NAGKAROON ng pagkakataon si Hymae para magkausap sila ni Cristy. Pumayag ito na sa isang pribadong lugar sila magkikita, sa Japanese restaurant. "Ako na ang nakikiusap sa iyo, Cristy. Tama na ang niloko ninyo ako ni Bryan. Sana naman huwag mong idamay ang reputasyon ko sa trabaho ko. Ano pa ba ang dapat mong malaman para maniwala ka na hindi na ako interesado kay Bryan? Iyong-iyo na nga siya, 'di ba?" malumanay na kausap niya kay Cristy. Magkaharap sila nito. Inubos niya ang break time niya para kausapin lang ito. Napansin niya na panay ang iwas nito ng tingin. Parang hindi ito natutuwa na magkaharap sila. "I want you to push Bryan away from you. Nagtalo na kami nang dahil sa iyo. Wala siyang bukambibig kung hindi ay pangalan mo. Paano ako kakalma kung hanggang ngayon ay ikaw pa rin a

