please! Give me a

