HINDI namamalayan ni Hymae na may kalahating taon na siya sa barko nang hindi bumababa. Kailangan pa kasi niyang makabuo ng isang taon bago siya mabigyan ng isang linggong bakasyon sa lupa. Pero para sa kaniya ay nanaisin pa niyang manatili na lamang sa barko kaysa gamitin ang bakasyon niya.
Hindi naman siya nalulungkot na hindi kapiling ang mommy niya dahil araw-araw naman silang nagvi-video call para magkumustahan. London ang distinasyon ng barko.
“Talaga, Anak? London na naman ang ruta ninyo? Speaking of that country, nagbakasyon daw sina Bryan at Cristy riyan. May baby na sila at gusto nilang i-tour,” pabatid ng mommy niya sa kaniya.
Napanguso lang siya habang pinakikinggan ang mommy niya sa kabilang linya. Hindi siya nakatingin sa video camera dahil nag-aalmusal siya sa kaniyang silid. Wala siyang interest sa topic ng mommy niya pero trip nitong ikuwento sa kaniya. Day-off kasi ng mommy niya kaya siya tinawagan nito.
“Okay lang naman po kung mag-enjoy sila. Wala na akong pakialam sa buhay nila. Basta’t ako nananahimik na at masaya na sa ginagawa ko.”
“Really, Anak? Mabuti kung gano’n at nakapag-move on ka na. But what if magkros ang landas ninyo riyan sa barko?”
Napatingin siya sa screen ng laptop kung saan maliwanag niyang nakikita ang mukha ng mommy niya. Kumibit-balikat siya at saka ipinagpatuloy ang pagsubo ng milk at cereals.
“No problem, Mom. Hindi naman na mag-spark pa ang feelings ko kay Bryan. Baka spark na lang ng inis sa kahayupan nila. Pero siguro dedma na lang. Masyadong malawak ang mundo para magkros pa ang landas namin.”
“Oo na sige na nga, tumatapang na talaga ang anak ko. Natutuwa lang akong malaman na masaya ka at palaban. Iyan naman ang reason mo kung bakit kailangan mong mawalay sa akin ‘di ba? Your’re no longer my baby, but you’re always my beautiful lady,” nakangiting saad ni Hannah.
“Thank you, Mommy! Mag-iingat po kayo palagi riyan.”
“Okay, anak. Ikaw rin huh. Mag-iingat ka palagi riyan lalo na at walang tigil ang biyahe mo. Kapag may problema ka tatawagam mo kaagad ako. Miss na miss na kita.”
“Me too, Mom. Mahal na mahal ko po kayo.”
“I love you, too. Oh siya, mag-usap na lang tayo ulit. Good luck sa work mo.”
Nagpaalam pansamantala ang mommy niya dahil alam nito na papasok pa siya sa trabaho. Hindi lang niya maiwasang isipin ang nabanggit ng mommy niya. Paano nga naman kung sa cruise na pinagtatrabahuhan niya maisipang sumakay nina Bryan at Cristy? Napapaisip lang siya.
Kumilos na siya at gumayak papuntang trabaho. Papadaong na kasi sa London ang barko at kailangan na naman nilang paghandaan ang panibagong embarkation. Kararating pa lamang niya sa department nila nang kaagad siyang ipinatawag ni Louie. Pilit niyang inaalala kung ano ang posibleng ipagagawa ni Louie sa kaniya. Nagawa naman niya lahat ng request nito sa department niya.
Kinakabahan siya nang maalala nang minsang pumunta siya sa opisina nito at may kababalaghan siyang natuklasan. Inihanda na niya ang sarili baka maulit na naman ang nalaman niya. Kumatok siya sa pinto nang madako na niya ang opisina nito. Pangalawang katok niya bago narinig ang boses-lalaki na nagbibigay sa kaniya ng pirmiso para pumasok.
“Good morning, Sir Louie!” nakangiting bati niya sa manager.
Pasimple niyang nilibot ng tingin ang sulok ng opisina nito kung may iba pa bang naroon. Nakahinga siya nang maluwang nang wala siyang mapansing ibang tao roon.
“Good morning! Please have a sit!” nakangiting pag-alok nito ng upuan. Nakaupo ito sa swivel chair.
“Thank you, Sir!”
“Would you mind if we talk out of work matter?” tanong nito, seryosong nakatitig ito sa mukha niya.
Kinabahan siya sa sinabi nito pero hindi nagpahalata. “N-No problem, Sir! About what?” balik tanong niya rito.
“If you remember the time that you came here to get the DTR record that I told you?” paalala nito sa kaniya.
Lalong bumilis ang pagkabog ng dibdib niya. “Y-Yes, Sir!”
“Just wanna ask you if you noticed something here when you came inside?”
Parang may bumara sa lalamunan niya nang marinig ang tanong na iyon. Tumingin siya sa mga mata nito.
“W-wala naman po. I thought you went outside and you forgot to lock the door, so I came inside. That’s it, Sir. Sorry if I did that without your presence. As I know the administrative office was badly needed that record for that day,” pagmamaang niya. Sinikap niyang hindi mahalata nito kahit nate-tense siya sa mga tanong nito.
“Really?”
“Do I made trouble about that, Sir?” paglilinaw niya.
Napansin niya ang paghagod ng palad ni Louie sa buhok nito. Inaabangan niya ang sasabihin nito. Hindi siya nawawalan ng kaba at baka hindi ito nakumbinsi sa paliwanag niya.
“Uhm… nothing. I just worried maybe you didn’t got it and your department staff failed to get their salaries. Sa susunod, I’ll make it sure na on time ang pag-approved ko para hindi magkaproblema sa pasahod. We understand na napakahigpit ng admin pagdating sa DTR. Gusto nila ng on time,” paliwanag rin nito.
Tumangu-tango siya para sang-ayunan ang sinabi nito. Pero sa loob-loob niya ay iba ang naiisip niya na nais sana nitong malaman mula sa kaniya. Hindi na siya nagpakita ng motibo para mahalata siya nito na may nalalaman siya. Wala pang sampung minuto siyang nakaupo ay para na siyang isinalang sa hot seat. Gusto na niyang um-exit pero naghihintay pa siya ng hudyat nito.
“Is there anything you need from me, Sir?”
Napatingin ito sa mga mata niya. “Nothing for now. Thank you for your time. You may leave now,” anito.
Parang nabunutan siya ng tinik nang bigyan siya nito ng pirmiso para umalis na. Dala niya ang kaba habang naglalakad siya sa hallway pabalik sa kaniyang departamento. Panay ang murmuring niya habang nirarampa ang mataas na heeled shoes niya. Hindi niya makalimutan ang pagpipigil niyang hindi masabi ang totoong naabutan niya sa opisina ni Louie.
Pagdating niya sa opisina ng department nila ay tuwang sinalubong siya ni Alice. Papalapit pa lamang siya ay kaagad na nitong ibinalita sa kaniya.
“Good news! Magde-departure si Miss Zandra. Mababawasan ang stress mo,” anas ni Alice sa kaniya.
“Hindi rin naman magtatagal iyan. Malaman-laman na lang natin naka-boarding na naman ulit. Matiis ba naman niyon na hindi makita ang nobyo ko. Something strange happened sa opisina ni Sir Louie.” Walang bakas ng tuwa sa mukha niya.
“Talaga? Anong nangyari sa pagpunta mo roon?”
“May mga itinanong lang siya. Ikuwento ko na lang sa iyo mamaya kapag lunch break. About pala kay Zandra, may advance booking na ba siya ulit?”
“Si Zandra? Wala eh. Tinanong ko na sa reservation area, wala naman silang natanggap na bookings. Pero sigurado unexpected na naman iyan. Huwag na tayong umasa na mabubura siya sa listahan ng barko. She’s always a VIP guest here,” ani ni Alice.
“Okay. Asahan na natin na bigla na lamang siyang bubulaga rito sa barko. Anyway, paki-inform ang ibang area officer in-charge na magkakaroon tayo ng department meeting. Kailangan natin paghandaan ang pagdaong ng barko dahil siguradong mas nakaka-pressure ang back to back preparation ng mga cabins.”
“Okay, ma’am, noted! Oo nga pala, hindi ko napansin na bumaba na si Mr. Hashi Yama sa Japan. Ang bilis talaga ng panahon.”
Naupo siya sa kaniyang swivel chair. “May advance booking si Sir Hashi for next week. Sa New York kasi ang distination natin from London. Next week ang flight ni Sir Hashi to New York at doon na siya manggaling. Hihintayin niya ang pagdaong natin.”
Bumalik si Alice sa upuan nito, malapit lang sa desk niya. “Wow, updated ka sa schedule ni Sir Hashi huh!”
“In-add friend niya ako sa sss. Hindi ko naman siya pinapansin pero nagpapadala siya ng mensahe sa akin just to tell about his schedule kung kailan niya planong sumakay ulit ng cruise na ito.”
“Sabi ko na nga ba eh. Interesado siyang maging kaibigan ka. Wala namang masama kung friends kayo, ‘di ba?” tukso ni Alice.
Napangisi lang siya. “Oo naman. Alam naman niya na hindi ako interesado sa kaniya. Kahit nagpapakita siya ng interes sa akin, alam kong hindi siya mamimilit kapag hanggang friends lang kami. Mabait naman siya at maginoo.”
“Pero alam kong si Lorrence lang talaga ang sinasamba ng puso mo, right? Oo na kasi, iyon naman ang totoo eh.”
Napapailing lang siya sa sinabi ng kaibigan. Habang nag-uusap sila ni Alice ay tuloy ang kanilang trabaho. Natigil lang siya sa kuwentuhan nang mag-abala si Alice na tawagan ang lahat ng area in-charge para sa meeting na sinabi niya. Pina-schedule niya ng after lunch ang meeting nila.
Matapos ang kalahating araw na trabaho ay sabay silang tumungo ni Alice sa restaurant. Naabutan nila sina Lorrence at Jake na kasalukuyang kumakain. Hindi na kasi sila nahintay ng mga ito dahil may mahalagang inasekaso ang mga ito. Pero nakasabay pa nila ng ilang minuto. Kaharap nila ang dalawa na papatapos nang kumain. Pang-apatan ang mesa.
“Ang aga ninyong kumain. Babalik na ba kayo kaagad sa area ninyo?” tanong niya kina Lorrence at Jake.
“Oo nga. Magsisimula pa lang kami, paalis na kayo,” dugtong ni Alice.
“Oo. Kailangan eh. Marami kaming trabaho ngayon. Kahit dalawang oras ang hintayan from unloading to embarking, stressful pa rin ang pagche-check ng mga passenger’s luggage. Muntik na nga kaming madali noong last na departure ng mga guest. May nakatangay ng ilang kagamitan ng cruise, mabuti na lamang at nakita sa luggage scanner,” paiwanag ni Lorrence.
“Kalangan ng masusing pagbabantay ngayon. May nabalita kasing cruise ship na nakalusot ang pasahero nilang may dalang illegal na parapernalla,” wika ni Jake.
“Good luck sa work ninyo boys,” aniya sa dalawa.
“O sige, maiwan na muna namin kayo. Magkita na lang ulit tayo kapag pareho nang hindi busy,” paalam ni Lorrence.
“Bye, girls!” paalam naman ni Jake.
Tiis pangungulila muna silang magpares. Nauunawaan naman nila ang kanilang kalagayan. Kahit sila ni Alice ay pinaghahandaan din ang busy day sa deparment nila.
Eksaktong ala-una nang tumungo si Hymae sa meeting room ng housekeeping department. Naroon na lahat ng mga area officer in-charge. Masaya siya at nakipag-ugnayan ang lahat.
“Thank you for your coming to hear some important matters that we need to discuss. This is about the preparation for embarkation. To the chambermaid section…” Napatingin siya kay Miss Mitch, ang OIC ng mga chambermaid at room attendant. “Please make sure to provide fresh and clean linens in all cabin before the arrival of our new guest. Complete all the toiletries and amenities inside the bathroom. That’s the common requests of our valued guests,” patuloy niya.
“Yes, Ma’am! We do all our task ahead of time,” tugon ni Mitch.
“Thank you so much for the best response.” Binalingan niya ng tingin ang janitorial section. “Mr. Dave Lim, please double check the public areas and maintain the cleanliness of the hallways, stairs and all visible areas. Make sure to provide waste bin in every corner and do proper disposal.”
