NAWAWALAN na ng pag-asa si Bryan nang mabigo siyang kunin muli ang loob ni Hymae. Labis naman ang pagkadismaya ni Cristy nang malaman ang ginawa niyang paggamit ng ibang babae. Inaway niya ito at kung ano-ano ang mga pinagsasabi sa kaniya. Parang wala siyang narinig. Aminado siyang natauhan siya sa katotohanang hindi si Cristy ang tunay na nilalaman ng puso niya. Nabuo lamang ang isang gabing pinagsaluhan nila dahil sa pagsisikap nito na maangkin niya. Hindi na niya mababago pa ang panahon. Pero hindi lang niya alam kung paano tanggapin at panindigan ang katotohanan. Lumaki siya sa mayamang pamilya at lahat ng luho niya ay nakakamtan niya. Nagmamay-ari ang pamilya niya ng pitong malalaking mall sa Luzon at Bisayas. Nag-iisang anak at tagapagmana. "How dare you do this to me, Bryan? Guma

