NAAWA na lamang si Hymae nang masilayan niya ang kalagayan ni Cristy. Pati siya ay hindi makapaniwala na magkainteres pa sa ibang babae si Byran. Mabuti na lamang at dumating kaagad si Lorrence. May balak sanang lumapit si Bryan sa kaniya. Papunta na sila ni Lorrence sa bottom deck para sa napag-usapan nilang pagsisid sa dagat. Dumaan sila sa exit. Sumusunod lang siya kay Lorrence dahil mas kabisado nito ang daan pababa. "Naisip ko lang. Parang lalong naging miserable ang buhay ni Cristy sa piling ni Bryan. Nakaaawa talaga siya kanina," aniya. "She deserves what she did. Hanggang awa ka na lang sa kaniya. Hindi mo na problema kung ano pa man ang mangyayari sa kanila. You deserve to be happy." Umabot sila ng sampung minuto sa pagbaba sa pamamagitan ng hagdan sa exit. alampasan lang nil

