ITINAON ni Hymae na break time para kausapin si Lorrence. Siya na ang gumawa ng paraan para magkaayos sila. Pero hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Si Jake lang ang nakita niya sa restaurant kasama ang ibang kasamahan nito sa trabaho. Nilakasan niya ang loob para magpakita roon.
Napansin naman siya kaagad ni Jake kung kaya ay ito na ang lumapit para tanungin kung sino ang hinahanap niya. Hindi na siya nag-alinlangan pa na sabihin ang sadya niya.
"Si Lorrence ba? Wala siya ngayon, hindi namin siya nakasabay. Maaga siyang nananghalian kanina dahil may inasekaso siya sa engineering department. Naglalagay kasi kami ng camera sa ilang parte ng bottom deck," wika ni Jake sa kaniya.
Pasimpleng nililibot niya ng tingin baka may ibang nakapapansin sa kanila at malaman na si Lorrence ang hinahanap niya.
"Okay lang ba kung puntahan ko siya roon? Puwede mo bang sabihin kung saan banda roon, Jake?"
Tumango si Jake. "Oo naman. Napansin ko nga na tahimik siya at malalim ang iniisip. Hindi ko na tinanong pero halata kong may problema siya. Tingin ko nakarating ka na roon. Sa engineering area sa lower deck."
"Oo, bababa na lang ako roon. Sige Jake, thank you. Pupuntahan ko na siya ngayon. Kailangan ko lang talaga siyang kausapin."
"Alam mo ba kung paano pumunta roon?"
Tumango siya. "Oo. Nakapunta na ako roon minsan. Dinala na niya ako sa lugar na iyon."
Ngumiti si Jake. "Okay pala kung gano'n. Sige, puntahan mo na. Nandoon lang iyon, sigurado. Ituloy ko muna pagkain ko," anito.
"Pasensiya na sa abala."
"No problem."
Bumalik na si Jake sa grupo nito. Umalis naman siya para tunguhin ang kinaroroonan ni Lorrence. Hindi na niya alintana ang mga CCTV na nakatutok sa bawat madadaanan niya. Sinundan lang niya ang daan kung saan sila dumaan noon ni Lorrence.
Hindi niya matawagan ang phone nito. Hindi siya sigurado kung naka-off o walang network sa kinaroroonan nito. Nag-alala siya baka malaki ang tampo nito sa kaniya dahil sa maling manghuhusga niya sa nobyo.
Nagpatuloy na lamang siya sa paghahanap. Nasa engineering department na siya pero tila naliligaw siya at hindi niya alam kung saan na banda ito naroon dahil malawak ang departamento na binabaan niya.
Palinga-linga niyang hinanap kung saan ang tamang daan papunta sa main engineering area. Marami kasi kanto ang nakikita niya at halos parepareho lang ang itsura ng bawat sulok. Lihim niyang unuusual ang katagang dasal na sana ay matagpuan na niya ito.
Panay ang sipat niya ng oras sa gold wristwatch niya. Nag-aalala siya na baka mauubusan siya ng oras sa kahahanap ng tamang direksiyon. Pinagpapawisan siya kahit may centralized aircon sa kinaroroonan niya.
"Are you looking for someone?" biglang tanong ng boses lalaki buhat sa likuran niya.
Napakislot siya at natigilan sa paglalakad. Maagap siyang napalingon. Wala sa loob na tumangu-tango siya. Pamilyar siya sa lalaki.
"Would you mind if I ask..."
"About Lorrence whereabouts?" Inunahan siya nito sa itatanong sana niya. Tumango na lamang siya. "He is in the main engine area. Busy sila sa loob."
"Thank you. But, how could I get in there? Okay lang ba kung kausapin ko siya kahit sandali lang? May mahalaga lang sana akong sasabihin sa kaniya," pakiusap niya rito.
"Okay, just follow me," presenta nito. "Anyway, I'm Jorge. Ikaw, ano'ng pangalan mo?" pagkuwa'y pakilala nito.
Natuwa siya sa mag-entertain nito sa kaniya. Sinundan na lamang niya kung saan ito papunta.
"Hymae Skylor. Salamat sa paglaan mo ng oras para tulungan ako," aniya at pakilala niya rito.
Napansin niya ang panay na pagsulyap nito sa mukha niya. Wala siyang iniisip na masama kay Jorge kahit alam niya kung ano ang mga pinaggagawa nito base sa kuwento ni Lorrence. Napapangiti lang siya kapag sisipatin siya nito ng tingin.
"Ang suwerte talaga ni 'Rence sa iyo. Mukhang mabait ka at maganda pa. Pero pangalawang beses la lang kitang nakita. I'm in charge in this area. May ginagawa lang ang security team dito para sa dagdag siguridad ng barko. Kailangan kasing lagyan ng mga camera sa engine room dahil madalas ay walang tao sa loob. Nasira na kasi Ang dating mga naka-install," wika ni Jorge habang iginigiya siya nito patungo sa kinaroroonan ni Lorrence.
"Thank you, Jorge. May importante lang kasi akong sasabihin sa kaniya." Alam niyang may iba pang pagkakataon para makausap si Lorrence pero sinadya na niya nang maaga baka lumalim pa ang tampo nito sa kaniya. Nakasunod lang siya sa likuran ni Jorge.
"No problem. Kilala ko naman si Lorrence. Mabait at hindi mahilig mambabae," nakangiting saad nito. "Malapit na tayo. Diretso lang ang lakad. Ihanda mo lang ang tainga mo, maingay rito "
Papasok na sila sa main engineering department. Naririnig na niya ang ingay ng engine. Sinusundan lang niya si Jorge. Hindi na rin kasi sila magkarinigan kung magkuwentuhan pa sila.
Pagpasok ay hindi niya kaagad nakita si Lorrence. Naghintay muna siya habang hinahanap ito ni Jorge. Ilang saglit pa ay bumalik si Jorge pero hindi pa nito kasama. Hindi na siya nagtanong pa kahit nag- aalala siya na baka wala ito o ayaw siyang makita ni Lorrence.
"Just wait for a while. He is coming. May last lang siyang ginagawa sa loob," malakas na sabi ni Jorge nang makalapit sa kaniya. Maingay kasi sa lugar.
"Thank you." Ngumiti siya. Nilakasan na rin ang boses niya.
"Maiwan na muna kita rito. Maya-maya nandito na siya. May pupuntahan pa kasi ako," anito at paalam sa kaniya.
"Okay. Thanks, Jorge!"
Wala pa man ay kinakabahan na siya. Iniisip na niya kung ano ang sasabihin niya kay Lorrence kapag nagkita sila. Naghintay na lamang siya kung saan siya iniwan ni Jorge. Masyadong maingay na kasi sa kinaroroonan ni Lorrence. Umabot ng sampung minuto ang paghihintay niya hanggang sa magpakita ito.
"H-hi!" alanganing bati niya. Seryoso kasi ang mukha nito. Saglit lang siyang sinulyapan nito at agad iniwas ang tingin.
Tinanggal muna nito ang headset na nakasalpak sa tainga nito. Inaabangan niya ang magiging reaksiyon nito.
Hindi muna ito nagsalita, naglakad ito palabas ng maingay na silid. Sinundan niya hanggang sa makarating sila sa bahaging mahina ang ingay ng makina. Huminto siya sa paglalakad nang tumigil ito. Alam niyang hindi ito masaya.
"I'm so sorry kung naniwala ako sa maling hinala ko. Hindi ko pinanghawakan ang sinabi mong magtiwala ako sa iyo. Nagpadala ako sa kung ano ang narinig at nakita ko," paliwanag kaagad niya nang magkaharap sila.
Hindi niya makitaan ng tuwa sa mukha nito. Inaabangan pa rin niya ang magiging sagot nito. Bumungtong-hininga ito. Tinitigan na siya nito sa mga mata.
"Kung tutuusin wala ka namang kasalanan kung iyon ang pagkakaalam mo. Ang mali lang, hindi ka nagtiwala sa akin. Akala ko tuluyan mo nang tapusin ang relasyon natin. Ni hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag," mahinahong saad nito.
"That's why I'm here to clear whatever misunderstanding we have. I'm sorry talaga. Hayaan mo, magtitiwala na ako sa iyo."
Gumaan ang pakiramdam niya nang mapansin ang pagsilay ng matamis na mga ngiti nito.
"Hali ka na nga rito!" sabik na wika nito sabay kabig sa kaniya at niyakap siya nito.
Hindi naman siya tumutol bagkus ay yumakap din siya nang mahigpit. 'Laking pasasalamat niya nang magkaayos na muli sila ni Lorrence.
"Thank you for your understanding. Akala ko tuluyan na tayong magkalabuan."
"Puwede ba naman iyon? Ikaw naman kasi, kulang ka sa tiwala. Kalimutan na nga lang natin iyon. Ang mahalaga, okay na tayo ngayon."
"Oo naman."
"Paano mo nalaman na nandito ako sa baba? Nagtiyaga ka pa talagang bumaba rito, bakit?" tanong nito nang magkalas ang mga yakap nila.
Inalalayan siya nitong maupo sa upuang nasa labas ng engine room.
"Hindi kasi ako mapakali na nagkakatampuhan tayo. Nagtanong ako kay Jake. Sinabi niya na nandito ka. Nasalubong ko si Jorge habang papunta ako rito at sinamahan niya akong makarating dito. Sinabi niya na may ini-install kayong camera sa loob ng mga makina. Akala ko nga nagtampo ka nang tuluyan dahil sa ginawa ko. Mabuti na lang at sinabi ni Marlon ang totoo "
"Balak ko na talagang kausapin ka, naunahan mo lang ako. Ang hirap kasing matulog na may katampuhan. Pero sana hindi na mauulit."
"Oo, hindi na talaga mauulit," komporma niya. "Kumain ka na ba?"
"Oo tapos na. Ikaw? Baka nagha-hunger strike ka dahil sa tampuhan natin," may alalang tanong nito.
"Hindi ah. Nag-snack lang ako. Babawi na lang ako mamayang dinner time."
Hihintayin kita mamaya 'pag-out mo. Sabay na tayong mag-dinner."
"Saan naman tayo mag-dinner? Alangan naman dadalawa lang tayong pupunta sa restaurant sa second deck," pakli niya.
"Eh 'di doon na tayo sa too deck kung gusto mo."
"Okay lang basta huwag doon sa may makapapansin sa atin," sang-ayon niya. "Dito ka pa rin ba hanggang hapon?"
Tumango ito. "Tatapusin lang namin ang ginagawa namin dito. Tatawagan na lang kita mamaya kapag papunta na 'ko sa iyo."
Napatayo siya. "No! I mean, sa top deck na lang tayo magkikita. Maraming makahahalata kapag magkasama tayo," puno ng pag-alalang wika niya.
"Okay. Ikaw ang bahala. Babalik ka na ba sa trabaho mo?"
Tumango siya. "Oo. Baka ma-late na naman ako."
"Tara, ihahatid na kita paakyat."
Sinilyuhan ng matatamis na mga halik ang pansamantala nilang paghihiwalay para sa kaniya-kaniyang trabaho.
Hindi siya tumanggi nang ihatid siya ni Lorrence sa taas. Pinatigil lang niya ito nang makarating na siya sa mataong parte. Bumalik sa baba si Lorrence para tapusin ang trabaho nito roon. Nasa palapag na siya kung saan naroon ang departamento niya.
Bumalik muna siya sa trabaho. Naglalakad pa lang siya sa hallway papunta sa department niya nang may tumawag sa kaniya. Dahan-dahan siyang naglakad, sinagot ang tawag.
"Oh Alice! Kumusta? Papunta na ako riyan," tugon niya sa kabilang linya.
"Tumawag si Sir Louie. Kuhanin mo na raw sa kaniya ang daily time record na pinapirmahan mo sa kaniya at ipasa mo na raw sa administration office, iyon lang ang bilin niya," tugon ni Alice.
"Okay, dadaan ako ngayon sa office niya. Thank you, Alice." Ibinaba na niya ang cellphone.
Bumalik siya at tinungo ang opisina ni Louie. Nasa tapat na siya ng pinto ng office ni Louie at kinatok. Wala siyang nahintay na sagot o pagbukas. Inulit niya ng dalawang beses pero wala pa ring nagbukas.
"Sir Louie?" tawag niya baka sakaling sagutin siya.
Walang nagbago. Sinubukan niyang pihitin ang seradura. Naka-unlock naman kung kaya ay dahan-dahan niyang binuksan. Binanggit niya ulit ang pangalan ng manager pero walang sumagot.
Papasok na sana ang buong bulto niya sa kalahating bukas ng pintuan nang may kakaiba siyang narinig. Kinabahan siya dahil wala si Louie sa desk nito. Nilibot na niya ang paningin sa paligid pero wala ito.
Kinilabutan na lamang siya nang marinig niya ang mabilis na pagbanggaan ng kung ano sa loob. May mahinang lagabog na sumungaw at sapantaha niya ay nagmula iyon sa nakasaradong comfort room. Lalo siyang kinabahan nang marinig ang humahangos na hininga sabay ng kung ano'ng nag-uumpugan sa loob.
Hindi siya inosente sa ganoong tunog at boses. May humihingal at may umuungol. Hirap na napalunok siya. Tila napako ang mga paa niya sa kinatatayuan.
"Why you did not tell... me? Ooohh!" Boses ng babae ang narinig niya.
Patuloy sa pagtunog na tantiya niya ay umpugan ng mga katawan.
"What? T-that night? F-f*cking you on your b-birthday night? Oohh... t-that was awesome!" hingal na tugon ng lalaki.
Lalong lumakas at bumilis ang paglalagapukan sa loob. Tutop-bibig siya para hindi siya makagawa ng ingay. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hinuhulaan niya kung sino ang kinakana ni Louie sa banyo.
"I t-thought... it was him, oohh! Yeah, sh*t!" ingos ng babae.
"How do y-you... f-feel?" Tinig ni Louie.
"T-that was f*cking huge, aahh! F*ck me h-hard oohh! You m-make me w-wet, oohh sh*t! More, please!" hirit pa ng babae.
Umingay nang umingay sa loob at salitan na ang ungol at pagmumura ng pares.
Lalo siyang nangilabot at hindi na natiis pang marinig iyon. Lumapit na lamang siya sa desk ni Louie at hinanap ang ipinapakuha nito sa kaniya. Nang matagpuan sa ibabaw ng desk ay kinuha na niya at dali-daling lumabas. Hinay-hinay niyang hinila pasara ang pinto.
Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang nakaalis na siya sa lugar na iyon. Para siyang sinilaban at pinagpawisan nang malagkit. Hindi tuloy niya alam ang gagawin, kinakabahan pa siya kaya pumasok muna siya sa nadaanang powder room.
"Grabe, okay lang sana kung ginawa nila sa kuwarto. Office time pa lang, may short time na kaagad sa banyo. Parang boses ni Zandra ang babae. Birthday? Oo nga, baka siya nga iyon," mag-isa niyang kausap ang sarili sa tapat ng salamin.
Inayos muna niya ang sarili bago lumabas. Papunta na siya sa admin para ipasa ang DTR nila sa housekeeping department.