Chapter 18

2344 Words
HINDI nagtagal ang inis ni Hymae nang malamang si Zandra ang tumawag kay Lorrence. Kaagad kasing ini-off ng nobyo ang cellphone para walang dahilan ng hindi na naman nila pagkakaunawaan. Sumakay sila ng elevator papuntang tenth deck kung saan naroon ang mga recreational park at iba pang mga pasilidad na madalas pasyalan ng mga guest. Kahit minsan nang nalibot ni Hymae ay naninibago pa rin siya sa lugar dahil sa ganda at napakaayos ng mga facility roon. Dinala siya ni Lorrence sa flower park. Isang lugar sa barko na may mga bonatistang nangangalaga sa mga halamang nagpapakulay sa lugar. “Wow! It’s so amazing! May ganito pala rito? Hindi ko talaga iisiping nasa barko ako kapag ito ang makikita ko,” manghang wika niya nang masilayan ang naggagandahang mga bulaklak. Samo’t saring mga halaman ang naroon. Kinagigiliwan lang niya ang mga namumulaklak na mga halaman. Naalala niya ang mommy niya. Mahilig kasi ang mommy niya sa mga halaman at halos uunahin pang pansinin kaysa sa kaniya. “Halatang mahilig ka sa mga iyan,” pansin ni Lorrence sa kaniya nang isa-isahin niyang amuyin ang mga bulaklak na nadadaanan nila. “Oo. Nahawa lang ako kay mommy. Mahilig kasi siya sa lahat ng klase ng mga halaman lalo na ang mga namumulaklak. Ang galing din ng pagkakagawa nitong malaking glass na greenhouse.” Tumingala siya. Napansin niya ang open space sa itaas. “Wow! Makikita ko pala ang mga ulap dito?” Napangiti si Lorrence. “Open space talaga iyan para direkta ang sikat ng araw dito sa greenhouse. Kailangan kasi ng mga halaman.” “Paano kapag umulan?” Bumaling ang tingin niya sa nobyo. “Wala namang problema dahil may drainage ang flooring dito. Pero ang park na ito ay hindi direktang nababasa ng ulan. Matiyagang dinidiligan ng mga naka-assign dito. Masyadong maalat ang tubig sa dagat kung ma-expose ang mga halaman kaya ito nakakulong sa ganito.” Nasa two thousand square meter din ang lawak ng park at may eleganteng coffee shop sa loob nito. Madalas ay mga couple ang nakikita nila sa loob ng coffee shop at maririnig pa ang acoustic music na nangingibabaw. Pero hindi pa siya nakontinto sa kalilibot sa mga halaman. “Doon tayo!” tuwang turo niya sa bandang unahan nang makita ang mga naggagandahang cactus at succulents na may iba’t ibang variety. Sumusunod lang si Lorrence sa kaniya. Kahit nasa gitna sila ng karagatan ay nalalanghap niya ang sariwang hangin na nagmumula sa mga halaman. Kinagigiliwan niyang hawakan ang mga cactus na hindi matinik. “Be careful,” paalala nito sa kaniya. “May warning na nga na bawal hawakan, ginagawa mo pa.” Parang wala siyang narinig. Natutuwa kasi siya sa mga cactus. Naalala niya ang mga halaman ang nagiging stress reliever nila ng mommy niya lalo na noong iniwan na sila ng daddy niya. Namatay kasi sa sakit ang daddy niya noong high school pa lamang siya. Hindi na niya namalayan na malapit na sila sa coffee shop. Kung hindi pa sila kinalabit ni Lorrence ay hindi niya tinigilan ang pag-isa-isa ng tingin sa mga halaman. Nabaling ang tingin niya in a very cool ambiance ng coffee shop. “Amazing! Pati sa loob ng shop may mga halaman?” nakangiting saad niya nang masilip mula sa labas ng pintuan ang panay berdeng nasa loob ng shop. “Oo, jungle type ang konsepto nito. Dito mo malalanghap ang samo’t saring bango ng mga kape at para kang nasa probinsiya na