SOBRANG panggigigil ang inabot ni Zandra nang balewalain siya ni Lorrence. Hindi siya makapaniwala na mas bibigyan ng pansin ni Lorrence ang matandang kinaiinisan niya. Pakiramdam tuloy niya ay maagawan siya. Dala niya ang pagkadismaya hanggang sa kaniyang kuwarto. Pumasok siya sa banyo at inalis ang ano mang suot niya. Humarap muna siya sa malaking salamin na naka-built-in sa dingding. Pinagmamasdan niya ang sariling kahubaran. Napapaisip lang siya kung bakit hindi man lang magawang maakit si Lorrence sa angking kagandahan at kaseksihan niya. Tayong-tayo pa naman ang malalaki niyang yaman sa dibdib at perpekto na para sa kaniya ang hubog ng katawan niya as a woman. Ano pa at naging modelo siya kung hindi niya tataglayin ang katangiang iyon. Pero ekseheradong napabuga siya ng hangin nan

