Chapter 15

1988 Words
PAGKATAPOS ng maghapong trabaho ni Hymae ay hindi siya kaagad tumungo sa kaniyang kuwarto. Naisip niyang kausapin si Marlon pero naka-off duty ito. Tutunguhin na sana niya ang kuwarto nito nang hindi inaasahang salubungin siya ni Zandra. Siya pa talaga ang sadyang pagtanungan nito. Naiinis man siya pero kailangan niyang ipakita ang paggalang niya rito biglang importanteng guest. "Excuse me, did you see Lorrence? I'm looking for him," tanong nito sa kaniya, maagap naman ang pag-iling niya. "I made a call the whole day but he ignore. I have something important to tell him." Kung nasa lugar lang siya nasabunutan na niya ito. Nagpipigil siya kahit gigil na gigil siyang patulan ito. Aalis na sana siya nang kumapit ang kamay nito sa braso niya. Hindi naman mahigpit ang pagkakawahak nito pero para siyang sinisilaban at gustong iwasiwas ang kamay ni Zandra. Naiinis siya sa pagngingisi nito na parang nasisiraan na ng bait. Galit kasi siya rito pero hindi nagpahalata. "That was the best birthday gift I've ever had. He made me a perfect woman. I can't imagine myself having a multiple pleasure with Lorrence. Oh, so great!" Gigil na inalis niya ang kamay ni Zandra sa braso niya. Mabuti na lang at hindi siya nahalata nito na halos takpan na ng langit at lupa ang mukha niya. Wala itong pakialam sa nararamdaman lalo na at hindi naman nito alam ba may namamagitan sa kanila ni Lorrence. "Excuse me, Miss Marquez! It's better if you find him anywhere. I'm sorry, I have important job to do. I have to go," paalam niya rito. Wala itong nagawa nang iwanan niyang namamantasya pa sa gitna ng hallway. Dala niya ang inis hanggang sa makarating sa cabin ni Marlon. Gigil na gigil niyang pinindot ang doorbell ng pinto. Sabog ang isip niya at gustong suntukin ang pinto. Nagbukas ang pinto. "Oh my goodness!" nagulantang na bulalas ni Marlon nang mabungaran niya. Napaatras pa ito dahil sa pag-aakalang ito ang tatamaan ng kamao niya. "S-sorry! I don't mean to hurt you!" biglang gagad niya sabay baba ng kamay. "Bruha ka! Akala ko pasasabugin mo na ang mukha ko. Ang ganda ko pa naman ngayon. Oy katatapos ko lang i-mask 'to, sisirain mo lang? Hali ka na nga, pasok ka!" malamyang bulalas nito. Nahiya tuloy siya sa kaibigan. Tahimik na tumuloy siya sa loob. Sinundan siya nito sa paglalakad matapos isara ang pinto. Napansin nito ang paninilim ng mukha niya. "Oh my gosh! What happened? May nang-away ba sa iyo? Sino? Sabihin mo at babalikan natin. Sinaktan ka ba?" nag-alalang tanong ni Marlon sa kaniya. Wala pa siyang sinasabi ay nanikip na ang dibdib niya at naglandas ang mga luha. Umupo siya sa gilid ng kama. Nataranta tuloy na lumapit si Marlon at tumapat sa kaniya. "Girl, tell me what happen. Bakit umiiyak ka nang ganiyan? May problema ba? May nanakit ba sa iyo? Tell me, reresbakan natin," malambot na untag pa nito. Pinunasan ng mga daliri niya ang mga luhang bumasa sa makinis niyang mukha. Huminga siya nang malalim. Nag-aabang si Marlon sa sasabihin niya. "Ang bababoy nila! Hindi na sila nahiya sasarili nila!" bulalas niya. Bahagya pang napaatras si Marlon nang magtaas ang boses niya. "Niloko niya ako! Kung alam ko lang na kakain siya ng ibang tahong, sana hindi ko na siya tinanggap sa buhay ko, lintik lang ang walang latay!" gigil niyang bulalas. Kumusot ang mukha ni Marlon nang magtaka sa mga pinagsasabi niya. "Oy girl! Angry lang? Ano ba ang nangyari? Maintindihan ko ba kung hindi mo lilinawin? Sino ba iyang mahilig sa tahong? Huhulaan ko ba?" pakli nito. Napatingin siya Kay Marlon. "Mukha na ba akong kaloko-loko? Sabi niya hinding-hindi niya papatulan ang modelo ng malilibog na balyena? Nasarapan pa nga raw sa ginawa nila samantalang ako ay nagmukhang gaga na makarinig ng abot-langit nilang kaligayahan. Hindi ako bingi para hindi marinig na ipagsisigawan niya ang pangalan ng shokoy na iyon!" mga pagsisintemiyento niya na nagpasimangot kay Marlon. "Hoy bruha! Ano ba iyang mga pinagsasabi mo? Waley akong ma-gets day! Nabangungot ka ba? Named that shokoy and balyena na iyan, okay?" inis na turan ni Marlon, nakapamaywang na itong iniirapan siya. Naiyak siya, nag-alala muli ang kaibigan. Naupo ito sa tabi niya at hinawakan ang isang kamay niya. "Ano ba, girl? Sino ba kasi ang tinutukoy mo? Pasensiya na mahina ako sa pinoy henyo eh. Sabihin mo na oh!" Naawa na si Marlon sa pag-iiyak niya. "I caught Lorrence and Zandra making love in a room last night. Sino'ng hindi magagalit kung makikipaglaro sa apoy ang nobyo ko? Tapos makasalubong ko ang malanding bangus at hahanapin sa akin ang boyfriend ko. Ang sakit ng ginawa ni Lorrence sa akin. Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Ginawa nila akong tanga eh!" himutok niya. Binitawan ni Marlon ang kamay niya at sinundan ng tingin ang pagtayo nito. Napairap ito at nagkros ng mga braso. "So iyon ang iniiyak-iyak mo?" malamyang tanong ni Marlon at napangiwi ito. "Why not? Kung ikaw ba ako hahayaan mo lang na gawin nila sa iyo iyon? That was disgusting, you know? Masakit iyon. Malinaw na malinaw ang pagtataksil ni Lorrence sa akin." Pumalatak si Marlon habang napapailing. "Wala ka talagang tiwala kay Lorrence. Hindi mo pa talaga siya kilala. Hindi mo man lang ba inisip na hindi siya si Bryan para ikumpara mo, girl?" Napatayo siya at nainis. "My god! Obvious na tinaksilan ako ni Lorrence. Ipagtatanggol mo ba siya dahil matagal mo na siyang katrabaho? Dahil ba VIP si Zandra para paligayahin ni Lorrence? Marlon, I saw them sa kuwarto pa mismo ni Zandra. Hindi pa ba malinaw na wala silang ginawa? 'Dinig na 'dinig ko ang mga ungol nila sa kasarapan, my gosh! How could you did not believing me? That night was terrible for me! Bukambibig ng mga halinghing ni Zandra ang pangalan ni Lorrence!" inis niyang bulalas. Napatirik-mata si Marlon, lalo siyang nainis sa kaibigan. Pakiramdam tuloy niya ay pinagkakaisahan na siya. Gigil na humakbang siya patungo sa pinto. "Ops! Where are you going?" pigil ni Marlon. Hindi siya lumingon. "Go somewhere, sa mga taong mas naniniwala sa akin! I thought I could trust you kaya kita nilapitan. Nagkamali ako!" matigas na tugon niya. Pipihitin na niya ang siradura nang... "Lorrence was busy helping me last night!" wika ni Marlon na nagpatigil sa kaniya. "Nagkalat ang mga bote, goblets, at kung ano pa dahil sa lunurang party ni Zandra. Oo, nakipagsayaw si Lorrence kay Zandra pero nang malasing na si Zandra ay iba-ibang lalaki na ang hinila at kasayaw niya. Ni hindi na nga namin namalayan na nawala sa dance floor si Zandra with someone. Kami ni Lorrence ang napuyat kaliligpit ng mga naiwang kalat," paliwanag ni Marlon. Dahan-dahan siyang humarap kay Marlon. Sinusuri niya sa mukha nito kung nagsasabi ba ito ng totoo. "Pero panay Lorrence ang sinasambit ni Zandra," aniya at naghihintay pa ng sasabihin nito. "Malamang ay namalik-mata ka lang na si Lorrence ang nakita mong kasama ni Zandra. Bukambibig na talaga ng babaeng iyon ang pangalan ni Lorrence. Lasing na siya nang gabing iyon at malamang ay hindi na niya namalayan kung sino'ng lalaki ang tumira sa kaniya, 'no. Masyado kang nagpadala sa hinala mo. Tinatawagan ka nga ni Lorrence pero hindi mo sinasagot. Ilang beses na rin siyang pabalik-balik sa kuwarto mo pero wala ka raw. Nainis pa nga siya dahil umalis ka nang hindi nagpapaalam," paliwanag pa ni Marlon. Napapayuko siya nang maliwanagan sa sinabi ni Marlon. Ito na ang lumapit para hilahin siyang maupo sa gilid ng kama. Lumipas ang ilang minuto bago siya umimik. "Pasensiya na. Nadala lang ako sa sobrang pag-iisip ko. Paano naman kasi, napaniwala ako sa bukambibig ni Zandra. Inaway ko na si Lorrence at iniwasan. Nasampal ko pa siya. Hindi ko man lang pinakinggan ang paliwanag niya." "Kaloka ka. Masyado ka na kasing in love kay Lorrence kaya ka nagkakaganiyan. Dapat nga kayo ni Alice ang kasama ko sa pagliligpit kagabi kaso pareho kayong nawala na parang mga bula. Si Lorrence tuloy ang nahila ko." "Ako pa pala ang