Patuloy siya sa pagbibigay ng instruction sa mga area in-charge. Nagbigay rin siya ng mga memorandum order tungkol sa mga dapat na i-improve at panatilihin sa nasasakupan niya. Sumang-ayon naman ang lahat. May ilan lang na nagtatanong at nagbibigay ng mga suhistiyon. Malugod niyang tinatanggap ang ano mang iminumungkahi ng kasamahan niya dahil malaking bagay na nakikibahagi ang mga ito ng opinyon.
“We made this urgent meeting because the top management want to be updated about our operation. They noticed some minimal problem especially those areas that I mentioned. The guest’s complains directly send to them. That was minimal but we should avoid any problem from our department,” paliwanag niya sa mga nasasakupan.
“We understand, ma’am! We will do our part to make sure there’s no more negative feedback from our area. We apologize for our lackings,” may kababaang loob na wika ni Mitch.
Natutuwa siya sa cooperation ng mga kasama niya. Nagkakaunawaan naman sila sa binuksan niyang pagtitipon. Bukod kasi sa room service at janitorial ay hawak pa niya ang mga bell service, laundry, linen inventory, at iba pang mga sector ng housekeeping. Inubliga na rin niya na magbigay ng daily reports ang mga area in-charge para malaman niya ang araw-araw na kilos ng mga nasasakupan niya.
Hindi nagtagal ang meeting nila dahil kailangan pa nilang paghandaan ang pagdaong nila sa pantalan. Nang magsibalik na sa kaniya-kaniyang area ang mga nasasakupan niya ay tumungo muna siya sa reservation area para alamin ang dami ng paparating na guests at kung ilan ang magde-depart.
“Good afternoon, Miss Sofie More!” masayang bati niya sa naka-duty na reservation clerk.
“Wow, kinumpleto mo pa talaga ang pangalan ko, Miss Skylor,” nakangiting wika sa kaniya ni Sofie. U.S. citizen ito pero pinay ang ina.
“How’s our bookings today?” tanong niya. Nakatayo lang siya sa counter habang nasa loob si Sofie.
“As usual, fully-booked ulit tayo. Almost half ang for departure at half din ang arrivals. Medyo makagiginhawa kami rito for a week,” tuwang hayag nito.
Napangiti siya. “Really? Bakit naman?”
“Wala si Miss Marquez. May pictorials at ambassador siya ngayon sa London. Walang demanding na guests na magpapaingay sa phone namin dito.”
Lihim na nagdiwang ang puso niya. “That’s good news!” Tuwang-tuwa talaga siya sa nabalitaan.
“Good news talaga. Alam mo bang pampagulo siya rito sa amin. Libre na nga ang accommodation niya, napaka-demanding pa. Palibhasa’y VIP. Wala tayong magagawa.”
“Oo nga. Hayaan mo na, magsasawa rin iyon. Anyway, puwede ko bang makita ang guest list natin? May confirm list na ba?” aniya.
“Ay oo! Wait lang at ipi-print ko ang guest list monitoring.” Humarap sa monitor si Sofie at nag-imprinta. Naghintay naman siya. “Alam mo, Hymae, karamihan sa guests na paparating ay mga pinoy. Habaan ninyo ang pasensiya ninyo huh, alam mo na. Pero carry naman siguro kasi mga mayayaman naman sila. Ang iba ay artista pa.”
“Talaga? Okay lang.”
Iniabot sa kaniya ni Sofie ang limang pages ng guest list. Kaagad niyang sinuyod ng tingin ang mga nakalista.
“Maramirami iyan. Ang iba ay hindi bababa. Iikot pa raw sila sa karagatan.”
“Sofie?” Napatingin si Sofie nang tila may hindi siya nagustuhan sa nakalista. “Sigurado ka bang si Bryan Ruiz at Cristy Sanchez ang nasa list number 205?”
Walang kagatul-gatol na tumango si Sofie. “May baby pa nga’ng kasama eh. May nanny rin pero nasa nasa ibang room,” kompirma ni Sofie.
Bigla siyang natahimik at nag-isip. Bago mahalata ni Sofie ay nagpaalam siya rito. Hindi siya makapaniwala sa nalaman.