napaligiran ng mga punongkahoy at bundok,” turan ni Lorrence. “Shall we come inside?” “Sure! You may order the best coffee mixed na dito mo lang matitikman sa barko. Magagaling ang mga barista rito.” Pumasok sila sa loob. Hindi niya mapigilang libutin ng tingin ang paligid ng coffee shop. Tunay nga na napakalamig sa mga mata ang konsepto at motif ng lugar. Napapapikit siya sa sarap ng naaamoy niyang kape. Naghanap si Lorrence ng mauupuan nila. Abala pa siya sa paggala ng paningin sa paligid. Napakasariwa ng hangin. Walang aircon pero natural ang lamig sa silid na iyon. “Come and have a sit!” tawag sa kaniya ni Lorrence. Lumingon siya sa nobyo. Nakahanap ito ng puwesto malapit sa bintana. Lumapit siya at kaagad naman siyang inasekaso nito para maupo. May lumapit na waiter dala ang menu ng iba’t ibang mix ng kape. “Welcome to Greenhouse coffee shop, ma’am, sir!” magiliw na bati sa kanila ng lalaking crew. “You may choose your prefered coffee.” “Thank you, Rex!” nakangiting tugon ni Lorrence. May name plate kasi sa bandang dibdib ng damit ng crew. Ngumiti rin siya sa crew. Inabot niya ang inaalok na menu ni Rex. Nagpasalamat siya. Kaagad niyang binuklat ang menu book na kasingpresentable ng mamahaling photo album. Habang namimili siya ng uurderin na kape ay pasimple namang kinausap ni Lorrence si Rex. Hindi na niya pinagkainteresan ang pinag-uusapan ng mga ito dahil natutuwa siya sa kakaibang pangalan ng mga kape na hinango sa pandagat na terminolohiya. Binabasa pa niya pati ang mga ingredients na mayroon sa kape. May short description kasi na nakalagay sa bawat kape. “Ocean deep,” napangising sambit niya nang mabasa ang pangalan ng mixed coffee. “Mukhang masarap ito. Barako na may cinnamon at almond toppings, kakaiba ito.” Mukhang hindi siya napansin ng mga ito. Natipuhan niya ang ocean deep coffee mixed. Pagkatapos niyang mag-order ay iniabot niya ito kay Lorrence. Saka lang natigilan ang mga ito sa pag-uusap. “Nakapili ka na ba?” tanong ni Lorrence sa kaniya. Tumango siya, bumaling ito ng tingin kay Rex. “Kung ano ang inurder niya, iyon na lang din ang akin.” Napatingin siya sa nobyo. “Sigurado ka bang gusto mo ang napili ko? Baka nakikigaya ka lang tapos hindi mo naman pala type ang lasa,” aniya. “I think you have a good choice. Kung ano sa tingin mo ang masarap, gusto ko rin matikman iyon,” katuwiran niya. “Okay na ito, Rex.” Pagkuwa’y baling nito sa crew. Nakangiti naman na tinanggap ni Rex ang menu book. Isa ito sa maasekasong crew ng coffee shop. Umalis ito para ihanda ang inurder nila. “Matagal na ba kayong magkakilala ni Rex?” tanong niya nang magkatinginan sila. “Oo. Pero madalang lang kaming nagkikita.” Kumusot ang mukha niya. “Akala ko ba’y walang staff na makakakilala sa atin dito?” nabalisang tanong. “Hindi naman tayo expose sa mga taong makakati ang mga dila. Dito, tahimik at hindi gumagala ang mga staff. Kung saan sila naka-assign, doon lang sila umiikot. Hindi sila nangingialam sa galaw ng ibang tao kahit guest pa o empleyado,” paliwanag nito. “Sigurado ka huh? Mukhang hindi kasi ako kumbinsido eh. Siyempre marami pa rin ang lumalabas-pasok dito. Hindi natin alam kung may naka-recognize na sa atin.” “Trust me. Hindi naman kita ilalagay sa alanganin. Ano pala ang silbi ng pag-disguise natin kung magpapahalata tayo sa mga staff na puwedeng magsumbong sa atin.” Napalinga-linga