may kasalanan kay Lorrence. Baka inisip niya na nakipaghiwalay na talaga ako sa kaniya." Nanilim ang mukha niya. "Lokaret ka kasi, girl. Mag-sorry ka na lang sa kaniya at mag-usap kayo nang maayos. Ako na nga ang nagpapatunay na hindi siya ang kasama ni Zandra." "Kung hindi si Lorrence, eh sino ang kasama ni Zandra?" "Hindi na natin problema iyon. Basta ang alam ko lang, si Louie ang huli kong nakita na kaharutan niya habang nagpapakalunod sa alak." "Hindi ko talaga ma-imagine na magagawa iyon ni Zandra. Ang igsi nga lang ng endorsement niya at mas marami ang party." "Obvious ba, girl? Siyempre hindi kasali sa coverage ang pagiging wild niya. Birthday party niya kaya malaya siyang gawin kung ano ang gusto niya. Gabi niya iyon eh." Nakasulyap ito sa mukha niya. "Ano, may balak ka bang hanapin at kausapin si Lorrence?" tanong nito. "Siyempre naman. Salamat nga pala, Marlon. Malinaw na ang nangyari. Kung hindi mo sinabi ang lahat baka tuluyan na kaming magkalabuan ni Lorrence." "O siya! Sige na, hanapin mo na siya habang hindi pa nakapag-isip na tumalon sa dagat," pagpapamadali sa kaniya ni Marlon. "Ay grabe, tatalon talaga?" Napatayo siya. "O Sige, aalis na pala ako. Thank you ulit. See ya!" Nagmadali siyang lumabas. Napapangisi lang na nasundan siya ni Marlon ng tingin. Tumungo muna siya sa kaniyang kuwarto para mag-shower at magbihis. Matapos ay sinubukan niyang tawagan si Lorrence pero walang sumasagot. Inisip tuloy niya na baka dinamdam nito ang mga sinabi niya. Nakaramdam siya ng lungkot at hindi malaman kung ano ang unang gagawin. Pinag-iisipan niya kung dapat ba niya itong tunguhin sa cabin nito. Naguguluhan siya. Sa halip na hanapin at kausapin si Lorrence ay pinuntahan muna niya si Alice para hingiin ang opinyon nito. Ipinaliwanag niya kay Alice ang nangyari base sa ipinaliwanag Marlon. "Iyon naman pala eh. Muntik na nga Rin akong maniwala sa iyo kasi ang sabi mo ay bukambibig ni Zandra si Lorrence habang nag-aano sila. At least nasabi ni Marlon ang totoo. Umalis na kasi kami ni Jake sa party. Masyado nang wild ang celebrant. Pasensiya na rin at nawala sa isip ko na kasama kita. Hinanap din kita pero akala ko kasama mo lang si Lorrence," wika ni Alice, magkatapat sila habang nakaupo at namagitan ang coffee table. "Hindi ko alam kung tama ba puntahan ko siya para kausapin. Tinawagan ko na siya pero hindi siya sumasagot. Baka masama ang loob niya dahil sa pambibintang ko at pang-aaway sa kaniya." "Walang masama roon. Mahalaga magkaayos kayo at hindi na lumala pa ang problema. Siyempre nasaktan din siya kasi alam niyang wala siyang ginawang mali pero hindi ka naniwala o baka hindi mo na siya binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag. Ikaw na ang unang lumapit," mungkahi ni Alice sa kaniya. Hindi siya nakakibo habang nag-iisip. Alam niyang may mali siya at walang magagawa kung paiiralin niya ang pride niya. "Ano na? Kailan mo ba balak kausapin si Lorrence?" pagbabag ni Alice sa pananahimik niya. "Mamaya 'paglabas ko rito. You know what, Alice?" Natingin sa kaniya si Alice. "Nagkasalubong ko si Zandra kanina. Parang hindi niya alam kung sino ang tumira sa kaniya. Naniniwala ka ba na nakalilimot ang taong lasing na lasing?" Kumibit-balikat si Alice. "I don't know. Pero mostly oo. Lalo na kapag duduble-doble na ang nakikita, langu-lango na sa alak. Ewan ko ba kung ano ang problema ni Zandra kung bakit siya nagkakaganiyan. Dati hindi siya ganiyan ka-wild. Kung makikilala mo siya nang mabuti, mabait at mabuting tao siya. Gusto ko nga siyang kaibiganin eh kaso ang taas niya, hindi masakyan ang trip niya," turan ng kaibigan niya. "Masaya kaya siya sa buhay niya? Parang kontinto na siya kapag lalaki ang nakahaharap o kausap niya." Napapaisip din siya at tila nais niyang malaman kung ano ang malalim na pinagdadaanan ni Zandra. Pero nang maalala ang pagiging obsessed nito kay Lorrence ay bigla na naman siyang lihim na nainis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD