Chapter 14

1975 Words
DISMAYADO si Hymae na tumungo sa top deck. Nagpalipas siya ng sama ng loob dahil sa hindi nagustuhang eksena sa party ni Zandra. Hindi na rin niya hinanap si Alice dahil hindi rin naman niya mahagilap kung saan pumunta. Hindi na niya mawari kung ano ang iniisip habang magkasama sina Lorrence at Zandra. Pakiramdam niya'y sukung-suko na ang damdamin niya para makipagsapalaran sa relasyon nila ni Lorrence. Mag-isa lang siya sa bahaging iyon ng deck habang nakatanaw sa madilim na karagatan. Kaunti lamang ang nakabukas na ilaw sa kinaroroonan niya. Matagal din siyang nagmumi-muni. "What are you doing here alone?" biglang tanong na narinig niya buhat sa likuran. Hindi na siya mag-abala na lingunin pa kung sino ang kararating. Hinayaan niyang makalapit ito. Saka lang niya nakilala nang matingnan sa mukha. "Oh, have a good evening, Sir Hashi! I thought you're in the birthday party of Miss Marquez now," pansin niya sa ginoo. "Yes, I've been there but I changed my mind. I think this place is good for relaxing. I've been busy the past week. I often come here if I need some peace of mind." Napangiti siya. "That's a nice choice, sir. How about the party? Why did you leave?" "Almost everybody drunken. The celebrant near to lost her mind due to the influence of alcohol. She's a gorgeous woman I know, but I she's sophisticated and wild." Pinupunto ni Hashi si Zandra. Hindi naman niya puwedeng ikuwento kay Hashi ang tungkol sa kanila ni Lorrence pero nasa isip niya sanang itanong kung nakita ba nito ang nobyo niya. Iniba na lamang niya ang sasabihin. "It's my first time to know the party like Miss Marquez have. I mean, a party that exclusively for men only. Actually, I wasn't invited but my friend helped me. I've been there for a while to witness what's going on," hindi makangiting saad niya. "Crazy party!" ani ni Hashi at saka ngumising napailing-iling. Halatang hindi ito natuwa sa pinanggalingang pagtitipon. Pinili na lamang niyang makipagkuwentuhan sa guest na rito kaysa makita ang pagiging wild ni Zandra. Pansamantala niyang kinalimutan si Lorrence dahil naiinis siya nang hindi ito tumangging makasayaw ni Zandra. "Do you know how to speak or understand tagalog?" tanong niya rito. "A little. My bodyguard is a half Filipino-Japanese and he taught me some simple phrase. Nakakaintindi ako pero hindi lahat." Napangiti siya. "That's good. As I know, you're a VIP guest of this cruise ship. I'm so glad you approach me like this. You're a great person, sir." "Yes. Salamat!" Napangiti ito. "I appreciate the services of this cruise. Filipino crews are hospitable and entertaining. I've been spending my trip on other cruise but I feel not welcome." "Thank you for appreciating the services of Filipino crews. We are elated to serve you, sir," natutuwang turan niya. Masayang kausap si Hashi at halatadong napakaedukado nitong tao. Okay lang naman kay Hymae kahit puro tungkol sa negosyo ang naging topic nila. Kahit papaano ay nakalimutan niyang isipin ang nangyari sa party. Magaan ang loob ni Hashi na ikuwento sa kaniya kung paano ito nagsimula at nagtagumpay sa buhay. Naging interesado naman siyang pakinggan ito lalo na ang mga nakaka-inspired ba pinagdadaanan nito bago naging bilyunaryong negosyante. Muli lang niyang naalala si Lorrence at Zandra nang maghiwalay na sila ng direksiyon ni Hashi dahil babalik na ito sa cabin nito. Tinatahak na rin niya ang daan pabalik sa kuwarto niya. Nasa deck pa lamang siya ng mga VIP guest nang mapansin sa unahan ang dalawang guest na papasok sa loob ng cabin. Na-hook ang paningin niya nang tila kilala niya ang babae dahil sa suot nito na pulang damit. Hindi siya nagkakamaling si Zandra iyon lalo na at sa deck na iyon ang cabin nito. Kinabahan na siya dahil may kasamang lalaki nang pumasok sa loob. Hindi siya mapakali. Pasimple at hinay-hinay niyang nilapitan ang silid na iyon. Nagkunwari siyang napadaan lamang pero sinasalakay na siya ng matinding kaba. Pagkalapit ay napansin niyang hindi