siya sa paligid. “Parang pangmayaman yata ang area na ‘to. Sa ayos at galaw pa lang ng mga guests mukhang may masabi na sa buhay,” puna niya sa mga nakikita niya. “Ito ang lugar para sa mga taong ayaw ng siksikan o maingay. May mga tao kasi na gusto ang ganitong lugar, walang disturbo at ang iba ay nais na mapag-isa.” Hindi niya mapigilan ang sarili na titigan nang titigan ang mga mata ni Lorrence. She loves to gazed at his bluish eyes. Pakiramdam niya habang tumatagal ay lalong umaaliwalas ang mukha ng nobyo at tumitingkad ang angking kaguwapuhan nito. Nakapangalumbaba pa siya habang pinakikinggan itong nagsasalita. “Sa tingin mo, mukha ba akong hindi empleyado rito?” Sinuyod siya nito ng tingin mula baba pataas sa mukha niya. Kagat-labi pa itong siningkitan ang mga mata nang mapako ang titig sa mga mata niya. “Parang ikaw ang may-ari ng barko,” anito, napangisi siya. “Ang sarap naman pakinggan kung gano’n. Pero malabong mangyari kahit sa panaginip lang. Napakasuwerte naman ng may-ari nitong barko. Siguro ang yaman-yaman na nila. Kilala mo ba sila?” Ngumiti ito. “Hindi nagpapakilala ang may-ari nitong barko. Very confidential siya sa mga staff and guest. Kahit ang may pinakamataas na position sa cruise na ito ay hindi kilala ang may-ari.” “Really? Bakit naman? For security ba ng owner?” Tumango ito. “Kahit ang mga nasa top management ay hindi aware sa owner’s identity. Ang tanging nakakaalam lang ay ang nag-aasekaso ng mga papers and permits pero hindi sila naglalagi rito sa ship.” Tuloy ang pag-uusap nila nang dumating ang kanilang oder. Hinayaan nilang iayos ni Rex sa mesa nila ang mga kape. May libreng cookies na inilapag ang crew. “Thank you, Rex!” masayang wika niya sa crew. Ginantihan naman siya nito ng matamis na ngiti. Hindi nagtagal ay umalis si Rex para asekasuhin ang iba pang mga guest lalo na ang kararating. Sabay nilang tinikman ni Lorrence ang kape. Napapapikit siya habang ninanamnam ang lasa ng kape. “Great! Perfectly great! Ang sarap nito,” tuwang puri niya sa timpla ng kape. “Yeah. I like this. Hindi ako nagkamaling gayahin ang napili mong timpla.” “Salamat naman at nagustuhan mo. Hindi ako mahilig sa kape pero kung ganito kasarap ang matitikman ko, baka araw-arawin kong mag-order nito. Magkano na nga ba ang isang order nito?” aniya at pagkuwa’y tanong sa presyo. “Mura lang. One hundred dollar lang ang Isang mug .” Muntik pa niyang maibuga ang nahigop niya. Humirap tuloy ang paglunok niya. Napangisi ito sa kaniya. Nailapag niya sa mesa ang tasa ng kape. “Grabe, isang lagukan ginto na ang halaga? Mamumulubi pala ako nito kapag inaraw-araw ko. Paano na lang pala kapag ma-addict ako rito, wala na akong sasahuhin magkakautang pa ako,” aniya habang iniikot-ikot ang mug na hawak niya. “Sabi ko naman sa iyo mga mayayaman ang madalas na pumupunta rito.” “Eh bakit dito mo pala ako dinala?” pakli niya. “Gusto mong magpanggap tayo ‘di ba?” Ngumuso siya. “Bakit dito pa sa gintong pasyalan? Marami namang puwedeng puntahan eh.” “Minsan lang ito kaya huwag ka nang mag-alala. Sagot ko naman lahat. Huwag kang manghinayang kung mahal, ang mahalaga ay nasatisfied ka. Binabalik-balikan nga ng mga guest dito dahil sa sobrang sarap ng mga kape.” Kumibit-balikat siya. “Okay. Sa bagay, ikaw rin naman ang magbabayad. Anyway, thank you so much for bringing me here. Hinding-hindi