MABIGAT sa loob ni Hymae na lumipas ang gabi na wala silang maayos na pag-uusap ni Lorrence. Pero kinalimutan niya ang sama ng loob niya nang huling makita niya ang nobyo na dinikitan ni Zandra. Itinuon muna niya ang isip sa pagtatrabaho. Naglaan siya ng isang oras para i-meeting ang mga area supervisor niya. Tinitiyak niya na malinis ang kanilang operasyon lalo na at counted na ang isang memorandum niya nang mag-complain si Cristy. Alam niyang walang patawad ang management sa pagbibigay ng grounds kapag nagkamali. "Ma'am Hymae, we are here to support you in case the management will continue to give you a suction. We can prove how hardworking you are," wika ng linen supervisor. Naantig siya sa sinabi nito. "Thank you for your concern. No worries. I will do anything for our department.

