So far ay na-enjoy ko naman ang company ni Oliver. Inaamin ko naman na na-miss ko talaga siya. Nagyayaan pa nga kaming magpi-pinsan na maligo kaya wala na akong nagawa kundi ang makisabay sa kanila. Sabi kasi ni Oli, hindi raw siya maliligo kung hindi ako maliligo kaya ayon at pinilit nila ako na mag-join na lang at huwag daw akong KJ. Sinamahan pa ako ni Oliver papuntang kwarto para makapagpalit ako ng damit panligo. Saka ko lang din napagtanto na magkaharap lang pala ang mga kwarto namin. Natawa pa kami parehas nang ma-realize namin iyon. Paglabas ko’y nasa labas na siya ng kwarto ko, naghihintay. “Pogi, ah!” puri ko sa kanya. Naka-white na sando ito at m-in-atch niya ito sa floral shorts. Ngayon ko lang din napansin na nagkaka-muscels na pala itong si Oli. Lalo pang lumitaw ang kap