ko ito malilimutan. Tuwing manamnam ko ang lasa ng kape tatatak sa isip ko itong sandali na dinala mo ako rito,” nakangiting saad niya. Ngumiti rin ito. “You’re always special for me. Basta’t ikaliligaya mo wala akong panghihinayangang gastos. But all I need is you trust me.” Nakita niya ang pagiging sinsero nito sa kaniya. “I do! Naniniwala na ako sa pagiging seryoso mo sa akin. Pasensiya ka na kung minsan nagiging childish ako. Nakakahawa talaga ang pagiging matured ng isang tao.” “Sige na, ituloy mo na ang pag-inom ng kape baka lumamig pa iyan. Huwag ka nang matakot sa presyo.” Napangisi lang siya. Itinuloy niya ang paghigop ng kape. Pakiramdam niya ay nanunuot sa dila at lalamunan niya ang linamnam ng kape. Sinasabayan siya ni Lorrence sa paghigop. Nang maubos na ni Lorrence ang kape nito ay nagpaalam muna ito para pumunta sa comfort room. Habang naghihintay siya sa pagbabalik ng nobyo ay naglabas siya ng cellphone at nag-selfie sa magandang background ng coffee shop. Halos lahat ng sulok ay nag-picture siya. Hindi na tuloy niya namalayan ang paglapit ng isang babae na tantiya niya ay senior citizen na pero napakaganda pa rin nito. Nakuhaan niya ito ng picture habang nagse-selfie siya. Natigilan lang siya at ibinaba ang cellphone nang hinarap siya nito at kinausap. “How are you, beautiful lady?” nakangiting tanong nito sa kaniya. Matamis na ngiti naman ang iginanti niya at binati rin ito. Inalalayan niya ito para paupuin. Malakas pa naman itong kumilos pero magaan lang sa loob niya para alukin ng upuan at asekasuhin. “Do you want some coffee, Ma’am?” magiliw na tanong niya rito. Nagsenyas ang kamay nito ng pagtanggi. “No, thanks! I’m just happy to see you here. I want to meet a young lady like you. Most of my friends here are more than sixty years old but they’re not around.” “Really? Thank you, ma’am! Are you with someone here, ma'am?” paghahanap niya sa kasama nito. Umiling ito. “No worry, my room is just a walk from here. Are you Filipino?” Tumango kaagad siya nang tanungin siya nito. Lalong natuwa ang ginang sa naging sagot niya. Hindi niya inaasahan na kausapin siya nito in tagalog. Mukha kasing Italian ang mukha nito pero sinabi nito na pure Filipino ito na matagal nang nanirahan sa ibang bansa. “My name is Lorraine. How about you? Nagagandahan ako sa iyo.” “Salamat po! Hymae Skylor po ang pangalan ko. Nice to meet you, Ma’am!” galak na wika niya. Parang wala itong balak bitawan ang kamay niya nang makipagkamay siya rito. Natutuwa siya sa magaang pagtanggap nito sa kaniya bilang bagong kaibigan. Kahit may edad na ito kaysa sa kaniya ay sinasabayan siya nito sa mga usaping ka-level niya. Hindi na tuloy niya napansin na natagalan si Lorrence sa comfort room. Nawili siya sa humurous way ng pagkukuwento ni Lorraine. Nguni’t kung kailan paparating si Lorrence ay saka naman ito nagmadaling nagpaalam sa kaniya. Nagbigay ito sa kaniya ng calling card na may email at social media account. Inisip niya na baka nahiya si Lorraine na tumagal ang usapan nila dahil may ka-date siya. Itinago na lamang niya ang calling card na natanggap. Hindi na niya hinalungkat sa nobyo kung bakit natagalan ito sa comfort room. Pero napalingon ito sa nakatalikod nang si Lorraine. Hinihintay niyang magtanong ito pero naging tahimik ang nobyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD