KINABAHAN si Hymae nang makita si Bryan. Kaagad naman na ibinalik ni Lorrence ang baby kay Cathy. Hindi niya napigilang salubungin si Bryan. Pinigilan siya ni Lorrence pero nakiusap siya na hayaan muna siya nito harapin ang kararating. Nakaabang lang si Lorrence baka sakaling saktan siya ni Bryan. "What's wrong with you, Bryan? Ni hindi mo man lang ba inisip ang kalagayan ng mag-ina mo?" kaagad niyang kompronta kay Bryan. Napatitig ito sa kaniya. "Concern ka pala sa hilaw na asawa ko? Close na ba ulit kayo? Himala yata," anito sabay ng nakakalokong mga ngiti. "We don't need to be close again para maging concern ako. Guest din namin si Cristy na hindi namin puwedeng pabayaan. Hindi mo man lang ba naisip na ikaw ang dahilan kung bakit niya nagawa ito? Muntik nang maulila sa ina ang anak

