KINAUMAGAHAN na nabasa ni Hymae ang mensahe sa cellphone niya. Nagtataka siya kung bakit naging interesado si Zandra na kontakin siya at nagre-request pa ito sa kaniya na magkita sila at magkausap. Bumalik na si Lorrence sa kuwarto nito kaya hindi na niya nasabi. Napaisip siya kung pagbibigyan ba niya si Zandra o hindi. Hindi muna siya nag-reply. Hinintay na lamang niya na sumapit ang break time niya. "So, ano ang disisyon mo? Makikipagkita ka ba sa kaniya?" tanong ni Alice sa kaniya matapos niyang sabihin ang nais ni Zandra. Shinutdown muna niya ang computer. Pagkuwa'y dinampot ang cellphone na nakapatong sa desk niya. "Wala naman sigurong masama kung kakausapin ko siya. Baka may importante lang siyang sasabihin," tugon niya. "It's up to you. Basta hindi kayo magkakagulo, walang pro

