MAAYOS na nagpaalam si Hymae kay Hashi nang magpalit ang musika. Naintindihan naman siya ni Hashi. Natutuwa pa nga ito dahil pinagbigyan niyang makasayaw siya. Nararamdaman pa rin niya ang pagkakahilo pero pilit niyang hindi ipahalata. Bumalik siya sa mesa kung saan naghihintay na sa kaniya sina Marlon at Alice. "Tinapos mo talaga ang sweet music bago iniwan si Sir Hashi. So, kumusta naman ang kakompetensiya n'yo? Ang galing mo talagang magpanggap. Feeling hindi ka affected, ano? Mukhang natalo sila sa sweet dancing," wika ni Marlon. Napangiti lang siya. Naupo siya sa iniwanan niyang silya. Pero para na siyang inaantok at gusto nang matulog. "Nakita kasi namin ang pagsayaw n'yo ni Sir Hashi at sila naman nina Lorrence at Zandra. Alam mo bang obvious na naiinis si Lorrence habang tiniti

