"SECURE all the areas!" maawtoridad na pagbibigay ni Lorrence ng oder sa mga security personnel niya. Nagkaroon ng biglaang bagyo sa gitna ng karagatan. Malalaki ang mga alon at malakas ang kulog at kidlat. Mabilis na tumalima ang team niya para siguraduhin ang kaligtasan ng mga nakasakay sa barko. "Close all the barrier on the top deck! Open all the emergency drainages!" utos pa niya sa ibang tauhan sa pamamagitan ng intercom. Dinuduyan ang buong barko. Paiba-iba ang direksiyon ng mga moveable na kagamitan sa loob. Kahit mabibigat na mga gamit ay napapakilos ng paglikot ng barko. Pati ang mga tao ay balisang kumakapit sa mga naka-fix na bagay. Biglang sumagi sa isip niya si Hymae. Madali niyang hinanap kung saan ito naroon. Nguni't sina Alice at Marlon lang ang nakita niya sa mesa

