Chapter 41

1704 Words

NAPAAGA ang paggayak ni Alice para pumunta sa trabaho. May usapan kasi sila ni Jake na magkita sila bago siya didiretso sa department niya. Nasa stern sa fifth deck si Jake at kailangan niyang umakyat doon. Sumakay siya ng elevator para mas mabilis siyang makarating. Nagpadala siya ng mensahe kay Jake at sinabing papunta na siya. Pagbukas ng elevator ay diretso ang paglabas niya habang sa cellphone nakatutok ang paningin. Natigilan lang siya nang matanggap ang reply ni Jake. Binasa muna niya. "Nasa west area ako," anito. Ngumiti lang siya. Hindi na siya nag-reply. Alam na niya kung saan ang safe na tagpuan nila. Ibinalik niya sa handy bag ang cellphone at nagpatuloy sa paglalakad. Nguni't bumagal ang mga hakbang niya nang may masilayan sa hindi kalayuan. Alam niya kung kaninong kuwa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD