LABIS ang kaligayahan ni Hymae nang magkaayos na sila ni Lorrence. Nangako siya sa sarili na ibigay niya ang tiwala sa nobyo. Bumawi siya sa araw ng day-off nila. Hindi na rin niya natanggihan ang hiling ni Lorrence na sa cabin siya nito matulog.
Nawala na rin ang pangamba niya kahit nalaman ni Jorge na may relasyon sila ng nobyo niya. Naniniwala siya na hindi sila isusumbong ni Jorge. Kailangan niyang bumawi sa mga nagawa niyang kay Lorrence. Sinisikap din niyang bawasan ang pagiging selosa niya upang hindi na maulit muli ang hindi nila pagkakaunawaan ng nobyo. Nasa kuwarto na siya nito.
“Mamamasyal tayo bukas tutal day-off natin,” wika ni Lorrence habang magkaharap sila sa dining table. Pinagsasaluhan nila ang inurder ni Lorrence na dinner nila.
“Saan naman tayo mamasyal? Baka naman maraming makakita sa atin. Hindi pa tamang oras para lumantad tayo sa publiko,” may pag-aalalang wika niya.
“Natural lang na may makakita sa atin. Doon tayo sa lugar na walang gaanong mga staff na nakakakilala sa atin. May park dito na madalas pasyalan ng mga guest. Para makapag-ikot-ikot ka naman.”
Sumubo muna siya. Dinadagdagan nito ang laman ng plato niya.
“Tama na. Baka hindi ko maubos,” pigil niya rito.
“Okay lang iyan. Dapat magpakabusog ka.” Hindi ito nagpapigil.
“Sigurado ka bang hindi tayo isusumbong ni Jorge?” pag-iba niya sa usapan.
“Wala ka pa rin bang tiwala?” Napatingin ito sa mukha niya.
“Gusto ko lang makasiguro, mahirap na.”
“Mas malala pa ang ginagawa ni Jorge. Wala siyang dahilan para magsumbong. Alam ko lahat ng kalokohan niya. Mabait naman siya kaso matagal na niyang niloloko ang pamilya niya sa Pilipinas. Umaasa na tapat siyang asawa.”
“May iba ba siyang karelasyon dito?” Natigilan pa siya sa pagkain para lang itanong iyon.
“Marami siyang kinakama rito. Binata ang pakilala niya sa sarili niya. Marami na ang nabuntis niya tuwing nakakadaong siya pero wala siyang pinanindigan sa mga iyon. Hindi ko naman siya pinakikialaman kahit alam ko ang mga pinaggagawa niya.”
“Gano’n ba. Kawawa naman pala ang mga iniiwan niya. Never mind him na nga lang. Kumain pa tayo,” aniya, nagpatuloy siya sa pagsubo.
Tinapos muna nila ang pagkain at nagtulungan sa pagliligpit. Halos unti-unti nang naiipon ang mga damit niya sa kuwarto ni Lorrence. Kung puwede nga lang ay hihilingin na nito na magsama na sila sa iisang kuwarto. Masinop naman si Lorrence at napakaayos ng silid nito.
“Dapat nga rito ka na maag-stay. Kung hindi mo lang iniisip ang career mo, pakakasalan na kita para hindi ka na makatatakas pa sa akin,” ani ni Lorrence.
Napangisi siya. “Darating naman tayo riyan. Huwag ka lang mainip. Nag-i-enjoy pa ako sa trabaho ko.”
“Alam ko naman iyon. Pero sana huwag naman sobrang tagal para may lakas pa akong makalaro ang magiging anak natin.”
“Ikaw talaga. Basta maghintay ka lang.”
“Okay. Wait lang, dito ka muna at may gagawin lang ako.”
Sandali muna siyang iniwan ni Lorrence sa bedroom habang nagbubukas siya f*******: account niya. Tumungo ito sa banyo at may kung anong pinagkaabalahan roon. Busy naman siya sa pakikipagpalitan niya ng chats sa mommy niya. Masaya siyang malaman na nasa maayos na kalagayan ang ina niya.
Matapos ang masayang kuwentuhan nila ng mommy niya sa pamamagitan ng chats ay ibinagsak niya ang likod sa malambot na kama. Naka-hang ang dalawang paa niya, suot pa niya ang sandals niya. Damang-dama niya ang komportableng pagkakahiga niya.
Ngunit bigla siyang napakislot nang may nagtanggal sa suot niya sa mga paa. Bumalikwas siya at bumangon. Si Lorrence ang gumawa niyon.
“Get up and go to shower,” mahinang utos nito sa kaniya.
“Nilalamig ako,” angil niya.
“Warm water ang nilagay ko sa bathtub. Kailangan mong bumawi sa akin ngayon,” nakangsing gagad nito.
Napairap siya rito pero pagkuwa’y napangisi. “May magagawa pa ba ako?”
Umupo ito sa tabi niya. Banayad na hinaplos-haplos nito ang buhok niya. Kapuwa’y titig na titig sa mga mata.
“Hindi ko talaga alam ang gagawin kapag nawala ka sa akin. Akala ko maniniwala ka talaga na ako ang kasama ni Zandra sa kuwarto niya. Alam mo naman na hindi ko magagawa iyon. Kung mangangailangan man ako a man, ikaw ang hahanapin ko. Iyong-iyo lang ko,” wika nito, magkalapit lang ang mukha nila.
“Masasaktan ako nang sobra kapag nalaman kong totoo iyon na ikaw ang kasama niya. Hindi mo ako masisisi kasi nga sinisigaw niya ang pangalan mo. Ikaw lang ang lalaking hindi ko pagsasawaang mahalin. Isinuko ko na ang lahat sa iyo, hindi ko na iyon mababawi.”
Naglapat ang palad nito sa pisngi niya. Lumalapit ang mukha nito sa mukha niya hanggang sa magtama ang kanilang mga labi. Masuyong kumagat ang mga labi nito sa mga labi niya. Hindi niya mapigilan ang sariling sabayan ito.
Napakatamis ng mga labi nitong naglalaro sa mga labi niya. Ayaw niyang tigilan dahil sabik na sabik din itong lasapin ang mga halik niya. Naglakbay ang mga kamay nito at unti-unting ibinababa ang strap ng bistida niya. Siguradong lumantad ang kahubaran niya matapos tanggalin nito ang panloob niya.
Tumuon ang isang kamay nito para hubugin ang isang malusog na yaman niya sa dibdib. Lalo niyang nilasap ang mga halik nito nang maghalo ang sarap sa paghubog nito sa dibdib niya. Ang mainit na palad nito ang siyang nagpaalab sa nilalamig niyang katawan.
“Did you miss this?” anas nito sa kaniya nang maghiwalay ang mga labi nila.
“Of course!” Napakagat siya sa ibabang labi.
Nanabik si Lorrence para balatan ang kabuuan niya. Isinunod nito ang sarili. Hindi siya makahuma sa lalong kumikisig na katawan nito. Tumambad sa paningin niya ang masungit na alaga nito. Hindi niya inaasahang buhatin siya nito.
“Where are we going?” nagtatakang tanong niya.
“Nakahanda na ang warm water sa bathtub. Gusto kitang kasamang magbabad roon,” tugon nito habang buhat siya papasok ng banyo.
Ibinaba siya nito sa loob ng tub. Maluwang para sa kanilang dalawa. Sinamahan siya nito sa loob at nagbabad sila sa tubig. Muli siya nitong pinupog ng mga halik. Hindi naman niya matutulan iyon.
Lalong sumasarap ang mga labi nito habang malikot ang mga kamay nito na humuhubog sa kung saang bahagi ng katawan niya. Hindi niya mapigilan ang sarili na hulihin ang alaga nito at hinubog ng palad niya. Lalo itong umalad at ginanahan sa paghalik sa kaniya.
Magkadikit ang katawan nila. Habang abala siya sa paghubog sa matigas na sandata nito ay nag-abala naman ang isang kamay nito para hanapin ang perlas niya. Napaigtad pa siya nang dumampi ang palad nito. Naglaro ito sa hiwa niya habang nilalasap pa rin nila ang mga labi.
“Tell me if you are ready,” bulong nito sa kaniya nang kumalas ang mga labi nila.
Binalingan nito ng pansin ang nakatirik niyang umbok. Napakislot siya sabay ingos nang maramdaman ang mga labi nitong naglalaro sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan ang maramdaman niya nang sabay na nilalaro nito ang dibdib at hiyas niya. Nanginginig sa hiwa niya ang mga daliri nito hanggang sa kumilos ito sa loob niya.
“Oohh! Harder, please!” hiling niya nang mabitin ang paglalaro nito sa hiyas niya.
Hindi ito nakontinto. Saglit siyang nilayuan nito at binuhat siya. Inihiga siya nito sa malapad na bathmat na nasa tabi lang ng tub. Dumiritso ang mukha nito sa pagitan ng mga hita niya. Kagat-labing sinalubong niya ang kakaibang sensasiyon na humalukay sa pagkatao niya. Nilalasap na nito ang kalusugan ng perlas niya.
“Oh shoot! More Lorrence, please… ugh!” hindi niya napigilang bulalas.
Sumipag si Lorrence sa ginagawa. Nanginginig ang mga laman niya habang humahalukay sa hiyas niya ang masipag na dila nito. Panay ang pag-awang ng mga labi niya at pagsungaw ng mga halinghing. Umaapaw ang libido niya sa kasipagan ng nobyo.
Hindi puwedeng siya lang ang liligaya. Nagpaubaya naman ito para gawin niya ang nais niya rito. Siya naman ang pumaibabaw at nilaro ang alaga nito. Nakatambad sa mukha nito ang hiyas niya. Habang giliw na giliw siya sa pagpaligaya rito ay abala naman ito sa pagpapainit sa kaniya. She almost burst when he thoroughly play her pearl.
“You’re almost near, sweetheart!” bulalas nito.
Hindi na siya sumagot nang magmadali itong pumuwesto sa likuran niya. Napaawang-labi na lamang siya nang unti-unting manloob ang matigas na alaga nito. Dumuyan ang katawan niya nang magsimulang umulos ang nobyo. Damang-dama niya ang kaytigas at mahabang sandata nito sa loob niya.
Halos mabali sa pagkakatukod ang mga siko niya nang bumilis ang pag-urong-sulong nito. Sinakop nang mga palad nito ang mga umbok niya sa dibdib habang ganado sa pagbayo. Walang mapaglagyan ang kasarapang umaapaw sa kaibuturan niya. Tagpo na parang ayaw na niyang matapos pa.
“You’re so great, sweetheart!” Tinuduhan pa ni Lorrence.
Matagal siyang pinaligaya ni Lorrence sa ganoong senaryo. Matapos ay binigyan siya nito ng pagkakataon na siya naman ang magmaniobra sa pagsasalo nila. Nakakapanabik para sa kaniya ang upuan ito. Nagagawa niya ang kilos na gusto niya. Nagustuhan niya ang suporta ng nobyo sa kaniya hanggang sa sabay nilang nakamit ang kaligayahang tinatamasa.
Walang hadlang sa kanila kung ilang beses nilang pagbigyan ang init na nararamdaman. Nasa kalagitnaan pa lamang sila ng pananabik sa isa’t isa at hindi pinagsasawaan kahit ilang ulit nilang gawin. Kapuwa’y mahimbing ang tulog matapos pagurin ang isa’t isa.
KINAUMAGAHAN ay sa silid na iyon na sila nag-almusal. Pinaghahandaan din nila ang planong pamamasyal sa labas. Medyo kinakabahan si Hymae dahil mai-expose sila sa labas na magkasama. Kabaliktaran iyon sa nararamdaman ni Lorrence na sabik na sabik siyang ipasyal nito.
“Akong bahala. Kabisado ko ang bawat sulok dito sa barko. Alam ko kung saan ang safe na puntahan. I’ll make sure that you will enjoy our day. Makakarami lang tayo kung dito lang tayo sa kuwarto magkukulong,” wika ni Lorreonce at pagkuwa’y ngumisi na sinulyapan siya sa mukha.
“If safety is concerned, I’ll rather choose to stay here. What’s wrong if we f*ck the whole day? Kaysa naman magkaproblema tayo sa labas,” pakli niya.
Napakagat-labi si Lorrence. “Oh you really want me. Pero talaga bang ayaw mong lumabas tayo?”
“I will. What if we disguise? Ayaw ko pang malagay sa alanganin,” suhistiyon niya.
“No problem. Marami naman akong outfit na puwedeng isuot kung ayaw mong may makapansin sa atin. How about you?” Nakaisip ng paraan si Lorrence.
Iginiya siya nito sa malaking built-in cabinet na naglalaman ng mga kasuotan na puwede nilang gamitin. May mga damit si Lorrence na pangbigatin. Pair of black business suit na madalas makikitang suot ng mga mayayamang naglalaro sa casino. Iyon ang pinili nitong isuot. Ibinagay nito ang black sunglass na yari sa ginto ang frame.
Siya naman ay nagsuot ng silver na casual dress, kumikinang kapag kumikilos siya. Medyo kinapalan niya ang paglagay ng pulang lipstick at binago ang mukha sa pamamagitan ng make-up. Nagsuot din siya ng sunglass para hindi agad siya makilala ng mga nakapamilyar na sa kaniya.
“Mabuti na lang at nagdala ka ng ganiyang damit mo rito. Puro panlalaki lang kasi ang mga damit ko rito,” pansin ni Lorrence sa kaniya.
“Bihira ko itong isuot. Tuwing may party lang. Nabanggit mo naman noong nakaraan na ipapasyal mo ako sa labas kaya nakapaghanda na ako. Ang hirap pala ng nagtatago. Sana matagalan ko pa. Parang lagi akong may pinagtataguan.”
“Hayaan mo na. Minsan lang naman. Ayaw mo pa namang ilantad natin ang relasyon natin, magtiis muna tayo.” Nakatitig ito sa kaniya habang sinusuri niya ang sarili sa tapat ng salamin. “So ano, tara na ba?” tanong nito nang mapansin na pareho na silang nakapag-ready.
Tumango siya. “Handang-handa na. Ikaw ang bahala kung saan mo ako dadalhin,” aniya sabay ngiti.
Inalok na nito ang kamay para hawakan niya. Sabay silang lumabas ng cabin nito. Puno siya ng pananabik na makapasyal ksama ang nobyo. Tamang-tama lang na nakalabas sila nang may tumawag sa cellphone ni Lorrence. Kaagad nitong dinukot sa bulsa baka importanteng tawag.
Biglang napakalas ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito nang marinig ang boses ng babae nang sagutin ni Lorrence ang tawag sa cellphone nito. Nang makita siya nito na nagkros ng mga braso at hindi natutuwa ay kaagad siya nitong binalingan. Malinaw naman kasi sa pansinig niya kung sino ang tumawag dito.