nakasara nang mabuti ang pinto. Gusto niyang silipin pero madilim sa loob. At ang nakapangingilabot na hindi niya pinalampas ay ang marinig niya ang mga ingos na nagmumula sa loob. Patuloy na tinatambol ang dibdib niya at halos magimbal ang sistema niya nang marinig ang boses ng babae na hindi naaawat ang pag-ungol. "Oohh sh*t! F*ck me more, Lorrence! Do it harder, I want more, please ooohh!" halinghing ng babae na nagpasikip sa dibdib niya. Nangangatal ang laman at ang mga kaugatan niya. Wala siyang marinig na salita mula sa lalaki maliban sa hingal na ingos nito. Uminiit ang dugo niya tuwing maririnig ang pangalan ng nobyo. Gusto niyang magwala pero dinaan na lamang sa pagluha. Nangibabaw ang malakas na ingay ng mag-umpugan ng mga katawan pati ang lagitnit ng kung ano'ng bagay sa loob. Marahil ay kung saan nakapuwesto ang mga ito. Halos manuyo ang lalamunan niya habang pinakinggan ang habol-hiningang ungol mula sa dalawang tao. Paulit-ulit na sinasambit ng babae ang pangalan ni Lorrence at hiling nito na bilisan pa ang kung ano'ng ginagawa ng mga ito. "I want more oohh! Faster, Lorrence! I feel your hardness inside me, oohh sh*t!" Nasundan pa ng kung anu-anong mura sa bibig ng babae na halos sumigaw na sa kasarapang ginagawa rito ng kaniig. Lalo lang nanikip ang dibdib niya nang marinig pa iyon kung kaya ay minabuti na lamang niyang umalis at tumungo sa kaniyang kuwarto. Ni hindi na niya pinansin ang pag-iingay ng cellphone niya. Gigil na gigil niyang kinuyom ang mga palad. "Hinding-hindi kita mapapatawad!" galit na bulalas niya tinutukoy ang nobyo, padabog na umupo siya sa gilid ng kama. Hindi napigilan ang pagluluha niya. Tila namingi siya kahit hindi tumitigil na tawag sa cellphone niya. Dinamdam niya ang matinding sakit. Sa inis niya ay pinatay niya ang cellphone. Tuloy ang pag-iyak niya at hindi na niya namalayan kung ano'ng oras siya nakatulog. KINAUMAGAHAN ay bakas sa mga mata niya ang pamumukto. Hindi siya puwedeng lumiban sa trabaho. Nagsuot siya ng slightly tinted na eyeglasses para hindi mapansin ang mga mata niya. Nagtataka si Alice nang makita siya. Tahimik lang kasi siya nang pumasok sa department nila. Diretso siya sa kaniyang desk at tumutok kaagad sa tapat ng monitor. "Ano'ng nangyari bakit bigla ka yatang nagsuot ng salamin? Sumakit ba ang mga mata mo?" bungad na tanong ni Alice. "May sore eyes ako. Huwag ka masyadong lumapit baka mahawa ka," seryosong pagdadahilan niya. "Hinanap kita kagabi sa party, bigla ka namang nawala. Pasensiya ka na kung hindi na ako nakapagpaalam sa iyo kagabi, nagpasama kasi ako kay Jake sa kuwarto, nakalimutan ko kasi ang cellphone ko. Pagbalik ko wala ka na sa party," wika ni Alice. Wala roon ang isip niya. "Naka-duty ba si Marlon ngayon?" pag-iba niya sa usapan. "Day-off siya ngayon. Puyat din siya kaya malamang nananaginip pa siya hanggang ngayon." "Nakita mo ba si Lorrence kagabi?" "Oo. Pero huli ko siyang nakita nang pinipilit siyang makasayaw ni Zandra. Naka-focus ako sa paghahanap sa iyo kaya hindi ko na sila napansin. Hindi ba kayo magkasamang umalis ng party kagabi?" Umiling siya. Iginala muna niya ang paningin sa paligid kung may mga kasamahan ba sila na nakikinig o nakatingin sa kanila. Abala ang dalawang kasama nila sa loob. Bahagya niyang hinila si Alice. "Walang hiya sila. Napakasunungaling ni Lorrence. Hinding-hindi ko matatanggap ang ginawa niya sa akin," gigil na anas niya Kay Alice. Napakunot-noo si Alice at nagtataka. "What do you mean? Sinong sila ang tinutukoy mo? Ano ba kasi ang nangyari sa kanila?" mga untag nito. Napuna na nito ang mga mata niya. "Kaya pala nagsuot ka ng sunglasses kasi umiyak ka nang umiyak, ano?" "Napakawalang-hiya ng babaeng iyon. Isa pa ang Lorrence na iyon. Magsama sila sa impyerno." "Teka lang, ano ba ang ginawa nila sa iyo?" Kulang na lang ay maiyak na naman siya pero pinigilan niya ang sarili. "I saw them! Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang ginawa nila sa kuwarto ng model na iyon. Naglaro sila ng apoy," aniya at ingat na ingat na walang ibang makaririnig sa kanila. "OMG! Pero paano ka nakasisiguro na si Lorrence nga iyon?" "Obvious, Alice. Sarap na sarap siya habang binabanggit ang pangalan ng lalaking iyon. Sa tingin mo matutuwa ako kung malaman kong nagpapakalunod sila sa kaligayahan at humihiyaw pa sa sarap? Nangingibabaw ang pangalan ni Lorrence, Alice! Ang sama-sama ng loob ko sa ginawa nila," hinaing niya. Hindi naiwasan ang paglandas ng kaunting mga luha niya. Hindi siya nagpahalata na umiiyak siya. Nalungkot si Alice sa sinabi niya. Hindi tuloy nito alam kung paano siya matutulungan. Dinamayan na lamang siya nito habang nilalabas ang sama ng loob niya. Hindi na siya sumama kay Alice para mananghalian. Nagpunta siya sa garden park para mapag-isa. Nawalan talaga siya ng ganang kumain. Napuno ng minsahe at missed call ang notification niya nang i-open niya ang cellphone. "May patawag-tawag ka pang nalaman, manloloko," kausap niya sa screen ng kaniyang cellphone. Nagmula lahat Kay Lorrence ang missed calls. Walang gaanong namamasyal sa park kapag ganoong oras. Sinolo niya ang mahabang steel bench. Wala sa loob na pinagmamasdan ang mga halaman sa paligid. Hindi niya matantiya kung gaano siya katagal na nakatulala sa mga halaman. "Nandito ka lang pala." Walang tuwa sa tinig ng lalaki na biglang nagsalita. Lumapit ito sa kaniya. Napatayo naman siya at tiim-bagang na tinaliman ng titig ang papalapit. "Sinungaling ka!" Walang kagatul-gatol na lumagapak ang malutong na palad niya sa makinis na pisngi ni Lorrence. Napangangang nagtataka naman ito sa ginawa niya. Gulat na gulat sa ibinungad niya. Napalinga-linga pa ito para tingnan kung may nakakita sa kanila, nang wala ay kunot-noong tinitigan siya. "Why did you slap me?" hindi makapaniwalang tanong nito. Hindi niya naawat ang paglandas ng mga luha niya. Gigil na gigil siya at kung puwede lang ay dagdagan pa niya ng sampal sa mukha nito. "Nagmamaang-maangan ka pa? Sarap na sarap ka nga sa ginawa ninyo ni Zandra kagabi, 'di ba? Tapos may gana ka pang magpakita sa akin? Pinaglalaruan mo lang ako!" hindi napigilang singhal niya rito. Lalong nangusot ang mukha ni Lorrence dahil sa mga sinabi niya. Gusto nitong magsalita pero suminyas siya na tumigil ito. Ibinuhos muna niya ang matinding sakit na umuukit sa puso niya. "My god! What's the matter with you?" mahinang sabi nito. Nang makahuma siya ay inayos ang sarili at akmang iiwasan niya ay sumabit ang kamay nito sa braso niya. "Don't touch me! Forget about me. Isipin ko na lang na wala akong nakilalang kagaya mo," bulalas niya. "Stop it! Hindi ka puwedeng umalis na hindi naging malinaw ang lahat sa atin. Hindi ko maintindihan kung ano ang hinihimutok mo," pigil nito sa kaniya. "You don't need to explain. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang ginawa ninyo ni Zandra. Ayaw ko na ng kahit ano'ng ugnayan sa iyo. Mas mabuti na ang ganito, walang problema." "Hindi kita maintindihan. Wala kaming ginawa ni Zandra. Hinanap kita kagabi. Tawag ako nang tawag pero hindi mo sinasagot. Pinuntahan kita sa..." "Stop! I don't need your reason. Tama na, please! Let me go, babalik na ako sa trabaho," mariing turan niya. Pinigilan pa siya nito pero padabog na kinalas niya ang kamay nito sa braso niya. Dismayadong napahilamos ng palad sa mukha si Lorrence. Naguguluhan ito sa biglang inasal niya. Pinanindigan niyang talikuran at iwanan ito. Nasasaktan siya sa ginawa niyang pag-iwas pero mas masakit ang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya na nangyayari kagabi. Dumiretso muna siya sa wash room ng department nila at doon ibinuhos ang sama ng loob niya. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon si Lorrence para magpaliwanag. Nanaig kasi ang galit niya. Pakiramdam niya ay nauulit ang sakit na ginawa sa kaniya ng dating kasintahan na si Bryan. Mabuti na lang at walang katau-tao sa loob. Late na siya sa oras ng trabaho pero hindi na niya pinansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD