"NANINIBAGO lang talaga ako sa mga ikinilos mo maghapon. May problema ka ba?" tanong niya kay Lorrence nang magkasama sila sa kaniyang kuwarto. Katatapos lang nilang maghapunan. Magkatabi silang nakaupo sa mini-sofa niya na kasya lamang silang dalawa. "Naipon lang ang stress ko magmula kagabi hanggang kaninang tanghali," tugon nito. Nakaakbay ang braso nito sa balikat niya habang masuyong hinahaplos ng kamay nito ang madulas na buhok niya. "Kasama ba ako sa stress mo?" Malapitang tumitig siya sa mga mata nito. Kumintal muna ito ng halik sa noo niya. "Sa iyo hindi, pero kay Hapones ay oo. Pero slight lang. Naintindihan ko naman na nagtampo ka dahil nakita mo kami ni Zandra lalo na ang pagdikit niya sa akin." Parang bata kung tumulis ang ibabang labi niya. "Ako rin naman eh, stress sa

