Nagpaalam na ako kay Oliver na papasok na ako sa loob ng kwarto. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya bago ako pumasok. Itinapat ko ang tainga ko sa pintuan para marinig kung pumasok na ba siya sa kanyang kwarto. Nang makarinig ako ng pagsara ng pinto ay dahan-dahan ko munang binuksan ang pinto. Sumilip pa ako at nang makumpirma na wala na nga talaga roon si Oliver ay nagmadali na akong lumabas. Kailangan kong makausap si Zendrick. Nagbakasali ako na maaabutan ko pa siya sa hagdanan since nasa fifth floor naman ang kwarto ko. Wala akong pakialam kung hihingalin ako basta maabutan ko lang si Zendrick. "Nasaan na kaya 'yon?" tanong ko sa sarili habang lumilinga-linga pa sa paligid. Nagpa-panic na ako dahil baka kung anu-ano ang iisipin ni Zendrick. Baka ang buong akala niya ay nilolo

